Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 17


Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 17

Unawain at Ipaliwanag

Young Men reading scriptures

Ang isang layunin ng doctrinal mastery ay matulungan kang maunawaan ang mga turo ng Tagapagligtas na nakapaloob sa mga doctrinal mastery passage at maipaliwanag ang mga ito sa sarili mong mga salita. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng pagkakataong palalimin ang iyong pag-unawa at magpaliwanag ng mga katotohanan tungkol sa isa o mahigit pa sa mga doctrinal mastery passage mula sa Bagong Tipan.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na bigyang-pansin ang anumang di-maunawang talata, parirala, o salita sa kanilang susunod na personal na pag-aaral o pag-aaral ng pamilya ng mga banal na kasulatan at pumasok sa klase na handang ibahagi ang mga ito.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Maaaring kailanganing ituro ang isang doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson habang may klase sa seminary.

Pag-unawa sa mga banal na kasulatan

  • May nabasa ka na bang banal na kasulatan—siguro ay mahigit isang beses na—at hindi mo maunawaan ang ibig sabihin nito?

  • Gaano kadalas mangyari ito kapag pinag-aaralan mo ang mga banal na kasulatan?

  • Ano ang ginagawa mo kapag nangyayari ito sa iyo?

Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na normal lang na hindi maunawaan ang lahat ng bagay sa mga banal na kasulatan. Gamitin ang paghahanda ng estudyante sa pamamagitan ng pag-anyaya sa kanila na magbahagi ng mga talata, parirala, o salita mula sa mga banal na kasulatan na hindi nila naunawaan mula sa kanilang nakaraang pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Makatutulong kung isusulat ang mga ito sa pisara.

Kung may oras pa sa katapusan ng lesson, maaaring makatulong sa mga estudyante na gamitin ang mga kasanayan sa banal na kasulatan na natutuhan sa lesson na ito sa mga talatang nakalista sa pisara.

Nais ng Tagapagligtas na maunawaan natin ang Kanyang mga salita at tutulungan Niya tayong gawin ito sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Kailangan nating pagsikapan ito. Sa lesson na ito, magkakaroon ka ng pagkakataong matutuhan ang mga kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan na makatutulong sa iyong maunawaan ang iba’t ibang doctrinal mastery passage.

Mga kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan

Rebyuhin sandali ang bawat isa sa mga sumusunod na doctrinal mastery passage at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan.

Maaari mong palitan ang alinman sa mga scripture passage na nirerebyu o maaari kang magdagdag ng iba pang doctrinal mastery passage na makatutulong sa mga estudyante kung pagtutuunan nila ang mga ito.

Maaaring rebyuhin ng mga estudyante ang mga scripture passage na ito nang mag-isa, nang magkakapartner, o bilang isang klase.

Doctrinal Mastery Passage

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Efeso 1:10

“Bilang katiwala ng kaganapan ng panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo.”

Efeso 2:19–20

Ang Simbahan ay “itinayo sa saligang inilagay ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus ang batong panulok.”

2 Tesalonica 2:1–3

“Ang kaarawan ng Panginoon … [ay] hindi darating, malibang maunang maganap ang pagtalikod.”

2 Timoteo 3:15–17

“Ang mga banal na kasulatan … [ay] makakapagturo sa iyo tungo sa kaligtasan.”

Maaari mong hatiin ang klase sa mga grupong may tig-aapat na estudyante at anyayahan ang bawat estudyante na pumili ng isang scripture passage na gusto niyang mas maunawaan pa. Tiyaking magagamit ang lahat ng apat na scripture passage sa bawat grupo. Maaaring kailanganing mahigit isang taludtod ang iparebyu sa ilang estudyante.

Kung makatutulong sa mga estudyante ang isang halimbawa, maaari mong gamitin ang 2 Timoteo 3:15–17 upang ituro sa mga estudyante ang kasanayan sa paggawa ng mga listahan.

Pumili ng isa sa mga scripture passage na gusto mong mas maunawaan pa. Pagkatapos ay pumili ng isa o mahigit pa sa mga sumusunod na kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan upang matulungan kang mas maunawaan ang scripture passage na iyon. Maghandang ipaliwanag ang iyong banal na kasulatan sa iba.

Kung may oras pa, subukang gumamit ng ibang kasanayan sa isa sa iba pang mga scripture passage.

Aktibidad A: Mag-cross reference

Gumamit ng mga makukuhang resource upang makahanap ng iba pang scripture passage na maaaring makatulong na mas maunawaan mo ang doctrinal mastery passage. Maaaring kabilang sa mga ganitong resource ang mga talababa ng banal na kasulatan o ang Gabay sa mga Banal na Kasulatan. Markahan ang mga scripture passage mula sa mga resource na ito, at itala sa study journal o sa Gospel Library app kung paano nakatutulong ang mga ito sa iyo na mas maunawaan ang napili mong doctrinal mastery passage.

Aktibidad B: Bigyang-kahulugan ang mga salita at parirala

Maghanap ng mga salita sa doctrinal mastery passage na hindi mo nauunawaan. Hanapin ang mga kahulugan ng mga salita o pariralang iyon sa mga makukuhang resource, tulad ng Gabay sa mga Banal na Kasulatan o diksyunaryo. Itala sa study journal, mga gilid ng pahina ng banal na kasulatan, o sa Gospel Library app ang mga kahulugang matutuklasan mo, pati na ang anumang bagong kaalaman.

Aktibidad C: Pag-unawa sa konteksto at nilalaman

Gawin ang isa o mahigit pa sa mga sumusunod na makatutulong sa iyong doctrinal mastery passage:

  • Magbasa tungkol sa sulat kung saan hinango ang scripture passage na ito sa entry na “ Sulat ni Pablo, Mga ” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan.

  • Paano nadaragdagan ng heading ng kabanata o mga katabing talata ang iyong pag-unawa sa doctrinal mastery passage?

  • Sino ang kinakausap ng inspiradong may-akda, at bakit?

  • Ano ang pangunahing mensahe ng scripture passage na ito?

Itala ang naunawaan mo sa scripture passage dahil pinag-isipan mo ito.

Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa mga estudyante na ipaliwanag sa kanilang grupo ang kanilang kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan at kung ano ang nauunawaan na nila ngayon tungkol sa kanilang doctrinal mastery passage dahil dito. Maaari mong sabihin sa ilang estudyante na ipaliwanag sa buong klase ang kanilang scripture passage.

Ipaalala sa mga estudyante na tutulungan sila ng kanilang Ama sa Langit at ng Tagapagligtas na maunawaan ang mga banal na kasulatan sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Maaaring makatulong na magpatotoo tungkol sa kahalagahan ng paghingi ng tulong ng Diyos habang nag-aaral sila.