Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 18
Ipamuhay ang mga Doctrinal Mastery Passage
Ang isa sa mga layunin ng doctrinal mastery ay tulungan kang matutuhan kung paano ipamuhay ang doktrinang itinuro sa mga doctrinal mastery scripture passage sa mga sitwasyon sa totoong buhay. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng mga pagkakataon na masubukang maipamuhay ang ilan sa mga doctrinal mastery passage ng Bagong Tipan.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Mga doctrinal mastery passage
https://pixabay.com/photos/soccer-goalie-goal-tender-game-1501546/https://pixabay.com/photos/soccer-football-soccer-player-1477569/
Ipagpalagay na 150 sa pinakamahuhusay na atleta sa mundo ang nagta-tryout upang maging goalkeeper sa isang pinakamahusay na soccer team. Naiisip mo ba kung gaano kahirap para sa mga coach na pumili lang ng isang atleta?
-
Ano sa palagay mo ang mga pamantayang maaaring gamitin ng mga coach upang masala kung sino ang pipiliin?
Naglalaman ang Bagong Tipan ng halos 8,000 talata. 53 lang sa mga talatang ito (humigit-kumulang 1 sa bawat 150 talata) ang kasama sa 24 na doctrinal mastery passage sa Bagong Tipan. Isipin ang hirap sa pagpili kung aling mga scripture passage mula sa buong Bagong Tipan ang dapat pag-aralan bilang mga doctrinal mastery passage.
-
Kung hihilingin sa iyong tumulong na pumili ng mga doctrinal mastery passage, anong mga pamantayan ang gagamitin mo upang pagpasyahan kung aling mga scripture passage ang pipiliin mo?
Pumili ng dalawa sa mga sumusunod na doctrinal mastery passage na hindi masyadong pamilyar sa iyo. Basahin ang buong scripture passage sa iyong mga banal na kasulatan, at tumukoy ng mga dahilan kung bakit sa palagay mo ay napili ang mga scripture passage na iyon bilang mga doctrinal mastery passage na pagtutuunan ng mga kabataan sa buong mundo.
Doctrinal Mastery sa Bagong Tipan: 1 Corinto–Apocalipsis
“Ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo.” | |
*Sa Panginoon, kailangan ng babae ang lalaki at ang lalaki ay kailangan ng babae.” | |
“Sapagka’t kung paanong kay Adan ang lahat ay namamatay, gayundin kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.” | |
Sa Pagkabuhay na Mag-uli, may tatlong antas ng kaluwalhatian. | |
“[Sa] kaganapan ng panahon, [maaari niyang] tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo.” | |
Ang Simbahan ay “itinayo sa saligang inilagay ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus ang batong panulok.” | |
Ang araw ng Panginoon … [ay] hindi darating malibang maunang maganap ang pagtalikod.” | |
“Ang mga banal na kasulatan … [ay] makakapagturo sa iyo tungo sa kaligtasan.” | |
Ang Ama sa Langit ang “Ama ng mga espiritu.” | |
“Kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, humingi siya sa Diyos.” | |
“Ang pananampalataya … kung ito ay walang mga gawa ay patay.” | |
“Ang ebanghelyo ay ipinangaral maging sa mga patay.” | |
“At ang mga patay ay hinatulan ayon sa kanilang mga gawa.” |
Ang iyong ugnayan sa Diyos
Ang isang dahilan kung bakit napili ang mga doctrinal mastery passage ay dahil naglalaman ang mga ito ng mga katotohanang makapagpapatibay sa iyong ugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.
-
Ano ang isang doctrinal mastery passage na nakatulong sa iyo na patibayin ang iyong ugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo? Paano ito nakatulong sa iyo?
-
Anong mga katotohanan ang natutuhan mo tungkol sa Kanila mula sa scripture passage na ito?
Iangkop ang mga scripture passage
Ang isa sa mga layunin ng doctrinal mastery ay tulungan kang iangkop ang mga katotohanang matatagpuan sa mga doctrinal mastery passage sa mga sitwasyong kinakaharap mo sa buhay mo ngayon at kakaharapin sa hinaharap. Halimbawa, ang doktrinang itinuturo sa 1 Pedro 4:6 na ipinapangaral ang ebanghelyo sa mga yumao sa daigdig ng mga espiritu ay makatutulong na mapanatag ang isang kaibigang nawalan ng mahal sa buhay, o makahihikayat sa iyong gumawa ng gawain sa templo at family history para sa mga ninuno mo.
Pag-aangkop sa kasalukuyang panahon
-
Ano ang isang tunay na sitwasyong kinakaharap ng mga kabataan ngayon na maaaring matugunan ng isa sa mga doctrinal mastery passage na nakalista sa chart? Maaari kang magsulat tungkol sa sitwasyon mo, ng isang taong kakilala mo, o ng mga kabataan sa pangkalahatan.
-
Alin sa mga doctrinal mastery passage ang pinakanaaangkop sa sitwasyong isinulat mo? Paano naaangkop sa sitwasyong iyon ang mga katotohanan sa scripture passage na iyon?
Pag-aangkop sa hinaharap
-
Ano ang isang sitwasyong maaari mong maranasan kapag mas matanda ka na kung saan matutulungan o magagabayan ka ng isa sa mga doctrinal mastery passage?
-
Alin sa mga doctrinal mastery passage ang pinakanaaangkop sa sitwasyong iyon? Paano naaangkop sa sitwasyong iyon ang mga katotohanan sa scripture passage na iyon?