Seminary
Roma 8:18–39 


Roma 8:18–39 

“Pag-ibig ng Diyos, na na kay Cristo” 

woman sitting alone

Natukso ka na bang isipin kung nagmamalasakit sa iyo ang Diyos sa mga sitwasyong nakapanlulumo, hindi patas, o mahirap? Nakapaloob sa sulat ni Pablo sa mga Banal sa Roma, kung saan ang ilan ay nagtiis sa matitinding pagsubok, ang isang nakapapanatag na mensahe para sa sinumang nagdurusa. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na makadama ng pag-asa at kapanatagan sa pamamagitan ng pagmamahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo habang nahaharap ka sa mga pagsubok at kawalang-katiyakan. 

Ang pag-aaral ng ebanghelyo ay isang aktibidad na nakasentro sa tahanan. Maghanap ng mga pagkakataon na mahikayat ang mga estudyante na ibahagi sa kanilang mga pamilya ang nararanasan nila sa seminary at ibahagi sa kanilang mga kaklase ang natututuhan nila sa kanilang tahanan.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na gumawa ng isang bagay para sa isang kapamilya na nagpapakita ng kanilang pamamahal sa gawa sa halip na sa salita, at maghandang ibahagi kung ano ang natutuhan nila mula sa karanasang ito.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ano ang ipapayo mo?

Isipin kung ano ang maaaring ipayo ng isang doktor upang makatulong sa mga sumusunod na kalagayan:

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na magmungkahi ng maaaring ipayo nila kung sila ang doktor. Maaaring mag-anyaya ng mga boluntaryo sa harap ng klase at bigyan sila ng papel na may nakasulat na karaniwang karamdaman tulad ng mga nakalista sa ibaba. Maaaring ilarawan ng bawat isa sa kanila ang kanilang karamdaman at humingi ng maikling payo tungkol sa kung paano gamutin ito.

  • Pananakit ng tiyan dahil sa bacteria o virus (Stomach flu)

  • Nabaling daliri ng paa

  • Matinding pananakit ng ulo

  • Sipon

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

  • Anong partikular na payo ang maaaring ibigay sa bawat isa sa mga karamdamang iyon?

  • Anong pangkalahatang payo ang maaaring makatulong para magamot ang lahat ng karamdamang iyon?

Siyempre, hindi lahat ng pagsubok ay sa pisikal na aspeto. Maraming tao ang nagdurusa sa mga hamong may kinalaman sa mental, emosyonal, at espirituwal. Alam ng Tagapagligtas kung paano tulungan at palakasin ang bawat isa sa atin, anuman ang nagpapahirap sa atin. Bagama’t magkakaiba ang mga pagsubok ng bawat tao, tinuruan tayo ng Diyos ng mga walang hanggang katotohanan na makatutulong at makapagpapanatag sa atin sa anumang mahirap na sitwasyon.Sa iyong study journal, gumawa ng maikling listahan ng mga pagsubok na gusto mo o ng iyong mga mahal sa buhay ng tulong para makayanan ang mga ito.

Maaari kang mamigay ng mga piraso ng papel at magpasulat sa bawat estudyante nang hindi inilalagay ang kanilang pangalan ng isang pagsubok na tinitiis nila o ng mahal nila sa buhay. Ipaalam sa mga estudyante na maaaring ibahagi sa klase ang isinulat nila nang hindi binabanggit ang pangalan nila. Kunin ang mga papel, basahin nang tahimik ang mga ito, at magsulat sa pisara ng iba’t ibang pagsubok na pinakanauugnay—lalo na ang mga pagsubok na binanggit ng mahigit sa isang estudyante. Sabihin sa mga estudyante na tumingin sa listahang ito habang sinasagot nila ang sumusunod na tanong at sa mga naaangkop na pagkakataon sa buong lesson.

  • Ano ang nalalaman mo na tungkol sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, at sa plano ng kaligtasan na nakatutulong sa iyo sa mga pagsubok na ito? Paano ka natulungan ng kaalamang iyon?

