Seminary
Mga Gawa 22–26


Mga Gawa 22–26

Ang Patotoo ni Pablo

Paul speaking to King Agrippa.

Habang nahaharap sa mga maling paratang at pisikal na pagmamalupit, hindi mapapatahimik si Pablo. Nakagapos man siya o pinaharap sa mga pinuno at mga hari, matapat na ibinahagi ni Pablo ang kanyang makapangyarihang patotoo tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan kang magkaroon ng mas matinding hangaring tularan ang halimbawa ni Pablo sa pagpapatotoo kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo sa iyong buhay sa araw-araw. 

Sabihin sa mga estudyante na magpatotoo tungkol sa doktrina at mga alituntunin: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na “ang pagbabahagi ng patotoo ay hindi lamang nagpapala sa taong nagpapatotoo kundi mapapalakas din nito ang pananampalataya at patotoo ng iba. … Maaaring isang simpleng pahayag lamang [ang isang patotoo] tungkol sa alam ng isang tao na totoo, sinambit nang may buong katapatan at may matibay na paniniwala. Maaaring isang simpleng pagpapatibay lamang ito ng nadarama ng isang tao tungkol sa isang doktrina o alituntunin ng ebanghelyo at ang kaibhang nagawa nito sa kanyang buhay” (Pagtuturo at Pag-aaral ng Ebanghelyo: Isang Hanbuk para sa mga Titser at Lider sa Seminaries and Institutes of Religion [2012], 33).

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na magnilay at maghandang magbahagi ng isang karanasan kung saan nakaimpluwensya sa kanila ang patotoo ng iba.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Pagbabahagi ng patotoo

Ipaalala sa mga estudyante ang paanyaya sa paghahanda ng estudyante para sa lesson na ito habang sinasagot nila ang mga sumusunod na tanong.

Sa panrelihiyon o espirituwal na kahulugan, ang pagpapatunay o pagpapatotoo ay karaniwang tumutukoy sa pagbabahagi ng mga personal na paniniwala tungkol sa espirituwal na kaalaman na ibinigay ng Espiritu Santo (tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “ Magpatotoo ” at “ Patotoo ”).

  • Kailan mo nadama ang kapangyarihan ng pagbabahagi ng sarili mong patotoo o pakikinig sa iba na nagbabahagi ng kanilang patotoo? Paano ito nakaimpluwensya sa iyo?

  • Gaano ka kahandang ibahagi ang iyong patotoo sa iba? Bakit maaaring mag-alinlangan ang isang tao na ibahagi ang kanyang patotoo?

  • Ano ang mga tanong at alalahanin mo tungkol sa pagpapatotoo sa iba tungkol sa iyong mga paniniwala?

Sa lesson na ito, pag-aaralan mo ang patotoo ni Pablo tungkol sa Tagapagligtas at kung paano nakaimpluwensya ang Tagapagligtas sa buhay ni Pablo. Malalaman mo rin kung ano ang reaksyon ng iba sa patotoo ni Pablo. Sa iyong pag-aaral, isipin kung paano mapagpapala ng Tagapagligtas ang iyong buhay kapag handa kang ibahagi ang iyong patotoo tungkol sa Kanya at sa Kanyang ebanghelyo, gaano man kalakas sa inaakala mo ang iyong patotoo.

Ang patotoo ni Apostol Pablo

Sa kabila ng paghagupit, pagbato, at maling pagbilanggo sa kanya, paulit-ulit na ibinahagi ni Pablo ang kanyang patotoo tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Habang binabasa mo ang kuwento ni Pablo, ilarawan sa iyong isipan kung ano ang nangyayari sa salaysay.

Maaaring magandang pagkakataon ito upang ipaalala sa mga estudyante ang pagiging epektibo ng paglalarawan sa isipan. Hikayatin silang isipin na parang naroon sila sa salaysay. Habang nagbabasa sila, maaari nilang isipin ang mga tanawin, tunog, at damdamin na maaaring maranasan nila.

Ang mga sumusunod na talata ay naglalaman ng mga bahagi ng patotoo ni Pablo at mga reaksyon ng mga taong nakarinig sa kanya. Pumili ng isa sa mga scripture passage na babasahin, at isipin kung paano ka maaaring naapektuhan ng kanyang patotoo kung naroon ka.

Maaari mong ipakita ang sumusunod na impormasyon para sa mga estudyante. Kung limitado ang oras ng klase, maaaring makatulong na bigyang-diin na hindi kailangang basahin ng mga estudyante ang lahat ng tatlong patotoo.

Patotoo ni Pablo

Ang reaksyon ng mga tao

Iginapos si Pablo pagkatapos siyang dakpin sa Jerusalem. Pinahintulutan siyang magsalita sa mga tao habang nakatayo sa labas ng Muog ng Antonia.

Basahin ang Mga Gawa 22:6–16

Mga Gawa 22:22–24

Dinakip si Pablo sa labas ng templo sa Jerusalem at pagkatapos ay dinala siya sa harap ng mga pinunong Judio. Kinuwestiyon siya ng mga pinunong Judio at ibinilanggo. Nalaman ng kapitang Romano na dumakip kay Pablo ang tungkol sa pagsasabwatan sa isang pangkat ng mga Judio upang patayin si Pablo, kaya ipinadala niya si Pablo sa Cesarea. Sa Cesarea, pinahintulutan si Pablo na magsalita upang ipagtanggol ang kanyang sarili sa harap ng gobernador ng Roma na si Felix.

Basahin ang Mga Gawa 24:10–16

Mga Gawa 24:22–27

Pagkalipas ng dalawang taon ng pagkakabilanggo, humarap si Pablo sa bagong gobernador at hiningi ang pagkakataong magpatotoo sa harap ni Cesar. Sinabi ni Haring Agripa na gusto niyang marinig ang patotoo ni Pablo bago siya maglakbay patungong Roma.

Basahin ang Mga Gawa 26:1–3, 13–23

Mga Gawa 26:24–31

Pagkatapos magawa ng mga estudyante ang isa sa mga babasahin sa itaas, maaari mo silang anyayahan na hayagang ibahagi ang mga personal na impresyon nila mula sa kanilang pag-aaral bago ang sumusunod na aktibidad.

Sa iyong study journal, isulat ang natutuhan mo. Tiyaking isama ang mga sumusunod na punto:

  • Anong mga partikular na bagay ang pinakamahalaga para sa iyo tungkol sa patotoo ni Pablo tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo?

  • Ano ang hinangaan mo tungkol kay Pablo sa mga talatang ito?

  • Sa iyong palagay, bakit nagkaroon ng tapang at lakas si Pablo na magpatotoo tungkol kay Cristo sa mahihirap na sitwasyong iyon?

  • Sa iyong palagay, bakit mahalagang magbahagi ng patotoo kahit maaaring hindi ito tanggapin ng iba?

Habang ibinabahagi ng mga estudyante ang kanilang mga sagot, pakinggang mabuti ang mga totoong alituntunin, at isulat ang mga ito sa pisara. Ang isang posibleng alituntunin ay matapang na ibinabahagi ng mga disipulo ni Jesucristo ang kanilang mga patotoo.

Basahin ang sumusunod na pahayag, at pagnilayan kung paano ito makatutulong sa iyo na magkaroon ng tapang na magpatotoo tulad ng ginawa ni Pablo.

Habang binibigyang-diin na ang pagbabahagi ng ating patotoo sa iba ay hindi kailangang maging perpekto at maaaring mangailangan ng pagsasanay, ibinahagi ni Elder Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng Labindalawang Apostol ang sumusunod.

Official portrait of Elder Dieter F. Uchtdorf of the Quorum of the Twelve Apostles, 2006. Called as Second Counselor in the First Presidency, 3 February 2008. Made official portrait in 2008 replacing portrait taken in 2004.

Sa anumang paraan na tila likas at karaniwan sa inyo, ibahagi sa mga tao kung bakit mahalaga sa inyo si Jesucristo at ang Kanyang Simbahan. …

Dapat ninyong maunawaan na hindi ninyo trabaho ang i-convert ang mga tao. Iyan ang papel ng Espiritu Santo. Ang papel ninyo ay ibahagi ang nasa puso ninyo at mamuhay nang naaayon sa inyong pinaniniwalaan.

(Dieter F. Uchtdorf, “Gawaing Misyonero: Pagbabahagi ng Nasa Puso Mo,” Ensign o Liahona, Abr. 2019, 17)

Sa iyong study journal, gumawa ng dalawang column. Sa isang column, pagnilayan at isulat ang iyong personal na patotoo, kabilang ang mga personal na karanasan na nagpatibay at bumuo ng iyong patotoo tungkol sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, at sa Kanilang ebanghelyo. Sa kabilang column, isulat ang anumang mga saloobin at impresyon tungkol sa kung paano mo maibabahagi ang patotoong ito sa ibang tao sa iyong buhay sa araw-araw, tulad ng ginawa ni Pablo.

Maaari kang magbahagi (at hayaan ang mga estudyante na magbahagi) ng patotoo pati na rin ng mga saloobin, impresyon, at ideya tungkol sa pagpapatotoo sa mga likas at karaniwang paraan. Habang ginagawa mo ito, bigyang-diin ang halimbawa ng Tagapagligtas sa pagbabahagi ng Kanyang patotoo. Maaari itong gawin bago o matapos talakayin ang mga sumusunod na tanong.

  • Sa anong mga paraan naging halimbawa ang Tagapagligtas ng pagbabahagi ng patotoo anuman ang tugon o reaksyon ng iba? (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 138:25–26).

  • Maaaring mag-alinlangan o kabahan ka sa pagpapatotoo tungkol sa Tagapagligtas. Paano makatutulong sa iyo na isipin kung ano ang nadarama ng Tagapagligtas tungkol sa iyong mga pagsisikap na magpatotoo tungkol sa Kanya?

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Saan ko matututuhan pa ang tungkol sa kung ano ang patotoo at paano palalakasin ang sarili kong patotoo?

Para sa tulong sa pag-unawa kung ano ang patotoo at kung paano palalakasin ang sarili mong patotoo, basahin ang artikulo na “Patotoo” sa Mga Paksa ng Ebanghelyo (https://www.churchofjesuschrist.org/study/manual/gospel-topics?lang=tgl).

4:59

Bakit mahalagang maging matatag sa aking patotoo?

Itinuro ni Elder Quentin L. Cook ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Official portrait of Elder Quentin L. Cook. Called to the Quorum of the Twelve Apostles on 6 October 2007.

Ang pagiging “matatatag sa pagpapatotoo kay Jesus” [ Doktrina at mga Tipan 76:79 ] ang simple at mahalagang pagsubok sa pagitan ng mga magmamana ng mga pagpapala ng kahariang selestiyal at ng mga mapupunta sa kahariang terestriyal. …

Ang pagiging matatag sa pagpapatotoo natin kay Jesus ay isang tuntungan sa pagiging karapat-dapat sa biyaya ng Tagapagligtas at sa kahariang selestiyal.

(Quentin L. Cook, “Matatag sa Pagpapatotoo kay Jesus,” Ensign o Liahona, Nob. 2016, 43)

Paano ko maibabahagi ang aking patotoo sa mga likas at karaniwang paraan?

. Maaari mo ring basahin ang artikulong “Mga Alituntunin ng Ministering: Paano Ibahagi ang Patotoo sa Mas Natural na Paraan” (Liahona, Mar. 2019, 8–11).

2:2

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Isang alternatibong paraan upang simulan ang lesson

2:54

Ang epekto ng patotoo ni Pablo kay Joseph Smith

Maaari mong tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang epekto ng patotoo ni Pablo sa pamamagitan ng pagbabasa ng nadama ni Joseph Smith tungkol kay Pablo na nakasaad sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:21–25 . Bakit nakadama si Joseph ng kaugnayan kay Pablo? Sa iyong palagay, paano napalakas si Joseph ng patotoo ni Pablo? Sa anong mga paraan nauugnay sa iyo ngayon ang mga karanasan ni Pablo? Ano ang ilang paraan na makatutulong sa iyo ang patotoo at mga karanasan ni Pablo?

Tulungan ang mga estudyante na mailarawan sa isipan ang mga pangyayari

NaN:NaN

//media.ldscdn.org/webvtt/scripture-and-lesson-support/new-testament-presentations-cur/1996-06-21-lesson-38-paul-a-chosen-vessel-en.vtt

Mga Kaugnayan sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Binibigyang-diin sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin ang katotohanan na “matapang na ibinabahagi ng mga disipulo ni Jesucristo ang kanilang patotoo” (tingnan sa “Hulyo 31–Agosto 6. Mga Gawa 22–28: ‘Isang Ministro at Saksi,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Bagong Tipan 2023). Inaanyayahan nito ang lahat na pag-isipan ang mga pagkakataong magbahagi ng kanilang mga patotoo. Maaari mong itanong sa mga estudyante kung ginawa nila ito at ipabahagi sa mga gumawa nito ang kanilang mga karanasan. Kung hindi ito ginawa ng mga estudyante, ipaalala sa kanila na magkakaroon sila ng pagkakataong gawin ito sa kanilang pag-aaral ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin.