Mga Gawa 1–5
Buod
Sa loob ng 40 araw matapos ang Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli, nagministeryo si Jesucristo sa Kanyang mga disipulo. Sinabi Niya sa Kanyang mga Apostol na sa paglisan Niya ay isusugo ng Ama “ang Mang-aaliw, ang Espiritu Santo” (Juan 14:26). Isang lalaking hindi nakakapaglakad mula pa sa pagkapanganak ang nakasalubong nina Pedro at Juan, at gamit ang awtoridad ni Jesucristo, pinagaling ni Pedro ang lalaki. Sina Pedro at Juan ay dinakip at ibinilanggo dahil sa pagpapagaling at pagpapatotoo sa pangalan ni Jesucristo, at iniligtas sila ng isang anghel.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Mga Gawa 1
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na madama ang kahalagahan ng pamumuno ni Jesucristo sa Kanyang Simbahan sa pamamagitan ng mga apostol at propeta.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang magbahagi ng mga halimbawa na nagpapakita na pinamumunuan ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan sa mga huling araw.
-
Handout: Ang handout tungkol sa kung paano pinamunuan ni Jesus ang Kanyang Simbahan sa pamamagitan ng mga Apostol
-
Mga Video: “Ito ang Ating Panahon!” (11:14; panoorin mula sa time code na 3:34 hanggang 5:12); “Tipunin ang Lahat ng mga Bagay kay Cristo” (15:46; panoorin mula sa time code na 10:09 hanggang 13:57)
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong gamitin ang online anonymous poll para gawin ang pag-assess sa sarili sa simula ng lesson at gamitin ang mga sagot ng mga estudyante para talakayin ang natitirang bahagi ng lesson. Ang larawan sa ibaba ay maaaring gamitin para magbigay ng mga opsiyon sa pagsagot sa poll.
Mga Gawa 2
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na mapalalim ang kanilang pag-unawa tungkol sa mga paraan kung paano sila mapagpapala ng Espiritu Santo at tulungan silang matutuhan kung paano aanyayahan ang mga pagpapalang iyon sa kanilang buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na talakayin sa isang mahal sa buhay ang mga paraan kung paano nila nahihiwatigan na kasama nila ang Espiritu Santo sa kanilang buhay. Sabihin din sa mga estudyante na pumasok sa klase na may nakahandang anumang tanong na mayroon sila tungkol sa Espiritu Santo.
Mga Gawa 3
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong na mapalakas ang pananampalataya ng mga estudyante na matutulungan sila ng Ama sa Langit at ni Jesucristo na madaig ang mga hamong kinakaharap nila.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang isang hamon o paghihirap na personal nilang kinakaharap na nanaisin nilang hingin ang tulong ng Ama sa Langit at ni Jesucristo o hilingin na bigyan sila ng Kanilang lakas upang madaig ito. Sabihin sa kanila na pag-aralan ang Mga Gawa 3:1–8 habang iniisip ang hamon o paghihirap na ito at maghanap ng mga katotohanan na makatutulong sa kanila.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Ipakita ang mga larawan na matatagpuan sa bahaging “Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral”, at sabihin sa mga boluntaryo na gamitin ang mga larawang iyon upang ibuod ang mga pangyayaring inilarawan sa Mga Gawa 3:1–8 .
Mga Gawa 4–5
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na makadama ng ibayong hangaring sundin ang Diyos kaysa sa sinuman.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang magbahagi ng mga sitwasyon kung saan maaaring mahirap sundin ang Diyos dahil sa mga pamimilit ng iba.
-
Video: “Kayo’y Magiging Malaya” (9:54; panoorin mula sa time code na 6:43 hanggang 8:51)
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 12
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng mga pagkakataon na mahanap at markahan ang huling 13 doctrinal mastery scripture passage na matatagpuan sa Bagong Tipan.
Paalala: Maaaring kailanganing ituro ang isang doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson habang may klase sa seminary.
-
Chart: Isang chart ng mga doctrinal mastery passage at ang mahahalagang parirala nito ang ipapakita
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Hatiin ang mga estudyante sa mga breakout room. Bigyan sila ng oras na markahan ang mga doctrinal mastery passage sa kanilang mga banal na kasulatan (kung pipiliin nila ito), magtanong upang mas makilala ang isa’t isa, at talakayin ang mga banal na kasulatan na pinag-aaralan nila. Pagkatapos ng itinakdang oras, ibahin ang magkakagrupo na magtutulungan at magtatalakayan sa mga breakout room.