Bagama’t hindi nababawasan ng iyong patotoo ang realidad, sakit, o hirap ng mga pagsubok na nararanasan mo at ng mga mahal mo sa buhay, makapagbibigay ito ng pag-asa, kapanatagan, at walang hanggang pananaw sa mga sandaling nararanasan mo ang mga pagsubok na iyon.

Maaari mong ipakita ang mga sumusunod na reperensyang banal na kasulatan.

Ilang taon lang matapos ipadala ni Pablo ang mga sulat sa mga taga Roma, dumanas ang mga Banal sa Roma ng malalagim na pag-uusig. Basahin ang Roma 8:18, 24–25, 28, 31–39 , at markahan ang bawat pariralang pinaniniwalaan mong makatutulong o makapagpapanatag sa isang tao, anuman ang mga partikular niyang paghihirap.

Sabihin sa mga estudyante na gawin ang sumusunod na aktibidad sa kanilang study journal.

  • Isulat ang isang parirala mula sa mga talatang iyon na nakaantig sa iyo. Bakit mo pinili ang pariralang iyan?

Sa puntong ito, ipabahagi sa ilang estudyante ang pariralang isinulat nila. Habang nagbabahagi sila, maaari kang tumuro sa mga partikular na pagsubok na nakalista sa pisara at sabihin sa kanila na ipaliwanag kung paano makatutulong at makapagpapanatag sa isang tao ang mga katotohanang nilalaman ng pariralang tinukoy nila sa partikular na sitwasyong iyon.

  • Isulat kung paano makatutulong sa iyo at sa mga mahal mo sa buhay ang pag-alam sa mga katotohanang itinuturo sa pariralang iyon sa ilan sa mga partikular na paghihirap mo.

  • Maaari mong isaulo ang pariralang napili mo. Maaari ka ring gumawa ng paalala sa araw-araw ng pariralang ito sa isang electronic device o isulat at ilagay ito kung saan mo ito makikita sa mga susunod na araw.

Ang sumusunod na bahagi ng lesson ay nakatuon sa isang pariralang matatagpuan sa Roma 8:39 . Huwag mag-atubiling tumuon sa isa o mahigit pang iba’t ibang parirala o katotohanang itinuro sa Roma 8 kung mas nauugnay ang mga ito sa mga estudyante.

Ang pagmamahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo

Bago ibahagi ang sumusunod na katotohanan, anyayahan ang mga estudyanteng nagawa ang mungkahi sa paghahanda ng estudyante na ibahagi kung ano ang ginawa nila para ipakita ang kanilang pagmamahal sa isang tao.

Ang isa sa mga pariralang maaaring namarkahan mo sa mga talatang ito ay nagtuturo ng katotohanan na “[walang] makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos” ( Roma 8:39).

Nais ng Ama sa Langit at ni Jesucristo na malaman mong mahal ka Nila. Ipinapakita nila ang pagmamahal na iyon sa gawa at sa salita.

  • Ayon sa Roma 8:32 , ano ang ginawa ng Ama sa Langit upang ipakita na mahal ka Niya?

Basahin ang doctrinal mastery passage na matatagpuan sa Juan 3:16 , at pansinin ang itinuro ng Tagapagligtas tungkol sa dahilan ng Ama sa Langit sa pagsusugo ng Kanyang anak sa lupa. Maaari mong i-cross reference o iugnay ang scripture passage na ito sa Roma 8:32 .

Upang matulungan ang mga estudyante na madama ang patotoo ng Espiritu Santo tungkol sa pagmamahal ng Diyos, maaari mong ipakanta o iparinig ang kanta sa Primary na “Isinugo, Kanyang Anak” (Aklat ng Mga Awit Pambata, 20–21).

Ang kahandaan ng Tagapagligtas na magbayad-sala para sa ating mga kasalanan ay patunay rin ng Kanyang pagmamahal sa atin (tingnan sa Roma 8:34–35 ; Doktrina at mga Tipan 34:1–3).

  • Kailan mo nadama ang pagmamahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo sa iyong buhay? Paano ka natulungan ng Kanilang pagmamahal na makayanan ang mga paghihirap?

Maaari kang magbahagi ng personal na halimbawa tungkol sa kung paano nakatulong sa mga panahon ng kahirapan na nauunawaan mong mahal ka ng Diyos.

Sa iyong study journal, isulat ang natutuhan mo ngayon tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo na gusto mong maalala. Maaari ka ring magsulat ng mensahe at ibigay ito sa isang kapamilya o kaibigan na maaaring makinabang sa isang bagay na natutuhan o nadama mo ngayon.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Ano ang ibig sabihin ng ang pagdurusang pinagdaraanan natin sa lupa ay “hindi karapat-dapat maihambing sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin”? ( Roma 8:18)

Itinuro ni Sister Linda S. Reeves, dating Pangalawang Tagapayo sa Relief Society General Presidency:

11:22
Official portrait of Linda S. Reeves, sustained at the April 2012 general conference as second counselor in the Relief Society general presidency, October 2012. Released April 2017 General Conference.

Hindi ko alam kung bakit marami tayong pagsubok, ngunit para sa akin ang gantimpala ay napakalaki, walang hanggan at walang katapusan, sobrang masaya at higit pa sa ating pang-unawa, kaya sa araw na iyon ng gantimpala, maaari nating sabihin sa ating maawain at mapagmahal na Ama na, “Iyon na po ba ang lahat ng kailangan naming gawin?” Naniniwala ako na kung araw-araw nating aalalahanin at kikilalanin ang lalim ng pagmamahal ng ating Ama sa Langit at ng ating Tagapagligtas para sa atin, magiging handa tayong gawin ang lahat para makabalik sa Kanilang piling, napaliligiran ng walang-hanggan Nilang pagmamahal. Malaking bagay ba … kung magdusa man tayo rito, kung sa bandang huli ay ang mga pagsubok na iyon ang mismong kailangan natin para maging karapat-dapat tayo sa buhay na walang-hanggan at kadakilaan sa kaharian ng Diyos sa piling ng Ama at ng Tagapagligtas?

(Linda S. Reeves, “Karapat-dapat sa mga Pagpapalang Ipinangako sa Atin,” Ensign o Liahona, Nob. 2015, 11)

Paano “gumagawa sa ikabubuti [natin]” ang ating mga pagsubok? ( Roma 8:28)

Sinabi ni Elder James B. Martino ng Pitumpu:

2:3
Official Portrait of Elder James B. Martino. Photographed March 2017.

Ang ating Ama sa Langit, na lubos at ganap na nagmamahal sa atin, ay hinahayaang magkaroon tayo ng mga karanasang huhubog sa mga pag-uugali at katangiang kailangan natin para mas lalo tayong maging katulad ni Cristo. Maraming anyo ang mga pagsubok [sa atin], ngunit bawat isa ay nagtutulot na maging higit na katulad tayo ng Tagapagligtas habang natututuhan nating kilalanin ang kabutihang nagmumula sa bawat karanasan. Kapag naunawaan natin ang doktrinang ito, lalo nating matitiyak ang pagmamahal ng ating Ama. Maaaring hindi natin malaman sa buhay na ito kung bakit natin dinaranas ito, ngunit makapagtitiwala tayo na maaaring umunlad ang ating pagkatao mula sa karanasang ito.

(James B. Martino, “Lahat ng mga Bagay ay Nagkakalakip na Gumagawa sa Ikabubuti,” Ensign o Liahona, Mayo 2010, 101)

Ano ang ibig sabihin ng walang “makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos”? ( Roma 8:39)

Sinabi ni Pangulong Thomas S. Monson (1927–2018):

Official portrait of President Thomas S. Monson, 2008.

