Seminary
Roma 7–12


Roma 7–12

“Ang Tagapagligtas … [ay] Ihihiwalay ang Kasamaan”

A young man is in his home. He is reading and studying scriptures. This is in Fiji.

Kung minsan sa ating paglalakbay sa buhay, maaari tayong panghinaan ng loob o madismaya kapag tayo ay nagkakamali at hindi naging mabuti tulad ng nararapat. Dama ang ganito ring pagkadismaya, naibulalas ni Apostol Pablo, “Kahabag-habag na tao ako!” (Roma 7:24). Sa kabila ng mga kahinaang nararanasan natin sa mortalidad, makararanas tayo ng pag-asa at kapayapaan kapag nagtiwala tayo kay Jesucristo. Ang lesson na ito ay tutulong sa iyo na lalo pang manampalataya kay Jesucristo upang madaig ang mga kahinaan mo. 

Paggamit ng Aklat ni Mormon. Itinuro kay Nephi na ang Aklat ni Mormon at ang iba pang mga banal na kasulatan sa huling araw ay lalabas upang “[magpatibay] sa katotohanan” ng Bibia ( 1 Nephi 13:40). Ang pag-anyaya sa mga estudyante na basahin ang mga scripture passage sa Aklat ni Mormon kasama yaong nasa Biblia ay makatutulong sa kanila na makita nang mas malinaw ang mga katotohanan ng ebanghelyo ni Jesucristo.

Paghahanda ng estudyante: Ipabasa sa mga estudyante ang Roma 7:14, 18–19, 24–25 , pati na ang 2 Nephi 4:17–20, 26–32 . Sabihin sa kanila na pumasok sa klase na handang ibahagi kung paano nakaragdag o nagpalinaw ang mga talatang ito ng Aklat ni Mormon sa kanilang nauunawaan tungkol sa mga itinuro sa Roma 7. Ipaalala sa mga estudyante na magdala rin sa klase ng sarili nilang kopya ng Aklat ni Mormon.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Pagtugon sa mga kahinaan ng mortalidad

Maaari mong iangkop ang sumusunod na sitwasyon batay sa mga pangangailangan ng mga estudyante, o anyayahan ang mga estudyante na mag-isip ng sarili nilang sitwasyon tungkol sa isang tinedyer na napanghihinaan ng loob dahil kanyang mga kahinaan.

Si Trey ay miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Gusto niyang sundin si Jesucristo ngunit nararamdaman niyang hindi niya nagagawa ang mabuti tulad ng nararapat. Madalas siyang makonsensiya dahil sa mga kahinaan niya at nag-aalala na baka hindi siya karapat-dapat.

Isipin kung paano maaaring natutulad kay Trey ang nararamdaman mo kung minsan.

  • Paano naiimpluwensyahan ng mga damdaming ito ang ugnayan mo sa Ama sa Langit at kay Jesucristo, pati na rin sa ibang tao?

  • Bakit mahalagang humingi ng tulong sa Ama sa Langit at kay Jesucristo upang madaig ang iyong mga kahinaan at kakulangan?

Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson na “nauunawaan ng Panginoon ang ating mga kahinaan bilang tao. Tayong lahat ay nagkakamali paminsan-minsan. Ngunit nalalaman din Niya ang tungkol sa ating malaking potensyal.” (“Si Cristo ay Nagbangon; Ang Pananampalataya sa Kanya ay Makapagpapalipat ng mga Bundok,” Liahona, Mayo 2021, 102). Habang pinag-aaralan mo ang lesson na ito, alalahanin ang itinuro ni Pangulong Nelson at maghanap ng mga katotohanan na makatutulong sa iyo kapag natukoy mo ang iyong mga kahinaan. Pagnilayan kung paano pag-iibayuhin ng mga katotohanang ito ang iyong pananampalataya na matutulungan ka ni Jesucristo.

Nakaranas din si Apostol Pablo ng kahinaan at tunggalian sa pagitan ng “laman” ( Roma 7:18), o mga pagnanasa ng katawan, at ng “kaibuturan ng … pagkatao” ( talata 22), o espirituwalidad.

