Seminary
I-assess ang Iyong Pagkatuto 7


I-assess ang Iyong Pagkatuto 7

Mga Gawa 1–28

Young women enjoying themselves in Ghana.

Layunin ng lesson na ito na tulungan kang suriin ang mga mithiing itinakda mo, ang natututuhan mo, at ang pag-unlad na naranasan mo sa iyong pag-aaral ng Bagong Tipan.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghandang magbahagi ng mga halimbawa mula sa Mga Gawa ng mga taong nagbalik-loob kay Jesucristo.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na suriin ang mga mithiing itinakda nila, ang kanilang kakayahang ipaliwanag ang mga turo sa Bagong Tipan, o kung paano nagbabago ang kanilang saloobin, hangarin, at kakayahang ipamuhay ang ebanghelyo. Ang pag-aaral ng klase ng Mga Gawa 1–28 ay maaaring nakapagbigay-diin sa mga katotohanang wala sa mga sumusunod na aktibidad. Kung gayon, maaaring iangkop ang mga aktibidad upang maisama ang mga katotohanang iyon.

Matatagpuan sa bahaging “Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral” ang mga karagdagang paksa sa pag-assess.

Maaari bang magbago ang mga tao?

Ipagpalagay na sinabi sa iyo ng kaibigan mo na may mga bagay siyang gustong baguhin sa kanyang sarili, ngunit iniisip niya na hindi niya magagawa ang mga pagbabagong iyon.

  • Paano ka tutugon?

  • Paano nakakaapekto sa iyong buhay na alam mong maaari kang magbago sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo?

Ipaalala sa mga estudyante ang kanilang paghahanda para sa klase.

Pagnilayan ang mga kuwento mula sa aklat ng Mga Gawa na naglalarawan sa kung paano maaaring magdulot ng mabuting pagbabago sa mga tao ang paglapit nila kay Cristo at pagiging Kanyang mga disipulo.

Kung kinakailangan, maaari mong rebyuhin ang isa o mahigit pa sa mga sumusunod na halimbawa.

  1. Mga taong sumapi sa Simbahan: Mga Gawa 2:14, 36–47

  2. Ang eunuko na taga-Etiopia: Mga Gawa 8:26–40

  3. Si Saulo (na naging si Pablo): Mga Gawa 9:1–22

  4. Cornelio: Mga Gawa 10:1–8, 24–25, 44–48

  5. Ang bantay sa bilangguan na nagbabantay kina Pablo at Silas: Mga Gawa 16:25–36

Gamit ang isa sa mga halimbawang ito o iba pa mula sa aklat ng Mga Gawa, maghanda ng sagot sa iyong kaibigan na hindi naniniwala na kaya niyang magbago. Isama ang sumusunod:

  • Katibayan ng isang tao o mga taong nagbabago sa tulong ng Tagapagligtas.

  • Paano tumulong ang Tagapagligtas at ang mga tagapaglingkod na isinugo Niya sa pagbabalik-loob.

  • Ano ang ginawa ng tao o mga tao upang magtiwala sa Panginoon at sa Kanyang mga tagapaglingkod.

Makinig habang ibinabahagi ng mga estudyante ang kanilang mga sagot nang magkakapartner o sa maliliit na grupo. Kung kailangan nila ng karagdagang tagubilin tungkol sa pagbabalik-loob kay Jesucristo, maaari ninyong sama-samang basahin ang mga bahagi ng Mga Gawa 9:3–20 at sabihin sa mga estudyante na maghanap ng mga detalye na tutulong sa kanila na maunawaan kung paano maaaring magbago ang mga tao sa tulong ng Tagapagligtas.

Pagnilayan ang sarili mong pagbabalik-loob kay Jesucristo. Pag-isipan ang mga paanyayang magbago o magpakabuti na nadama mo mula sa Panginoon nang pag-aralan mo ang aklat ng Mga Gawa. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong study journal.

Idispley ang mga sumusunod na tanong upang makita ng mga estudyante habang nagsusulat sila sa kanilang journal.

  • Ano ang nalalaman mo tungkol kay Jesucristo na naghihikayat sa iyong mahalin at sundin Siya nang mas lubusan?

  • Nitong mga nakalipas na buwan o mahigit pa, anong mga pagbabago ang ipinahiwatig sa iyo ng Espiritu Santo na dapat mong gawin? Paano ka tumugon?

  • Paano ka pinagpala ng Ama sa Langit para sa mga pagsisikap mo? Ano ang ginawa mo na nakagawa ng pinakamalaking kaibahan?

  • Ano, kung mayroon man, ang dahilan kung bakit ka nahirapang tanggapin ang mga paanyayang magbago at magpakabuti? Paano ka makahihingi ng karagdagang tulong mula sa Ama sa Langit?

Patuloy na humingi ng inspirasyon mula sa Ama sa Langit sa pamamagitan ng Espiritu Santo habang pinag-aaralan mo ang lesson na ito. Sikaping tukuyin ang nais Niyang ipagawa sa iyo upang magbago at mas magbalik-loob ka kay Jesucristo.Pumili ng isa sa mga sumusunod na aktibidad na gagawin mo habang pinagninilayan mo kung paano mas mapapalapit kay Cristo.

Aktibidad A: Ang mga pangunahing alituntunin at ordenansa ng ebanghelyo ni Jesucristo

Sa Mga Gawa, maraming tao ang tumanggap ng tulong mula sa langit upang magbago at mas magbalik-loob kay Jesucristo sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga pangunahing alituntunin at ordenansa ng ebanghelyo.

Ipinaliliwanag ng Gabay sa mga Banal na Kasulatan kung paano tayo tinutulungan ng mga alituntunin at ordenansang ito na magbalik-loob kay Jesucristo.

Nalulubos ang pagbabalik-loob dahil sa pagsisisi, pagpapabinyag para sa kapatawaran ng mga kasalanan, pagtanggap sa Espiritu Santo sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay, at patuloy na pananampalataya sa Panginoong Jesucristo. Ang isang likas na tao ay mababago sa isang bagong nilikha na pinabanal at dinalisay, isinilang na muli kay Cristo Jesus ( 2 Cor. 5:17 ; Mos. 3:19).

(Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “ Pagbabalik-loob, Nagbalik-loob ,” SimbahanniJesucristo.org)

Pagnilayan ang salaysay na pinili mo na naglarawan ng isang taong nagbago sa tulong ng Panginoon.

  • Anong papel ang ginampanan ng mga pangunahing alituntunin at ordenansa ng ebanghelyo sa kanilang pagbabalik-loob?

  • Paano nakatulong sa iyo o sa iba ang mga pangunahing alituntunin at ordenansa ng ebanghelyo upang mas magbalik-loob ka sa Tagapagligtas?

Ipagpalagay na humihingi ng tulong sa iyo ang mga lokal na missionary sa isang taong tinuturuan nila. Nais nilang ibahagi mo kung paano makatutulong ang mga unang alituntunin at ordenansa ng ebanghelyo upang mapalakas ang pagbabalik-loob kay Jesucristo at maanyayahan ang Kanyang tulong na gumawa ng mga kinakailangang pagbabago sa ating buhay. Sumulat ng paliwanag para sa taong ito na para bang direkta kang nakikipag-usap sa kanya. Gumamit ng kahit isang halimbawa mula sa Mga Gawa at anumang personal na karanasan na sa palagay mo ay magiging kapaki-pakinabang.

Bigyan ang mga estudyante ng oras upang maisulat ang kanilang mga naisip. Pagkatapos ay sabihin sa kanila na ibigay ang kanilang mga paliwanag sa kapartner. Lumibot sa silid at pakinggan ang kanilang mga paliwanag. Kung kailangan pa ng mga estudyante ng karagdagang pagtuturo tungkol sa mga pangunahing alituntunin at ordenansa ng ebanghelyo, maaari mong gamitin ang mga scripture passage na ito: Mga Gawa 19:1–7 ; 2 Nephi 31:13–21 ; 3 Nephi 27:13–22 .

Aktibidad B: Pag-aaral ng banal na kasulatan at pagbabalik-loob

Ang isang mahalagang magagawa natin upang mapalakas ang ating pagbabalik-loob kay Jesucristo ay ang patuloy na pag-aralan ang mga banal na kasulatan. Pag-isipan kung paano ipinapakita ng mga sumusunod na salaysay mula sa aklat ng Mga Gawa ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan sa pagbabalik-loob.

Si Felipe at ang lalaking taga-Etiopia: Mga Gawa 8:26–40

Si Pablo at ang mga Banal sa Tesalonica at Berea: Mga Gawa 17:1–14

Pagnilayan kung paano nakatulong ang pag-aaral ng mga banal na kasulatan sa pagbabalik-loob mo sa Tagapagligtas.

Ipagpalagay na hiniling sa iyo ng iyong Lider sa Young Men o Young Women na tulungan ang mga kabataan sa inyong ward o branch na pag-aralan ang mga banal na kasulatan at palakasin ang kanilang pagbabalik-loob kay Jesucristo. Anong resource ang magagawa mo upang mahikayat sila? Maglaan ng ilang minuto upang ibalangkas ang iyong resource sa iyong study journal. Maaaring ito ay isang video, artikulo, mensahe, website, o iba pang resource.

Maaaring kabilang sa iyong resource ang alinman sa mga sumusunod:

  • Isang halimbawa mula sa Mga Gawa o isa pang aklat ng banal na kasulatan na nagpapakita ng kahalagahan ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan.

  • Isang halimbawa o huwaran ng isang kasanayan sa pag-aaral ng banal na kasulatan na ginagamit mo na nakatutulong sa iyo, o deskripsyon kung paano ka nag-aaral.

  • Paglalarawan ng isang karanasan kung saan nakatulong ang pag-aaral ng mga banal na kasulatan sa iyo o sa isang taong kilala mo na mas magbalik-loob sa Tagapagligtas.

  • Ang iyong personal na patotoo tungkol sa kapangyarihan ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan.

Sabihin sa mga estudyante na gawin ang sumusunod sa kanilang study journal.

Hingin ang tulong ng Ama sa Langit sa pamamagitan ng Espiritu Santo habang isinusulat mo ang anumang gawain na sa palagay mo ay kailangan mong gawin upang mas magbalik-loob kay Jesucristo. Tutulungan ka ng Tagapagligtas habang nagsisikap kang sundin ang mga impresyong ito. Maaari mong ibahagi ang iyong mga impresyon sa isang magulang o pinagkakatiwaang lider ng Simbahan. Hilingin sa kanila na tulungan kang gawin ang mga impresyong ito.

Hikayatin ang mga estudyante na isagawa ang mga impresyong natanggap nila mula sa Ama sa Langit sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Magpatotoo na tutulungan sila ng Diyos kapag sinisikap nilang sundin ang mga impresyong iyon.

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Mga Gawa 1011 ; Mga Gawa 15 ; Mga Gawa 27 . Paghahayag

Maaari mong i-assess kung ano ang nalalaman ng mga estudyante tungkol sa kung paano dumarating ang paghahayag sa mga lider ng Simbahan. Sabihin sa kanila na rebyuhin ang mga isinulat nila mula sa mga lesson na tumatalakay sa Mga Gawa 10 ; 11 ; 15 ; at 27 . Bigyan ang mga estudyante ng pagkakataong isaayos at ilahad ang kanilang mga ideya. Ang isang paraan ay maaaring magpasulat sa mga estudyante ng maikling artikulo para sa magasin na Para sa Lakas ng mga Kabataan na nagpapaliwanag ng mga paraan kung paano natatanggap ang paghahayag para sa buong Simbahan at kung bakit mahalagang maunawaan ang mga katotohanang ito.

Pagkakaroon ng kapayapaan kay Cristo sa kabila ng paghihirap

Sabihin sa mga estudyante na alalahanin ang mga indibiduwal mula sa Mga Gawa na nakahanap ng kapayapaan kay Cristo sa kabila ng paghihirap, tulad nina Pedro at Juan sa Mga Gawa 5:40–42 , si Esteban sa Mga Gawa 67 , si Pedro at iba pang miyembro ng Simbahan sa Mga Gawa 12:1–19 , o si Pablo sa Mga Gawa 2228 . Anyayahan ang mga estudyante na magbahagi ng mga karanasan kung paano sila nakahanap ng kapayapaan kay Cristo sa mga panahon ng paghihirap. Maaari silang tumukoy ng mga ginawa mula sa mga salaysay sa Mga Gawa at mga personal na karanasan na makatutulong sa kanilang harapin ang mga pagsubok sa hinaharap. Anyayahan silang humingi ng inspirasyon mula sa Ama sa Langit sa pamamagitan ng Espiritu Santo at gumawa ng plano ng mga gagawin nila sa mga pagsubok na ito sa hinaharap upang magkaroon ng kapayapaan kay Cristo.