Roma 7–16
Buod
Sa isang sulat sa mga Banal sa Roma, binigyang-diin ni Pablo ang kahalagahan ng pagkakaisa bilang mga miyembro ng Simbahan ng Tagapagligtas. Itinuro din Niya ang tungkol sa pagdaig sa mga makamundong impluwensya at sa ating nahulog na kalagayan, ang tungkol sa hindi nagbabagong pagmamahal ng Diyos, at mga pagpapalang maaari nating matanggap sa pamamagitan ni Jesucristo kapag tapat tayong sumusunod sa Kanya at lumalakad ayon sa Espiritu.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Roma 7–12
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na mas manampalataya kay Jesucristo upang madaig ang kanilang mga kahinaan.
-
Paghahanda ng estudyante: Ipabasa sa mga estudyante ang Roma 7:14, 18–19, 24–25, pati na ang 2 Nephi 4:17–20, 26–32. Sabihin sa kanila na pumasok sa klase na handang ibahagi kung paano nakaragdag o nagpalinaw ang mga talatang ito ng Aklat ni Mormon sa kanilang nauunawaan tungkol sa mga itinuro sa Roma 7. Ipaalala sa mga estudyante na magdala rin sa klase ng sarili nilang kopya ng Aklat ni Mormon.
-
Chart: Ipakita ang chart na matatagpuan sa lesson tungkol sa mga scripture passage mula sa Roma at sa Aklat ni Mormon.
Roma 8:1–17
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na pag-ibayuhin ang kanilang hangaring sundin ang Espiritu at tanggapin ang lahat ng mayroon ang Ama sa Langit.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Doktrina at mga Tipan 76:55–70 at maghandang ibahagi kung bakit nanaisin nilang tanggapin ang mga pagpapalang inilarawan sa mga talatang ito.
-
Ipakita: Maghandang ipakita ang tatlong sitwasyon sa katapusan ng lesson at ang mga tagubilin na kasunod ng mga sitwasyon.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na magdala ng bagay o larawan na kumakatawan sa pisikal o espirituwal na kaloob na inaasahan nilang mamana. Sabihin sa kanila na ipakita ang dinala nila at kung bakit nais nilang mamana ang kaloob na iyon.
Roma 8:18–39
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na makadama ng pag-asa at kapanatagan sa pamamagitan ng pagmamahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo habang nahaharap sila sa mga pagsubok at kawalang-katiyakan.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na gumawa ng isang bagay para sa isang kapamilya na nagpapakita ng kanilang pamamahal sa gawa sa halip na sa salita, at maghandang ibahagi kung ano ang natutuhan nila mula sa karanasang ito.
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Isang maliit na piraso ng papel para sa bawat estudyante
-
Musika: “Isinugo, Kanyang Anak” (Aklat ng Mga Awit Pambata, 20–21)
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong ipanood ang mga video clip ng pangkalahatang kumperensya na matatagpuan sa bahaging “Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon” ng lesson.
Roma 12–15
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na maghanap ng mga paraan upang mas makiisa sa mga miyembro ng Simbahan ng Tagapagligtas.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Doktrina at mga Tipan 38:27 at pag-isipan kung bakit nanaisin ng Panginoon na magkaisa ang mga miyembro ng Kanyang Simbahan.
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 18
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng mga pagkakataong maipamuhay ang ilan sa mga doctrinal mastery passage ng Bagong Tipan.
Paalala: Maaaring kailanganing ituro ang isang doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson habang may klase sa seminary.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na hilingin sa kanilang dalawa o tatlong kaibigan o kapamilya na magbahagi sa kanila ng isang scripture passage sa Bagong Tipan na nais nilang pag-aralan at ipamuhay ng bawat kabataan sa mundo. Sabihin sa mga estudyante na isulat ang mga reperensyang ibabahagi ng kanilang mga kaibigan at kapamilya at pagkatapos ay maghandang ibahagi ang mga reperensyang iyon sa klase.
-
Bagay: Isang daan at limampung maliliit na piraso ng papel sa isang plato o iba pang lalagyan
-
Chart: Ipakita ang chart na kasama sa lesson ng mga doctrinal mastery passage at ang mahahalagang parirala nito.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Sabihin sa mga estudyante na gamitin ang chat feature upang magbahagi ng doctrinal mastery passage na sa palagay nila ay makapagpapatibay ng kanilang ugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Pagkatapos ay pumili ng ilan sa mga estudyante na magpapaliwanag sa klase kung bakit nila pinili ang scripture passage na ibinahagi nila.