Basahin ang Roma 7:14, 18–19, 24–25 at ang Pagsasalin ni Joseph Smith para sa mga talatang ito na matatagpuan sa Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia. Maghanap ng mga salita o pariralang naglalarawan sa mga saloobin at nadarama ni Pablo. Maaari mong markahan ang nahanap mo. Tandaan na sa talata 24 , ang “kamatayan” na ito ay tumutukoy sa espirituwal na kamatayan, o pagkakahiwalay sa Diyos, na dulot ng kasalanan.

  • Paano natutulad ang mga saloobin at nadarama ni Pablo sa maaaring saloobin o nadarama mo?

  • Anong mga katotohanan ang itinuro ni Pablo?

Ang isang katotohanan na maaaring natukoy mo mula sa mga talatang ito ay maililigtas tayo ni Jesucristo mula sa pagkabihag sa kasalanan. Maaari mong isulat ang katotohanang ito malapit sa Roma 7:24–25 .

  • Katulad kay Pablo, bakit maaaring makatulong sa iyo ang pag-alaala sa katotohanang ito na makadama ka ng higit pang pag-asa kapag nahihirapan ka sa sarili mong mga kahinaan?

Ang Aklat ni Mormon ay isang makapangyarihang kasangkapan na magagamit natin upang tumibay ang nauunawaan natin sa mga katotohanang itinuro sa Biblia (tingnan sa 1 Nephi 13:40 ; 2 Nephi 3:12).

Halimbawa, sa 2 Nephi 4 , nagbahagi si Nephi ng mga turong katulad ng mga turong pinag-aralan mo mula kay Pablo sa Roma 7 .

Basahin ang 2 Nephi 4:17–20, 26–32 , at alamin kung paano nagpahayag si Nephi ng mga damdaming katulad ng kay Pablo.

  • Alin sa mga salita o parirala ni Nephi ang pinakamakabuluhan sa iyo? Bakit?

  • Paano makatutulong sa iyo ang mga turo ni Nephi para mas mapalapit ka sa Ama sa Langit at kay Jesucristo kapag nahihirapan ka sa iyong kahinaan o nagdududa sa sarili?

Paggamit ng Aklat ni Mormon upang mas maunawaan ang katotohanan

Kung may natitira pang oras sa lesson, maaari mong gamitin ang sumusunod na materyal upang matulungan ang mga estudyante na maghanap ng iba pang pagkakaugnay ng mga turo ni Pablo at ng Aklat ni Mormon.

Tulad ng 2 Nephi 4 na pinag-iibayo ang pag-aaral mo ng mga turo ni Pablo sa Roma 7 , matutulungan ka ng marami pang scripture passage ng Aklat ni Mormon na mas maunawaan at pahalagahan ang mga turo ni Pablo.

Magsanay na gamitin ang Aklat ni Mormon upang lalo pang maunawaan ang mga turo ni Pablo sa pamamagitan ng pagpili ng dalawa o higit pa sa mga sumusunod na scripture passage mula sa Roma na babasahin. Pagkatapos ay ihambing ang mga ito sa nauugnay na mga scripture passage sa Aklat ni Mormon (o maghanap ng sarili mong nauugnay na mga scripture passage sa Aklat ni Mormon gamit ang Gabay sa mga Banal na Kasulatan). Alamin kung paano pinagtitibay o nililinaw ng mga scripture passage sa Aklat ni Mormon ang mga katotohanang itinuro sa Roma.

Idispley ang sumusunod na chart upang makita at magamit ng mga estudyante. Hikayatin silang maghanap din ng sarili nilang mga scripture passage sa Aklat ni Mormon na nagbibigay-linaw kung kaya nilang gawin.

Roma

Aklat ni Mormon

Roma 8:5–7

2 Nephi 9:39 ; Mosias 3:19

Roma 8:28

Alma 36:3

Roma 11:26

2 Nephi 9:19–21

Roma 12:1

Omni 1:26

Roma 12:2

Alma 5:57

Roma 12:21

Alma 37:33–35

  • Paano napagtibay ng mga scripture passage mula sa Aklat ni Mormon ang iyong naunawaan sa mga turo ni Pablo sa Roma?

