Seminary
Mga Gawa 1


Mga Gawa 1

Pambungad sa Aklat ng Mga Gawa

The eleven apostles of Jesus Christ (all except Judas Iscariot) gathered together in Galilee. Two angels (dressed in white) are standing with the apostles and pointing to the heavens. The apostles are looking upward. The painting depicts the ascension of the resurrected Jesus Christ into the heavens. Christ is not depicted in the picture. (Mark 16:19-20) (Luke 24:50-53) (Acts 1:9-11)

Sa loob ng 40 araw matapos ang Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli, nagminister si Jesucristo sa Kanyang mga disipulo. Sa panahong ito, inihanda Niya ang Kanyang mga Apostol na pamahalaan ang Kanyang Simbahan matapos ang Kanyang Pag-akyat sa langit. Tulad ng ginawa Niya noong unang panahon, patuloy na pinamamahalaan ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan sa pamamagitan ng Kanyang mga piniling Apostol ngayon. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na madama kung gaano kahalaga na pinamumunuan ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan sa pamamagitan ng mga apostol at propeta.

Pagkilala sa mga kontribusyon ng mga estudyante. Ang bawat estudyante ay may mga natatanging pinagmulan, interes, inaasam, at hamon. Kapag nagbahagi ang mga estudyante ng mga karanasan at pananaw sa klase, madalas silang maiimpluwensyahan ng mga natatanging sitwasyon sa buhay nila. Ang mga karanasan at pananaw na ito ay makapagpapala ng iba pang mga estudyante at makatutulong sa titser na ma-assess ang mga pangangailangan ng mga estudyante at magturo nang naaayon dito.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang magbahagi ng mga halimbawa na nagpapakita na pinamumunuan ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan sa mga huling araw.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang Pag-akyat ni Jesucristo sa langit

Maaari mong iakma ang sumusunod na sitwasyon sa mga pangangailangan ng mga estudyante. Maaaring magsadula at magsalitan ang mga estudyante sa pagtugon sa kaibigan sa sitwasyong ito.

Ipagpalagay na ang kaibigan mo, na hindi miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, ay nagtanong sa iyo ng, “Sino ang nagpasimula ng simbahang dinadaluhan mo, at sino ang namumuno rito ngayon?”

  • Paano ka tutugon? Bakit?

Inilalarawan sa aklat ng Mga Gawa ang mga karanasan ng mga Apostol pagkatapos ng Pag-akyat ni Jesucristo sa langit. Marahil ay mahirap para sa mga lider ng Simbahan na isulong ang Simbahan ng Tagapagligtas noong hindi na nila Siya palaging pisikal na nakakasama. Ngunit hindi nag-iisa ang mga Apostol sa kanilang mga pagsisikap. Ang mga karanasan ng mga Apostol na nakatala sa aklat ng Mga Gawa ay naglalarawan ng katotohanan na pinamumunuan ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan sa pamamagitan ng Kanyang mga apostol at propeta.

Isipin ang iyong sariling nadarama tungkol sa pamumuno ni Jesucristo sa Kanyang Simbahan. Sa iyong study journal, sagutin ang mga sumusunod:

  1. Bakit mahalagang malaman na pinamumunuan ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan?

  2. Ano ang inaasahan mong makita sa isang simbahan na pinamumunuan ni Jesucristo?

  3. Gamit ang sumusunod na scale, alamin kung gaano ka sumasang-ayon sa pahayag na ito: “Pinamumunuan ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan ngayon sa pamamagitan ng mga apostol at propeta.” Ipaliwanag ang iyong sagot.

New Testament Seminary Teacher Manual- 2023

Habang pinag-aaralan mo ang lesson na ito, bigyang-pansin ang mga pahiwatig ng Espiritu na makatutulong sa iyo na madama na pinamunuan ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan matapos Siyang umakyat sa langit at patuloy Niyang pinamumunuan ang Kanyang Simbahan ngayon.

Patuloy na pinamumunuan ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan pagkatapos ng Kanyang Pag-akyat sa langit

Gumawa ng isang journal entry na may pamagat na “Mga Halimbawa ng pamumuno ni Jesucristo sa Kanyang Simbahan.” Sa buong lesson na ito, magdagdag ng mga halimbawa sa iyong journal entry at pagnilayan kung paano pinalalakas ng mga ito ang iyong patotoo tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang Simbahan.

