1 Corinto 1–7
Buod
Tatalakayin sa mga lesson ngayong linggo ang unang pitong kabanata ng liham ni Pablo sa mga taga Corinto. Ang mga Banal sa Corinto ay nalito ng mga makamundong ideya, at sinikap ni Pablo na tulungan sila na makita kung paano sila matututo ng mga walang-hanggang espirituwal na katotohanan. Ang kanyang makapangyarihang mga turo ay nagpalakas at nagwasto sa mga Banal sa Corinto, at gumabay sa kanila pabalik sa landas ng tipan. Kasama rin sa linggong ito ang isang lesson na tutulong sa iyong i-asses ang natututuhan mo.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
1 Corinto 1–4
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan kung paano makatutulong sa atin ang pagsasalig ng ating buhay kay Jesucristo upang madaig ang mga hamon ng mundo.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na hilingin sa isang kapamilya o kaibigan na ipaliwanag kung paano nakatulong sa kanila ang pagsasalig ng kanilang buhay kay Jesucristo upang maharap ang iba’t ibang hamon sa buhay.
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Isang papel o study journal
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Gamit ang whiteboard feature, sabihin sa isang estudyante na magdrowing ng isang bahay na may pundasyon o saligan. Pagkatapos ay ipasulat sa klase sa paligid ng bahay ang ilang hamon o negatibong impluwensyang kinakaharap nila. Ipasulat din sa kanila sa loob o sa paligid ng pundasyon ang magagawa nila upang maisalig ang kanilang buhay sa Tagapagligtas.
1 Corinto 2
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maanyayahan ang Espiritu Santo na tulungan silang matuto ng mga bagay na espirituwal.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghanda ng mga sagot sa mga sumusunod na tanong: Ano ang mga katotohanang nalaman ninyo sa pamamagitan ng Espiritu Santo? Paano pinagtibay ng Espiritu Santo ang mga katotohanang ito sa inyo?
-
 
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong ipakita ang teksto ng 1 Corinto 2:9–14 . Gamit ang isang annotation tool, ipasalungguhit o ipabilog sa mga estudyante ang mga salita o pariralang nagpapahayag ng mga espirituwal na katotohanan. Sabihin sa kanila na ipaliwanag kung bakit nila minarkahan ang mga ito.
1 Corinto 6
Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng kanilang pisikal na katawan at ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kadalisayan ng puri.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan kung ano ang nalalaman nila tungkol sa pamantayan ng Panginoon tungkol sa kadalisayan ng puri at maghandang magtanong ng anumang katanungang mayroon sila tungkol sa kadalisayan ng puri.
-
Mga Materyal para sa mga estudyante: Isang kopya ng buklet na Para sa Lakas ng mga Kabataan para sa bawat estudyante, kung posible
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Kapag natukoy na ng mga estudyante ang mga alituntunin mula sa 1 Corinto 6:18–20 , maaari kang magpakita ng larawan ng isang kabataan at templo. Gamit ang chat feature, ipalista sa mga estudyante ang mga pagkakatulad ng isang pisikal na katawan at ng isang templo. Ipatalakay din sa kanila kung paano makakaimpluwensya ang paghahambing na ito sa paraan kung paano natin nakikita at pinangangalagaan ang ating katawan.
Doctrinal Mastery: 1 Corinto 6:19–20
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng pagkakataon na isaulo ang reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 1 Corinto 6:19–20 , ipaliwanag ang doktrina, at ipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa sitwasyon sa tunay na buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Ibahagi sa mga estudyante ang sitwasyon sa pagsasanay sa lesson na ito at anyayahan sila na simulang pag-isipan kung paano sila tutugon.
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Maaaring makatulong na ipakita ang sitwasyon para mabasa ito ng mga estudyante habang ginagamit nila ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Hatiin ang mga estudyante sa mga breakout room upang isadula ang pagpapaliwanag ng batas ng kalinisang-puri at kung bakit ito mahalaga gamit ang mga turo sa 1 Corinto 6:19–20 . Kung posible, makinig sa iba’t ibang breakout room upang i-assess kung gaano nauunawaan nang mabuti ng mga estudyante ang katotohanang ito. Maaari mo ring gamitin ang chat feature para makapag-upload ang mga estudyante ng larawan ng kanilang image, meme, o collage na kumakatawan sa 1 Corinto 6:19–20 .
I-assess ang Iyong Pagkatuto 8
Layunin ng lessson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na suriin ang mga mithiing itinakda nila at ang pansariling pag-unlad na naranasan nila sa kanilang pag-aaral ng Bagong Tipan.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na isipin ang kanilang pag-unlad sa kanilang mga personal na espirituwal na mithiin. Bukod pa rito, anyayahan silang pag-isipan kung ano ang natutuhan nila o ang mga mithiing itinakda nila habang pinag-aaralan nila ang Roma at 1 Corinto 1–7.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Upang matulungan ang mga estudyante na pagnilayan ang tungkol sa pagkakaisa at magsanay na magkaisa, anyayahan silang piliin ang gallery view upang makita nila ang lahat ng tao sa kanilang klase. Malamang na ipapakita ang mga miyembro ng klase sa iba’t ibang pagkakasunod-sunod para sa bawat estudyante. Sa ilang tool, maaari itong baguhin sa pamamagitan ng pag-drop at pag-drag sa mga display window sa ninanais na pagkakasunod-sunod. Kung posible, anyayahan ang mga estudyante na ilagay ang kanilang mga kaklase sa iisang pagkakasunod-sunod sa kanilang screen. Pagkatapos ay subukang ipabigkas sa mga estudyante ang Roma 14:19 o Roma 15:1 , kung saan paisa-isang magbibigkas ng salita ang bawat estudyante, batay sa pagkakasunod-sunod sa display screen.