Pagnilayan kung paano ka natulungan ng Aklat ni Mormon sa pag-aaral mo ng Biblia. Hangaring gamitin ang Aklat ni Mormon upang matulungan ka habang patuloy mong pinag-aaralan ang Bagong Tipan.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Paano ako matutulungan ni Jesucristo na madaig ang mga kahinaan ko sa mortalidad?

Habang naglilingkod sa Unang Panguluhan, itinuro ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf:

19:13
Official portrait of Elder Dieter F. Uchtdorf of the Quorum of the Twelve Apostles, 2006. Called as Second Counselor in the First Presidency, 3 February 2008. Made official portrait in 2008 replacing portrait taken in 2004.

Maraming taong pinanghihinaan ng loob dahil palagi silang nagkukulang. Alam nila mismo na “ang espiritu sa katotohanan ay may ibig, datapuwa’t mahina ang laman” [ Mateo 26:41 ]. Inilalakas nila ang kanilang tinig na kasama ni Nephi sa pagpapahayag na, “Ang aking kaluluwa ay nagdadalamhati dahil sa aking mga kasamaan” [ 2 Nephi 4:17 ]. …

Kapag naiisip ko ang ginawa ng Tagapagligtas para sa atin hanggang sa unang Linggong iyon ng Pagkabuhay, nais kong lakasan ang aking tinig at sumigaw ng mga papuri sa Kataas-taasang Diyos at sa Kanyang Anak na si Jesucristo!

Bukas ang mga pintuan ng langit!

Bukas ang mga dungawan sa langit!

Ngayon at magpakailanman ang biyaya ng Diyos ay para sa lahat na bagbag ang puso at nagsisisi ang espiritu [tingnan sa 3 Nephi 9:19–20 ]. Nalinis na ni Jesucristo ang daan para lumago tayo nang husto na hindi kayang unawain ng isipan ng tao [tingnan sa 1 Mga Taga Corinto 2:9 ].

(Dieter F. Uchtdorf, “Ang Kaloob na Biyaya,” Ensign o Liahona, Mayo 2015, 110)

2:3

Paano nagtutulungan ang Biblia at ang Aklat ni Mormon, at paano ipinapakita ng mga ito ang pagmamahal ng Diyos para sa atin?

Ipinaliwanag ni Pangulong Harold B. Lee (1899–1973):

Head and shoulders portrait of LDS Church President Harold B. Lee.

Ang ating walang hanggang Ama sa Langit, na palaging nagmamalasakit tungkol sa espirituwal na kapakanan ng Kanyang mga anak, ay nagbigay sa atin ng katuwang na aklat ng mga banal na kasulatan, na kilala bilang Aklat ni Mormon, bilang depensa para sa mga katotohanan ng Biblia na isinulat at ipinahayag ng mga propeta ayon sa patnubay ng Panginoon. …

… Sa pangalawang saksing ito ay malalaman natin nang may higit na katiyakan ang kahulugan ng mga turo ng mga sinaunang propeta at, katunayan, maging ng Panginoon at ng Kanyang mga disipulo noong nabubuhay sila at nagtuturo sa mga tao. Ito ay dapat na magbigay-inspirasyon sa lahat ng tunay na naghahanap ng katotohanan na pagsamahin ang dalawang sagradong banal na kasulatang ito at pag-aralan ang mga ito bilang isang aklat, na inuunawa, tulad ng ating ginagawa, ang tunay na pagkakaugnay ng mga ito.

(Harold B. Lee, Ye Are the Light of the World [1974], 89, 91)

Bakit sinabi ni Pablo na kailangan lang nating tawagin ang pangalan ni Jesus upang maligtas?

Ang Roma 10:1–13 ay madalas banggitin upang ipagtanggol ang paniniwala na ang kailangan lang gawin ay tawagin ang pangalan ni Jesucristo upang maligtas. Gayunpaman, partikular na nagsalita ang Tagapagligtas laban sa doktrinang ito nang sabihin Niyang, “Hindi lahat ng nagsasabi sa akin ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit” ( Mateo 7:21).

Dagdag pa rito, binigyang-diin ni Pablo ang kahalagahan ng ordenansa ng binyag sa unang bahagi ng kanyang sulat sa Roma (tingnan sa Roma 6:1–6) at itinuro din niya ang kahalagahan ng mabubuting gawa at nagbagong puso (tingnan sa Roma 2:1, 3, 6–13, 25–29).

Bukod pa rito, ang salitang “ipahahayag” sa Roma 10:9 ay maaaring isalin bilang “tipan,” at ang pariralang “tumatawag sa” sa Roma 10:13 ay maaaring isalin bilang “pangalanan” (tingnan sa James Strong, The New Strong’s Exhaustive Concordance of the Bible, tulad ng matatagpuan sa http://lexiconcordance.com/greek/3670.html; http://lexiconcordance.com/greek/1941.html). Maaaring tumutukoy ang mga salitang ito sa pagpasok sa mga tipan at sa pagtaglay ng pangalan ni Cristo sa ating sarili, na tumutugma sa iba pang turo ni Pablo (tingnan sa Galacia 3:27 ; Roma 6:14–22) pati na rin sa mga nauugnay na scripture passage sa Aklat ni Mormon, tulad ng Mosias 5:1–9 .

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Roma 9 at 11: “Sapagkat hindi lahat ng buhat sa Israel ay kabilang sa Israel” ( Roma 9:6)

Maaari mong ituon nang bahagya ang lesson sa doktrina ng paghirang at pag-oorden sa simula pa. Maaaring pag-aralan ng mga estudyante ang Roma 9:1–7 at 11:1–5, 25–32 pati ang mga entry sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan na “ Hinirang, Pagkakahirang ” at “ Pag-oorden sa Simula Pa ” (sa “Mga Tulong sa Pag-aaral” sa SimbahanniJesucristo.org). Maaari nilang hanapin ang mensahe ni Pangulong Nelson sa kumperensya na may pamagat na “Hayaang Manaig ang Diyos” (Ensign o Liahona, Nob. 2020, 92–95) at ibahagi ang mga kaalamang nahanap nila tungkol sa kung paano naaangkop ang mga katotohanang ito sa kanila (tingnan sa Roma 8:14–15).

Alternatibong pagtutuunan ng lesson

Maaari mong ituon ang lesson na ito sa pagtulong sa mga estudyante na maunawaan ang ilan sa mga dahilan kung bakit mayroon tayong Aklat ni Mormon bukod pa sa Biblia. Maaari kang magsimula sa pamamagitan ng paglalarawan ng isang sitwasyon kung saan may kaibigan ang mga estudyante na nagpo-post sa social media tungkol sa kanyang pananaw kung bakit hindi na kinakailangan pa ng anupamang karagdagang banal na kasulatan maliban sa Biblia, at kinukuwestiyon niya kung bakit kinakailangan pa ng sinuman ang Aklat ni Mormon.

Maaaring panoorin ng mga estudyante ang “Ang Aklat ni Mormon—Isang Aklat mula sa Diyos,” na matatagpuan sa SimbahanniJesucristo.org, mula sa time code na 4:28 hanggang 5:41. Sa video na ito, ipinaliwanag ni Elder Tad R. Callister, na noon ay kabilang sa Panguluhan ng Pitumpu, ang ilan sa mga dahilan kung bakit mahalagang mayroon tayo ng Aklat ni Mormon bukod pa sa Biblia.

Pagkatapos ay maaaring gamitin ng mga estudyante ang mga banal na kasulatan na binanggit sa lesson na ito upang malaman kung paano nililinaw at pinagtitibay ng Aklat ni Mormon ang mga katotohanan sa Biblia, at sumulat ng sagot sa kaibigan.

2:3