Mahal kayo ng inyong Ama sa Langit—bawat isa sa inyo. Ang pagmamahal na iyan ay hindi nagbabago. Hindi ito naiimpluwensyahan ng inyong hitsura, ng inyong mga ari-arian, o ng pera ninyo sa bangko. Hindi ito nababago ng inyong mga talento at kakayahan. Basta nariyan lang ito. Nariyan ito para sa inyo kapag malungkot kayo o masaya, nawawalan ng pag-asa o umaasa. Ang pag-ibig ng Diyos ay nariyan para sa inyo marapat man kayong mahalin o hindi. Basta nariyan lang ito palagi.

(Thomas S. Monson, “Hindi Tayo Kailanman Nag-iisa,” Ensign o Liahona, Nob. 2013, 123–24)

Dahil lubos na mapagmahal ang Diyos, ililigtas ba Niya ang lahat ng tao, anuman ang kanilang mga pinili?

Itinuro ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol ang sumusunod tungkol sa pagmamahal ng Diyos:

15:8
Official portrait of President Thomas S. Monson, 2008.

Ang pag-ibig [ng Diyos] ay inilarawan sa banal na kasulatan bilang “dakila at kahanga-hangang pag-ibig,” “ganap na pag-ibig,” “mapagtubos na pag-ibig,” at “walang hanggang pag-ibig.” Mas mabubuting kataga ang mga ito dahil ang salitang walang kundisyon ay maaaring maghatid ng mga maling ideya tungkol sa banal na pag-ibig, tulad ng, pinalalampas at binibigyang-katwiran ng Diyos ang anumang ginagawa natin dahil ang Kanyang pag-ibig ay walang kundisyon, o hindi tayo pagagawin ng Diyos ng anuman dahil ang Kanyang pag-ibig ay walang kundisyon, o lahat ay maliligtas sa kaharian ng Diyos sa langit dahil ang pag-ibig ng Diyos ay walang kundisyon. Ang pag-ibig ng Diyos ay walang hanggan at mananatili magpakailanman, ngunit ang kahulugan nito para sa bawat isa sa atin ay depende sa kung paano tayo tumutugon sa Kanyang pag-ibig.

(D. Todd Christofferson, “Magsipanahan sa Aking Pag-ibig,” Ensign o Liahona, Nob. 2016, 48)

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Pinagtitibay at nililinaw ng Aklat ni Mormon ang mga katotohanang itinuturo sa Biblia

Sa isang nakaraang lesson, maaaring inanyahan ang mga estudyante na gamitin ang Aklat ni Mormon upang tulungan silang mas maunawaan ang mga sulat ni Pablo o ang iba pang mga scripture passage sa Biblia.

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na subukan ang kasanayang ito sa pamamagitan ng paghahanap ng mga scripture passage sa Aklat ni Mormon na pinagtitibay at nililinaw ang mga katotohanang natukoy nila sa Roma 8 . Kabilang sa ilang posibleng scripture passage ang 1 Nephi 1:1 ; Alma 31:31 ; Alma 36:3 .

Ang pagmamahal ng Diyos at ang mga pagpapalang ibinibigay Niya sa atin

Maaari kang magbigay ng maliit na gantimpala sa lahat ng estudyante sa klase na handang magsagawa ng simpleng gawain. Kung may magpapasyang hindi tapusin ang gawain, tanungin ang mga estudyante kung hindi ito patas o nagpapatunay ito na hindi pantay ang pagmamahal sa estudyante kung hindi niya matatanggap ang gantimpalang kapareho ng matatanggap ng mga estudyanteng nakatapos ng gawain.

Maaari mong gamitin ang pahayag ni Elder Christofferson na matatagpuan sa bahaging “Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon” at ipapanood ang ikinuwento ni Elder Renlund sa video na “Nakagagalit na Kawalang-Katarungan” mula sa time code na 1:16 hanggang 2:28, na matatagpuan sa SimbahanniJesucristo.org, upang matulungan ang mga estudyante na makita na ang mga pagpapalang natatanggap natin ay bunga ng mga pagpili natin.

14:51