Seminary
Mga Gawa 22–28


Mga Gawa 22–28

Buod

Sa mga lesson sa linggong ito, pag-aaralan mo ang mga ipinangako ng Panginoon sa Kanyang mga Apostol at kung paano natupad ang mga ito sa buhay ni Pablo. Nakagapos man siya o pinaharap sa mga pinuno at hari, matapat na ibinahagi ni Pablo ang kanyang makapangyarihang patotoo tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Nang maranasan niya ang malalakas na bagyo, pagkawasak ng barko, at iba pang paghihirap, nagbigay siya ng inspiradong mga payo at babala upang mapanatiling ligtas ang mga kasama niya. Kabilang sa linggong ito ang isang lesson na tutulong sa iyo na maisaulo ang mga doctrinal mastery reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan, at magkakaroon ka rin ng pagkakataong suriin ang mga mithiing itinakda mo at ang pag-aaral at personal na pag-unlad na naranasan mo sa iyong pag-aaral ng Bagong Tipan.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Mga Gawa 22–23, 26–28

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong palakasin ang tiwala ng mga estudyante na tutuparin ng Ama sa Langit at ni Jesucristo ang Kanilang mga pangako habang nagsisikap ang mga estudyante na paglingkuran Sila.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang mga pangakong ginawa ng Panginoon sa kanila. Halimbawa, maaari nilang pag-isipan ang mga pangako sa mga panalangin sa sakramento (tingnan sa Moroni 4:3 ; 5:2) o sa iba pang banal na kasulatan. Ang mga estudyanteng nakatanggap na ng kanilang patriarchal blessing ay maaaring basahin ang mga ito at maghanap ng mga pangako mula sa Panginoon.

  • Chart: Isang chart na nagpapakita ng mga pangako ng Panginoon at kung paano Niya tinutupad ang mga ito

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Pagkatapos pag-aralan ng mga estudyante ang mga pangakong ginawa ng Panginoon sa mga Apostol, sabihin sa kanila na gamitin ang chat feature upang isulat ang natukoy nila. At habang patuloy silang nag-aaral, ipabahagi sa kanila sa chat feature kung paano tinupad ng Panginoon ang pangakong natukoy nila.

Mga Gawa 22–26

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na magkaroon ng mas matinding hangaring tularan ang halimbawa ni Pablo sa pagpapatotoo kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo sa kanilang buhay sa araw-araw.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na magnilay at maghandang magbahagi ng isang karanasan kung kailan nakaimpluwensya sa kanila ang patotoo ng iba.

  • Chart: Isang chart na nagpapakita kung ano ang reaksyon ng mga tao sa patotoo ni Pablo

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Sa katapusan ng lesson, maaari mong ilagay ang mga estudyante sa mga breakout room upang pag-usapan ang kanilang patotoo at mga ideya tungkol sa kung paano ibabahagi ang mga ito sa normal at natural na mga paraan.

Mga Gawa 27–28

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na madama ang kahalagahan ng pagsunod sa payo ng propeta.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang ilan sa mga kasalukuyang turo ng mga makabagong propeta. Halimbawa, maaari silang magbasa at manood ng mensahe sa pinakahuling pangkalahatang kumperensya, magbasa ng isang artikulo ng isang propeta o apostol sa magasing Para sa Lakas ng mga Kabataan, o magbasa ng ilang paksa sa buklet na Para sa Lakas ng mga Kabataan. Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan kung ano ang nadarama nila sa pagtugon sa payo ng mga propeta.

  • Handout: “Ang Paglalayag ni Pablo patungo sa Roma”

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari kang magpakita ng kopya ng handout na magagamit ng mga estudyante habang ginagawa nila ang aktibidad sa kanilang study journal. Pagkatapos, gamit ang whiteboard feature, magtalaga ng iba’t ibang estudyante na magdodrowing o magta-type ng buod ng nangyari sa isa sa apat na kahon. Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyanteng iyon na ipaliwanag ang idinrowing o isinulat nila.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 16

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na maisaulo ang ilan sa mga doctrinal mastery scripture reference sa Bagong Tipan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan.

  • Paghahanda ng estudyante: Ipabasa sa mga estudyante ang isa o dalawa sa mga doctrinal mastery passage na pinag-aaralan nila. Hikayatin silang isaulo ang reperensyang banal na kasulatan at mahalagang parirala ng banal na kasulatan, o kung maaari, ang buong doctrinal mastery passage.

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Papel para sa mga flash card

  • Chart: Ang chart ng doctrinal mastery na ipapakita o ipamamahagi

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Pagkatapos magsanay ng mga estudyante na isaulo ang mga doctrinal mastery reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan, magsabi ng mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa klase at sabihin sa kanila na itapat ang tamang card sa kanilang camera nang hindi lalampas sa takdang oras. (halimbawa, limang segundo).

I-assess ang Iyong Pagkatuto 7

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na suriin ang mga mithiing itinakda nila at ang natutuhan nila at ang personal na pag-unlad na naranasan nila sa kanilang pag-aaral ng Bagong Tipan.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghandang magbahagi ng mga halimbawa mula sa Mga Gawa ng mga taong nagbalik-loob kay Jesucristo.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Bigyan ang mga estudyante ng buod ng Aktibidad A at Aktibidad B, at magpadala ng kopya ng dalawang aktibidad sa mga estudyante. Pagkatapos ay ilagay ang mga estudyante sa mga breakout room at hayaan silang pumili kung aling aktibidad ang gagawin nila nang magkakasama. Pagbalik nila sa klase, ipabahagi sa kanila ang tinalakay at natutuhan nila.