Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 16
Isaulo ang mga Reperensya at Mahahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan
Ang pagsasaulo ng mga scripture passage at ng itinuturo sa mga ito ay makatutulong sa iyo sa maraming paraan. Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan kang maisaulo ang ilan sa mga doctrinal mastery scripture reference sa Bagong Tipan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
-
Bakit mo isasaulo ang ilan sa mga sumusunod: mga titik ng awit, iskedyul, o impormasyon tungkol sa mga manlalaro ng sports o mga performer?
-
Ano ang iba pang halimbawa ng mga bagay na isinasaulo mo? Bakit mo isinasaulo ang mga ito?
-
Ano ang ilang dahilan sa pagsasaulo ng mga banal na kasulatan?
Basahin ang sumusunod na pahayag ni Elder Richard G. Scott (1928–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol. Maghanap ng kahit tatlong pagpapala na maibibigay sa atin ng mga isinaulong banal na kasulatan.
Iminumungkahi ko na isaulo ninyo ang mga banal na kasulatan na umaantig sa inyong puso at pumupuspos ng pag-unawa sa inyong kaluluwa. Kapag ginagamit ang mga banal na kasulatan ayon sa paraan kung paano ito ipinasulat ng Panginoon, ang mga ito ay may tunay na kapangyarihan na hindi ninyo maipararating kung ibang salita ang gagamitin ninyo. Kung minsan, kapag may matinding pangangailangan sa buhay ko, inaalala at binabalikan ko ang mga banal na kasulatan na nagbibigay sa akin ng lakas. May malaking kapanatagan, patnubay, at kapangyarihan na nagmumula sa mga banal na kasulatan, lalo na sa mga salita ng Panginoon.
(Richard G. Scott, “He Lives,” Ensign, Nob. 1999, 87–88)
-
Ano ang ilang pagpapalang naranasan mo sa pagsasaulo ng mga banal na kasulatan o mahahalagang parirala mula sa mga banal na kasulatan?
-
Paano nakatulong sa iyo ang pagsasaulo ng mga salita ng Panginoon na nakatala sa banal na kasulatan upang mas mapalapit ka sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?
Mga flash card
Ang isang paraan upang magsaulo ng mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ay gumamit ng mga flash card. Para makagawa ng mga flash card, itupi sa gitna ang isang blangkong papel at pagkatapos ay itupi ito ulit upang makagawa ng apat na bahagi. Buklatin ang papel, at gupitin ito sa mga linya para makagawa ng apat na card.
Isulat ang bawat isa sa mga sumusunod na reperensya sa isang bahagi ng bawat card. Sa kabilang bahagi, isulat ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan.
Reperensya |
Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan |
“Bilang katiwala ng kaganapan ng panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo.” | |
Ang Simbahan ay “itinayo sa saligang inilagay ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus ang batong panulok.” | |
“Ang kaarawan ng Panginoon … [ay] hindi darating, malibang maunang maganap ang pagtalikod.” | |
“Ang mga banal na kasulatan [ay] makakapagturo sa iyo tungo sa kaligtasan.” |
Maging malikhain na makatutulong sa iyo na magsaulo. Pumili ng isa sa mga sumusunod na ideya o mag-isip ng mga sarili mong ideya.
-
Bigyan ng quiz ang iyong sarili: Hawakan ang mga flash card upang ang reperensya o mahahalagang parirala ng banal na kasulatan lang ang makikita mo. Subukang sabihin ang kaukulang mahalagang parirala o reperensyang banal na kasulatan. Ulitin ito nang ilang beses sa bawat reperensya at kaukulang parirala.
-
Mag-text bilang rebyu: Mag-text ng isang reperensya sa mga kaibigan sa iyong klase sa seminary at tingnan kung sino ang magte-text ng tamang mahalagang parirala.
-
Pagtutugma-tugma: Makipagpartner sa isang kaklase o kapamilya. Sabihin sa isang tao na ilagay ang kanyang mga card nang nakaharap ang mga reperensya at sa isa pang tao na ilagay ang kanyang mga card nang nakaharap ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan. Itugma ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa kaukulang reperensya sa pamamagitan ng pagpapatong ng card na may mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa card ng reperensya.
-
Gamitin ang app: Gamitin ang Doctrinal Mastery app para matulungan kang magsaulo.
Pumili ng isa sa mga doctrinal mastery passage.
-
Bakit gusto mong isaulo ang scripture passage o mahalagang parirala ng banal na kasulatan na ito?
-
Paano ito makatutulong na mapalalim ang iyong pag-unawa tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo?