Seminary
Roma 1–6


Roma 1–6

Buod

Sa pagsasalita sa mga Banal na naninirahan sa Roma, ipinahayag ni Pablo na “hindi [niya] ikinahihiya ang ebanghelyo [ni Cristo]” (Roma 1:16). Kinailangan ng tulong ng mga Judio at mga hentil na nagbalik-loob upang maunawaan ang kanilang pag-asa kay Jesucristo at kung paano matatanggap ang mga pagpapala ng Kanyang Pagbabayad-sala sa kanilang buhay. Hinangad ni Pablo na tulungan ang mga Banal sa Roma na maunawaan ang biyaya ni Cristo sa pamamagitan ng pagtuturo ng tungkol sa kaugnayan nito sa pananampalataya at mga gawa. Itinuro Niya na matatamo natin ang kapangyarihan ng Tagapagligtas kapag gumagawa at tumutupad tayo ng mga tipan sa Kanya, “[lumalakad] sa panibagong buhay” (Roma 6:4).

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Roma 1

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na hindi mahiyang makilala bilang mga disipulo ni Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghandang talakayin kung bakit maaaring mag-alinlangan ang mga tao na makilala bilang mga disipulo ni Cristo o ibahagi ang ebanghelyo sa iba.

  • Mungkahi sa pagtuturo para sa videoconference: Maaari mong pasagutan ang quiz sa pamamagitan ng pagpapakita nito sa mga estudyante at hayaan silang markahan ang mga sagot na sa palagay nila ay tama o isulat sa chat ang mga titik ng mga sagot na pinili nila. Pagkatapos ay maaaring talakayin ang mga sagot nang paisa-isa kapag nasagutan na ang quiz o kapag nabanggit ang mga paksa sa lesson.

Roma 2–3

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na mas maunawaan ang pangangailangan nating lahat na mapatawad sa ating mga kasalanan at mabigyang-katwiran sa pamamagitan ni Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang mga kahulugan sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya mula sa lesson sa Roma 1–6 at maghandang ibahagi sa sarili nilang mga salita ang mga kahulugan ng mga salitang tulad ng pagbibigay-katwiran, pananampalataya, at biyaya.

  • Content na ipapakita: Ang mga kahulugan ng pagbibigay-katwiran , pananampalataya, batas, at biyaya

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Sabihin sa isang estudyante na gamitin ang whiteboard function at ilarawan ang iminungkahing drowing para sa buong klase.

Roma 4–5

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na madagdagan ang nauunawaan nila tungkol sa biyaya ni Jesucristo at lalong pahalagahan ito.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang bahaging “Biyaya” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan at pagkatapos ay tumukoy ng isang paraan kung paano nila natanggap ang biyaya ng Diyos sa sarili nilang buhay.

  • Content na ipapakita: Ang diagram ng stick figure sa disyerto at ang kasamang teksto

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaaring igrupo ang mga estudyante sa mga breakout room upang talakayin ang diagram. Tiyaking magbigay ng malilinaw na tagubilin upang malaman ng mga estudyante ang dapat nilang gawin. Maaaring makatulong na ipakita ang tatlong tanong sa talakayan na pag-uusapan ng mga estudyante sa mga breakout room.

Roma 6

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na maghangad ng pagbabago sa pamamagitan ni Jesucristo at mas matukoy kung kailan nangyayari ang mga pagbabagong iyon.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na alalahanin ang mga detalye tungkol sa kanilang binyag at magdala ng larawan kung mayroon sila nito. Maaaring sumulat ang ilang estudyante o kanilang mga magulang ng isang journal entry noong bininyagan ang mga estudyante. Maaaring interesado ang mga estudyante na basahin ang journal entry na iyon o kausapin ang kanilang mga magulang tungkol sa mga detalye ng kanilang binyag, kabilang na ang mga detalye na maaaring nalimutan na ng mga estudyante.

  • Content na ipapakita: Isang larawan ng binyag mo

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari kang gumamit ng hanggang anim na breakout room para sa mungkahi sa titser na kasama sa Roma 6:9–14 . Hatiin ang klase sa mga grupo at magtalaga sa bawat grupo ng kahit isang talata mula sa Roma 6:9–14 na tatalakayin nang magkakasama, at pagkatapos ay ibabahagi nila sa klase ang natutuhan nila. Bisitahin sandali ang bawat grupo upang magbigay ng personal na tulong at sumagot ng mga tanong kung kinakailangan. Tiyakin na handang magbahagi ang mga estudyante sa kanilang mga kaklase bago tapusin ang mga breakout room.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 17

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na palalimin ang kanilang pag-unawa at magpaliwanag ng mga katotohanan tungkol sa isa o mahigit pa sa mga doctrinal mastery passage mula sa Bagong Tipan.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na bigyang-pansin ang anumang di-maunawaang talata, parirala, o salita sa kanilang susunod na personal na pag-aaral o pag-aaral ng pamilya ng mga banal na kasulatan at pumasok sa klase na handang ibahagi ang mga ito.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari kang gumamit ng mga breakout room upang matalakay ng mga estudyante kung paano nila ginagamit ang iba’t ibang kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan upang mas maunawaan nila ang mga doctrinal mastery scripture passage.