Basahin ang mga sumusunod na scripture passage mula sa Mga Gawa 1–5 , at alamin kung paano patuloy na tinulungan ni Jesucristo ang Kanyang mga Apostol pagkatapos ng Kanyang Pag-akyat sa Langit. Isipin kung paano ipinapakita ng mga pangyayaring ito na pinamumunuan ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan. Idagdag ang iyong mga nalaman sa iyong journal entry.

Color Handouts Icon

Ibigay sa mga estudyante ang sumusunod na handout. Maaari mong hatiin ang klase sa mga grupo na may tig-aapat na estudyante. Maaaring pag-aralan ng bawat tao sa grupo ang isang salaysay at maghanap ng katibayan ng pamumuno ni Jesus sa Kanyang Simbahan sa pamamagitan ng mga Apostol. Pagkatapos ay maaari nilang ibahagi ang kanilang mga sagot sa ibang miyembro ng kanilang grupo.

New Testament Seminary Teacher Manual - 2023

Mga talatang pag-aaralan

Mga detalyeng kailangan mong malaman bago pag-aralan ang mga talatang ito

Mga Gawa 1:23–26

Nagtipon ang mga Apostol at iba pang tagasunod ni Cristo upang pag-usapan kung sino ang papalit kay Judas Iscariote bilang isa sa Labindalawang Apostol.

Mga Gawa 2:37–43

Habang nagtitipon ang mga Apostol sa Jerusalem pagkatapos ng Pag-akyat ni Cristo sa langit, napuspos ng Espiritu Santo ang bawat isa sa kanila sa makapangyarihang paraan (tingnan sa Mga Gawa 2:1–8). Napuspos ng Espiritu, nagpatotoo si Pedro tungkol kay Jesucristo (tingnan sa Mga Gawa 2:14–36). Inilalarawan ng scripture passage na ito ang epekto ng espirituwal na karanasan na ito sa maraming nakasaksi rito.

Mga Gawa 3:1–8 ; 4:8–10

Nakasalubong nina Pedro at Juan ang isang lalaking lumpo sa templo sa Jerusalem.

Mga Gawa 5:12–16

Ang mga Apostol ay binalaan na noon ng mga pinunong Judio na huwag nang magsalita tungkol kay Jesucristo (tingnan sa Mga Gawa 4:13–18).

Mga Gawa 5:17–25

Ibinilanggo sina Pedro at Juan matapos patuloy na magpatotoo tungkol kay Jesucristo at gumawa ng mga himala sa pangalan Niya.

  • Ano ang natutuhan mo tungkol kay Jesucristo mula sa mga talatang ito na nakaapekto sa iyong pananampalataya at tiwala sa Kanya?

  • Paano ipinapakita ng mga pangyayaring ito na pinamumunuan ng Tagapagligtas ang Kanyang Simbahan sa pamamagitan ng Kanyang mga Apostol?

Patuloy na pinamumunuan ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan ngayon

All the members of the First Presidency and the Quorum of the Twelve Apostles are seated or standing with the Christus Statue and statues of the Original Twelve at the Visitors’ Center in Rome, Italy. Front Left to Right: Dieter F. Uchtdorf, Jeffrey R. Holland, M. Russell Ballard, Dallin H. Oaks, Russell M. Nelson, Henry B. Eyring, David A. Bednar, Quentin L. Cook, D. Todd Christofferson, Gary E. Stevenson, Ronald A. Rasband, Neil L. Andersen, Dale G. Renlund, Gerrit W. Gong, Ulisses Soares

Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson kung paano patuloy na pinamumunuan ng Tagapagligtas ang Kanyang Simbahan ngayon.

Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

Alam natin bilang mga miyembro ng Simbahan ng Panginoon kung sino ang namumuno rito: si Jesucristo mismo. …

Kaya, ano ang nakapaloob sa isang pangalan? Pagdating sa pangalan ng Simbahan ng Panginoon, ang sagot ay “Lahat!” Inutusan tayo ni Jesucristo na tawagin ang Simbahan sa Kanyang pangalan dahil Kanya ang Simbahang ito, puspos ng Kanyang kapangyarihan.

Alam ko na ang Diyos ay buhay. Si Jesus ang Cristo. Pinamumunuan Niya ang Kanyang Simbahan ngayon.

(Russell M. Nelson, “Ang Tamang Pangalan ng Simbahan,” Ensign o Liahona, Nob. 2018, 88–89)

  • Paano makakaapekto sa buhay mo ang kaalamang pinamumunuan ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan ngayon?

Ipaalala sa mga estudyante na gamitin ang inihanda nila para sa klase sa pagsagot nila sa sumusunod na tanong. Kung kailangan ng mga estudyante ng tulong sa pagsagot, maaari kang magbahagi ng ilang halimbawa, tulad ng pag-unlad ng Simbahan, paglabas at pagsasalin ng Aklat ni Mormon, ang paghahayag na ipagkaloob ang mga pagpapala ng priesthood sa lahat ng karapat-dapat na kalalakihan, mga himalang nangyayari sa buhay ng mga miyembro ng Simbahan, o iba pang halimbawa.

  • Anong mga halimbawa mula sa sarili mong buhay o mula sa kasaysayan ng Simbahan ang tumutulong sa iyo na makita na patuloy na pinamumunuan ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan ngayon? (Tandaang idagdag ang mga halimbawang ito sa iyong journal entry.)

Kung kailangan mong makakita ng ilang halimbawa upang matulungan kang mag-isip ng mga sagot sa tanong na ito, panoorin ang “Ito ang Ating Panahon!” mula sa time code na 3:34 hanggang 5:12 o “Tipunin ang Lahat ng mga Bagay kay Cristo” mula sa time code na 10:09 hanggang 13:58, na matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org.

11:14
2:3
  • Ano ang maipauunawa sa iyo ng mga halimbawang ito ng pamumuno ng Tagapagligtas sa Kanyang Simbahan tungkol sa Kanyang nadarama para sa atin?

Magnilay

Rebyuhin ang listahan ng mga halimbawa ng pamumuno ng Tagapagligtas sa Kanyang Simbahan na ginawa mo ngayon. Maaari kang magdagdag sa entry na ito habang patuloy mong pinag-aaralan ang Mga Gawa at nagkakaroon ng mga karagdagang karanasan sa pag-aaral tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang Simbahan. Maaari mong idagdag ang iyong patotoo sa katotohanang ito sa iyong journal entry.

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga listahan. Maaari mong ibahagi ang iyong personal na patotoo tungkol sa kung paano pinamumunuan ng Tagapagligtas ang Simbahan ngayon, at sabihin sa mga handang estudyante na magpatotoo rin.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Sino ang sumulat ng aklat ng Mga Gawa?

Si Lucas ang sumulat ng Mga Gawa ng mga Apostol bilang “ikalawa sa dalawang bahaging gawa. … Ang unang bahagi ay kilala bilang Ebanghelyo Ayon kay Lucas” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “ Gawa ng mga Apostol, Mga ,” scriptures.ChurchofJesusChrist.org; tingnan din sa Lucas 1:1–4 ; Mga Gawa 1:1).

Tungkol saan ang aklat na ito?

Ang Mga Gawa ng mga Apostol ay nagdurugtong sa tala ng buhay at mga turo ni Jesucristo sa apat na Ebanghelyo at mga isinulat at ginawa ng Kanyang mga Apostol. Inilalarawan ng aklat ng Mga Gawa kung paano patuloy na pinamamahalaan ng Tagapagligtas ang Kanyang Simbahan sa pamamagitan ng inspirasyon ng Espiritu Santo sa mga mayhawak ng mga susi ng priesthood. Inihayag ng Espiritu Santo ang katotohanan sa mga Apostol, na namumuno at nagtuturo naman sa Simbahan. Gumawa rin ng mga himala ang mga Apostol sa pangalan ni Jesucristo.

Ipinaliwanag ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Official Portrait of Elder Jeffrey R. Holland. Photographed January 2018.

Mula sa unang talata [ng aklat ng Mga Gawa], sinasabi rito na ang Simbahan ay patuloy na pinamumunuan ng Diyos, hindi pinamumunuan ng tao. … Sa katunayan, ang tila mas kumpletong pamagat na angkop para sa aklat ng Mga Gawa ay “Ang mga Gawa ng Nabuhay na Mag-uling si Cristo na Kumikilos sa pamamagitan ng Banal na Espiritu sa mga Buhay at Ministeryo ng Kanyang Inorden na mga Apostol.” …

“Ang pamamahala sa Simbahan ay gayon din. Nabago ang kinaroroonan ng Tagapagligtas, ngunit ang pamamahala at pamumuno ng Simbahan ay gayon pa rin.”

(“Therefore, What?” [mensaheng ibinigay sa Church Educational System conference tungkol sa Bagong Tipan, Ago. 8, 2000], 6, si.ChurchofJesusChrist.org)

Ano ang Apostol?

2:3

Paano pinamumunuan ng Panginoon ang Kanyang Simbahan ngayon?

Ipinaliwanag ni Elder Quentin L. Cook ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Official portrait of Elder Quentin L. Cook. Called to the Quorum of the Twelve Apostles on 6 October 2007.

Mangyaring mapanatag kayo na ang mga senior na lider ng Simbahan na namumuno sa mga layunin ng Simbahan na itinalaga ng Diyos ay nakatatanggap ng banal na tulong. Ang patnubay na ito ay mula sa Espiritu at kung minsan ay mula mismo sa Tagapagligtas. Parehong ibinibigay ang dalawang uring ito ng espirituwal na patnubay. Nagpapasalamat ako na makatanggap ng gayong tulong. Subalit ang patnubay ay ibinibigay sa itinakdang panahon ng Panginoon, nang taludtod sa taludtod at tuntunin sa tuntunin [tingnan sa 2 Nephi 28:30 ; Doktrina at mga Tipan 98:12 ; 128:21 ], kapag ang “Panginoon na nakababatid ng lahat ay ipinasiyang turuan tayo” [Neal A. Maxwell, All These Things Shall Give Thee Experience (2007), 31]. Ang patnubay para sa Simbahan sa kabuuan ay dumarating lamang sa Kanyang propeta.

(Quentin L. Cook, “Maghandang Humarap sa Diyos,” Ensign o Liahona, Mayo 2018, 117)

1:27
1:27

Paano tinatawag ang mga makabagong apostol at propeta?

Panoorin ang “Paghahayag para sa Simbahan, Paghahayag para sa Ating Buhay” mula sa time code na 9:41 hanggang 11:49 o “Ang Puso ng Isang Propeta” mula sa time code na 4:08 hanggang 6:40, na matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org, upang makakita ng mga halimbawa.

2:3
2:3

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Mga sinauna at makabagong saksi ni Cristo

Ang isang halimbawa kung paano pinamumunuan ng Tagapagligtas ang Kanyang Simbahan ay naglalaan Siya ng Kanyang mga saksi. Maaaring pag-aralan ng mga estudyante kung paano sumaksi tungkol kay Jesucristo sina Pedro at Juan gaya ng nakatala sa Mga Gawa 2:32 ; 3:10–16 ; at 5:32 . Maaari nilang ihambing ang mga patotoong ito sa mga nakatala sa 2 Pedro 1:16; 1 Juan 1:1 ; at Doktrina at mga Tipan 76:22–24 at sa mga patotoong nakatala sa isa o mahigit pang video na “Mga Natatanging Saksi ni Cristo” na matatagpuan sa https://www.churchofjesuschrist.org/study/video/special-witnesses-of-christ?lang=tgl.

Sa Kanyang Ikalawang Pagparito, ang Tagapagligtas ay bababa mula sa langit sa kaluwalhatian

Magagamit ang aktibidad na ito kung may mga tanong ang mga estudyante tungkol sa kung paano darating ang Tagapagligtas. Sabihin sa mga estudyante na hanapin ang katotohanan na nasa itaas sa Mga Gawa 1:1–12 . Ipaliwanag na ang Pag-akyat sa Langit ng Tagapagligtas ay naganap sa Bundok ng mga Olibo (tingnan sa talata 12). Ipaliwanag na kapag muling pumarito ang Tagapagligtas, ang isa sa Kanyang mga pagpapakita ay ang Kanyang pagbaba mula sa langit at pagtayo Niya sa Bundok ng mga Olibo (tingnan sa Zacarias 14:4 ; Doktrina at mga Tipan 45:47–53 ; 133:19–20). Mangyayari ito bago Siya magpakita sa mundo, kung saan “sama-sama [Siyang] makikita ng lahat ng laman” ( Isaias 40:5). Maaaring talakayin ng mga estudyante kung bakit mahalagang malaman na ang Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas ay magiging napakalinaw at makikita sa buong mundo. Paano ito nagpapakita ng Kanyang pagmamahal sa atin?