Seminary
Roma 1


Roma 1

“Hindi Ko Ikinahihiya ang Ebanghelyo ni Cristo”

Young man wearing eyeglasses, sitting outside reading scriptures. (horiz)

Sa anumang pagkakataon, kakailanganin nating lahat na ipagtanggol ang ating pinaniniwalaan. Sa pagsasalita sa mga Banal na naninirahan sa Roma, ipinahayag ni Pablo na “hindi [niya] ikinahihiya ang ebanghelyo [ni Cristo]” ( Roma 1:16). Ang pagsusumigasig niyang ibahagi ang mensahe ng ebanghelyo ang katibayan. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyong hindi mahiyang makilala bilang disipulo ni Jesucristo.

Pagbabahagi ng mga totoong kuwento at salaysay. Upang matulungan ang mga estudyante na maging interesado sa lesson, maaari kang magbahagi ng mga totoo at personal na kuwento mula sa mga buhay ng mga propeta, kasaysayan ng Simbahan, mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya, o mga magasin ng Simbahan.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghandang talakayin kung bakit maaaring mag-alinlangan ang mga tao na makilala bilang mga disipulo ni Cristo o ibahagi ang ebanghelyo sa iba.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang sumusunod na quiz ay magagamit upang ituro ang mga Sulat sa Bagong Tipan. Ang mga sagot ay (1) c; (2) b; (3) c; (4) a.

Matatagpuan ang marami pang impormasyon tungkol sa mga sulat na ito sa “ Sulat ni Pablo, Mga ” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan (SimbahanniJesucristo.org) o sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya.

Ano ang nalalaman mo na?

Ipagpalagay na ikinukuwento mo sa isa sa iyong mga kaibigan na mula sa ibang Kristiyanong relihiyon na pinag-aaralan mo ang Bagong Tipan sa seminary. Sinabi niya sa iyo na gusto niya ang Bagong Tipan ngunit kung minsan ay nahihirapan siyang maunawaan ang Mga Sulat. Tinanong ka niya kung ano ang nalalaman mo tungkol sa mga ito. Sagutan ang sumusunod na quiz upang malaman kung gaano mo siya kahusay na masasagot.

  1. Ano ang Mga Sulat?

    1. Mga opisyal na anunsyo ng Simbahan na ginawa ng propeta

    2. Mga mensaheng ibinigay ng mga lider ng Simbahan na tinipon sa paglipas ng mga taon

    3. Iba’t ibang liham na isinulat ng mga lider ng Simbahan sa mga Banal

  2. Sino ang kinikilala sa pagsulat ng 14 sa 21 sulat na makikita sa Bagong Tipan?

    1. Pedro

    2. Pablo

    3. Lucas

  3. Paano isinaayos ang unang 13 ng Mga Sulat?

    1. Ayon sa pagkakasunod-sunod (ayon sa kung kailan isinulat ang mga ito)

    2. Ayon sa kahalagahan

    3. Ayon sa haba

  4. Sino ang ilan sa iba pang may-akda ng Mga Sulat?

    1. Santiago, Pedro, Juan, at Judas

    2. Santiago, Pedro, Juan, at Esteban

    3. Santiago, Pedro, Juan, at Timoteo

Ang Sulat sa mga Taga Roma

Ang aklat ng Roma ay isang sulat ni Pablo sa mga Banal sa Roma noong malapit nang matapos ang kanyang mga paglalakbay bilang misyonero. Ang Roma—ang kabisera ng Imperyong Romano—ay puno ng mga makamundong pilosopiya at isang lugar na mahirap ipangaral at ipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo. Sumulat si Pablo sa mga Banal sa Roma upang palakasin ang kanilang pananampalataya, ihanda sila sa kanyang pagdating, linawin at ipagtanggol ang mga turo niya, at hikayatin na magkaisa ang mga Judio at Gentil na mga miyembro ng Simbahan.

Habang pinag-aaralan mo ang Roma 1 , alamin ang mga katotohanan na makahihikayat sa iyo habang nagsisikap kang maging disipulo ni Jesucristo.

Hindi ko ikinahihiya

Ang kuwento tungkol sa paghahanda ni Joseph F. Smith ay matatagpuan sa Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph F. Smith [1998], 124–25.

2:3

Basahin ang Roma 1:15–17 , at alamin ang pagkakatulad nina Pangulong Joseph F. Smith at Pablo. Maaari mong markahan ang mga salita o parirala sa mga talatang ito na makabuluhan sa iyo.

Maaaring namarkahan mo ang mga salitang “Hindi ko ikinahihiya ang ebanghelyo [ni Cristo]” sa Roma 1:16 .

  • Mula sa natutuhan mo tungkol kay Pablo sa aklat ng Mga Gawa, paano niya ipinakita na hindi niya ikinahihiyang makilala siya bilang Kristiyano?

  • Anong mga sitwasyon ang maaaring maranasan ng mga kabataan ngayon kung saan kailangan nilang ipagtanggol at hindi ikahiya ang ebanghelyo ni Cristo?

Alam ni Pablo na mahirap ipamuhay at ipangaral ang ebanghelyo sa Roma. Sinalungat din siya ng mga taong hindi nauunawaan o hindi tinatanggap ang kanyang mga turo. Gayunpaman, nais ni Pablo na pumunta sa Roma at mangaral doon upang ilapit ang iba kay Cristo (tingnan sa Roma 1:15).

Isipin ang mga karanasan kung saan, tulad ni Pablo, ay nagkaroon ka ng pagkakataong ipagtanggol o ibahagi ang iyong pananampalataya kay Jesucristo. Gumawa ng maikling listahan sa iyong journal. Isama ang iyong mga saloobin at nadarama tungkol sa kung gaano mo ninanais na ibahagi ang iyong pananampalataya sa mga sitwasyong iyon.

Maaaring makatulong na ipaalala sa mga estudyante na maraming maliliit at karaniwang paraan kung saan maipapakita nilang hindi nila ikinahihiya ang ebanghelyo ni Cristo. Maaari kang magpabahagi sa ilang boluntaryo ng sarili nilang mga halimbawa. Maaari ding ibahagi ng mga estudyante ang kanilang paghahanda para sa lesson na ito sa pamamagitan ng pagtalakay kung bakit maaaring mag-alinlangan ang mga tao na ibahagi ang ebanghelyo.

  • Bakit maaaring ikahiya ng isang kabataan na makilala bilang Kristiyano? Ano ang maaari niyang gawin kung naiisip o nadarama niya iyon?

Mga halimbawa sa banal na kasulatan at sa makabagong panahon

Rebyuhin ang mga sumusunod na halimbawa ng mga taong hindi ikinahiyang ipaalam ang kanilang pananampalataya sa Panginoon. Isipin ang mga sitwasyong kinaharap nila, at maghanap ng mga pagkakatulad ng mga buhay nila at ng buhay mo.

Tingnan ang bahaging “Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral” para sa mga karagdagang halimbawa at ideya tungkol sa kung paano gumamit ng teknolohiya para sa aktibidad na ito.

25:30
5:1
  • Ano ang hinangaan mo sa mga halimbawang ito?

  • Paano ipinakita ng mga indibiduwal ito na hindi nila ikinahihiya ang ebanghelyo ni Cristo?

  • Sino sa buhay mo ang naging halimbawa na hindi niya ikinahihiya ang ebanghelyo ni Jesucristo? Paano niya ipinakita ang kanyang pananampalataya?

Sinasabi sa atin sa Roma 1:15–17 na ang isang dahilan kaya masigasig si Pablo na ipangaral ang ebanghelyo ni Cristo ay dahil nauunawaan niya na “[ang ebanghelyo] ang kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan” ng lahat ng anak ng Diyos. Sa madaling salita, dahil alam ni Pablo na walang sinuman ang maliligtas nang wala ang ebanghelyo ni Jesucristo, nais niyang ibahagi ito sa lahat.

Maaaring magkakaiba ang mga sagot ng mga estudyante sa mga sumusunod na tanong. Habang tinatalakay ang mga tanong na ito, tulungan ang mga estudyante na maunawaan na personal ang pagsasabuhay ng alituntuning ito at hindi nila dapat husgahan ang iba batay sa kung paano nila ipinapakita ang kanilang pananampalataya.

  • Paano makatutulong sa iyo ang pag-alaala sa ginawa ng Tagapagligtas para sa iyo upang hindi mo Siya ikahiya at ang Kanyang ebanghelyo?

  • Bagama’t maaaring may mga pagkakataon na tinatawag tayo upang ipagtanggol ang ating pananampalataya sa malalaki at kapansin-pansing pamamaraan, kadalasan, ang ating pananampalataya ay pinakamainam na naipapakita sa maliliit at mga karaniwang paraan (tingnan sa Alma 37:6–7). Paano mo malalaman na “hindi ikinahihiya [ng isang tao] ang ebanghelyo [ni Cristo]”?

  • Tapusin ang sumusunod na pangungusap: Hindi ko ikinahihiya ang ebanghelyo ni Jesucristo, dahil

Maaari mong patotohanan ang kaligayahan at kapayapaan na maaaring magmula sa pagiging tapat sa iyong mga paniniwala at mga tipan.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Paano ko maibabahagi ang aking patotoo sa mga likas at karaniwang paraan?

Itinuro ni Elder Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Official portrait of Elder Dieter F. Uchtdorf of the Quorum of the Twelve Apostles, 2006. Called as Second Counselor in the First Presidency, 3 February 2008. Made official portrait in 2008 replacing portrait taken in 2004.

Alam ko na ang ilan sa atin ay mas palakaibigan kaysa sa iba. Okay lang iyan. Ginagawang posible ng Panginoon para sa bawat isa sa atin, sa sarili nating paraan, na anyayahan ang iba na pumarito at tingnan at pumarito at tumulong. Pagkatapos ay gagawin ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagliligtas, at sila ay paparito at mamamalagi.

Magmumungkahi ako ng limang bagay na magagawa ng sinuman upang makibahagi sa dakilang utos ng Tagapagligtas na tumulong sa pagtitipon sa Israel.

1. Lumapit sa Diyos.

2. Punuin ang iyong puso ng pagmamahal para sa ibang tao.

3. Sikaping lumakad sa landas ng pagkadisipulo.

4. Ibahagi ang nasa puso mo.

5. Magtiwala na gagawa ang Panginoon ng mga himala.

(Dieter F. Uchtdorf, “Sharing the Gospel in Normal and Natural Ways,” ChurchofJesusChrist.org)

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Paggamit ng teknolohiya upang ma-access ang mga artikulo at video

Maaaring makatulong na gumawa ng mga QR code o pinaikling URL para sa mga artikulo at video na matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org. Maaaring ipakita ang mga code o URL na ito sa buong silid upang ma-access ng mga estudyante ang mga resource sa kani-kanyang device.

Iba pang halimbawa ng pananampalataya

Ang mga halimbawang ito ng mga taong hindi ikinahihiyang ipaalam ang kanilang pananampalataya sa Panginoon ay magagamit sa bahaging “Mga halimbawa sa banal na kasulatan at sa makabagong panahon” ng lesson.

2:3
5:38
10:32

Laganap ang kasamaan at mga kasalanan sa panahon ni Pablo at sa panahon natin

Sa Roma 1:18–32 , inilista ni Pablo ang marami sa mga kasalanang laganap sa kanyang panahon at sa kasalukuyan. Bagama’t maaaring katanggap-tanggap sa maraming tao ang mga pag-uugaling ito, talakayin kung bakit inilalayo tayo ng mga bagay na ito sa kaligayahang dulot ng plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit.

Ipaliwanag na mula sa Roma 1:18–32 , nalaman natin na itinuturo sa atin ng mga propeta at apostol ang mga gawain at pag-uugali na kasalanan sa Diyos.

Maaaring mahirapan ang mga estudyante na maunawaan ang mga salitang ginamit upang ilarawan ang mga pag-uugaling ito. Ipaliwanag na ang talata 23 ay tumutukoy sa pagsamba sa mga diyus-diyosan, o pagsamba sa mga imaheng gawa ng mga tao sa halip na pagsamba sa Diyos. Binanggit sa talata 28 hanggang 32 ang ilan pang kasalanan na nakapipinsala sa ating mga ugnayan sa isa’t isa at sa Diyos, tulad ng inggit, karahasan, pagsisinungaling, at kapalaluan.

Maaaring may mga tanong ang mga estudyante tungkol sa homoseksuwalidad sa talata 26 at 27 . Para sa karagdagang impormasyon o upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang posisyon ng Simbahan tungkol sa homoseksuwalidad, tingnan sa 38.6.15 sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (SimbahanniJesucristo.org).