Seminary
Doctrinal Mastery: Mateo 22:36–39


Doctrinal Mastery: Mateo 22:36–39

Ang Dalawang Dakilang Utos

Jesus is shown with a group of people speaking to a scribe about the two great commandments. Outtakes: include close ups of people in the crowd. (Scene filmed at ext. the temple court of the Women)

Sa Mateo 22:36–39, itinuro ng Tagapagligtas ang dalawang dakilang utos. Ang lesson na ito ay tutulong sa iyo na magsanay na gamitin ang doktrinang itinuro sa scripture passage na ito at ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang maunawaan kung paano parehong susundin ang utos na mahalin ang Diyos at mahalin ang iyong kapwa.

Pagtulong sa mga estudyante na matutuhan kung paano maghanap ng mga sagot sa mga tanong. Layunin ng doctrinal mastery na turuan ang mga estudyante “kung paano hanapin ang katotohanan, kung paano pag-isipan ang bagong impormasyon, at kung paano sagutin ang sarili nilang mga tanong.” Sa halip na ibigay sa mga estudyante ang mga sagot sa bawat tanong, pag-isipan kung aling mga tanong ang maaaring makatulong sa mga estudyante na maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at umakay sa kanila sa “prosesong itinakda ng Diyos sa pagtuklas ng katotohanan” para sa kanilang sarili (tingnan sa Chad H Webb, “Doctrinal Mastery” [mensaheng ibinigay sa Seminaries and Institutes of Religion annual training broadcast, Hunyo 14, 2016], https://www.churchofjesuschrist.org/broadcasts/article/satellite-training-broadcast/2016/06/doctrinal-mastery?lang=tgl).

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang mga doctrinal mastery reference at mahahalagang parirala sa kanilang tahanan sa pamamagitan ng paghiling sa isang tao na tanungin sila o paggamit ng Doctrinal Mastery app. Maaari mo ring sabihin sa mga estudyante na isagawa ang kanilang plano na sundin ang dalawang dakilang utos.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang lesson na ito ay ginawa upang ituro pagkatapos ng lesson na may pamagat na Mateo 22:34–40, ang kontekstuwal na lesson para sa doctrinal mastery passage na ito. Kung kailangang ilipat ang doctrinal mastery lesson na ito sa ibang linggo upang maiakma sa mga schedule ng paaralan, tiyaking ituro din ang kaukulang kontekstuwal na lesson sa linggong iyon.

Isaulo at ipaliwanag

Maaari mong gamitin ang sumusunod na aktibidad o ibang maikling aktibidad upang matulungan ang mga estudyante na maisaulo ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala.

Magsanay na isaulo ang mahalagang pariralang “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos. … Ibigin mo ang iyong kapwa” para sa reperensyang Mateo 22:36–39 .

Magdrowing ng puso at isulat ang mga numerong 1 at 2 sa ibaba nito. Sa tabi ng numerong 1, isulat ang, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos”;sa tabi ng numerong 2, isulat ang,“Ibigin mo ang iyong kapwa.” Ituro ang puso, at sabihin ang reperensya. Pagkatapos, ituro ang bawat numero. Habang ginagawa mo ito, sabihin ang bahagi ng mahalagang parirala na nauugnay sa numero. Ulitin ang proseso nang ilang beses.

Layunin ng sumusunod na bahagi na anyayahan ang mga estudyante na magsanay na magpaliwanag ng mga katotohanan sa iba, kaya maaaring makatulong na pagpartnerin o hatiin sila sa mga grupo.

Basahin ang Mateo 22:36–39 , at alalahanin ang nakaraang pag-aaral mo ng mga talatang ito.

  • Sa paanong mga paraan natin mamahalin ang Diyos nang buong puso? Paano natin mamahalin ang ating kapwa gaya sa pagmamahal natin sa ating sarili?

  • Sa palagay mo, bakit ganito ang pagkakasunod ng dalawang utos na ito?

Pagsasanay sa pagsasabuhay

Maaari mong rebyuhin sandali kasama ng mga estudyante ang tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Pagkatapos ay pagpartnerin o hatiin sa maliliit na grupo ang klase at sabihin sa mga estudyante na magsalitan sa pagsasabi ng mga alituntunin nang walang kopya. Hilingin sa mga boluntaryo na ibuod ang mga ito sa sarili nilang mga salita.

Kung kinakailangan, rebyuhin ang mga talata 5–12 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022).Sa ilang sitwasyon, maaaring mahirapan tayong malaman kung paano susundin ang mga utos ng Diyos at magpakita ng pagmamahal sa mga taong hindi sumusunod sa mga utos ng Diyos.

Itinuro ni Elder Lynn G. Robbins ng Pitumpu:

Former Official Portrait of Elder Lynn G. Robbins. Photographed March 2017. Replaced October 2019 (with Telescope ID: 2298123)

Ang unahin ang ikalulugod ng iba bago ang ikalulugod ng Diyos ay pagbaligtad sa una at pangalawang dakilang utos (tingnan sa Mateo 22:37–39). Nalilimutan natin kung saan tayo dapat nakatuon. At nagagawa nating lahat ang pagkakamaling iyan dahil sa takot sa mga tao. …

Ang katatagan ng pagkatao ay nagmumula sa pag-alaala sa tamang pagkakasunod ng una at pangalawang dakilang utos. …. …

Ang Tagapagligtas, na ating dakilang Huwaran, ay palaging sinusunod ang Kanyang Ama. Siya ay nagmahal at naglingkod sa Kanyang kapwa ngunit sinabing, “Hindi ako tumatanggap ng kaluwalhatiang mula sa mga tao” ( Juan 5:41).

(Lynn G. Robbins, “Saan Kayo Nakatuon?,” Ensign o Liahona, Nob. 2014, 9, 11)

Pag-isipang mabuti ang mga tanong na ito bago mo gawin ang sumusunod na aktibidad.

  • Natakot ka na bang iwasto o payuhan ang isang kaibigan dahil ayaw mong magdamdam siya?

  • Nadama mo na ba na kailangan mong pumili sa pagitan ng inaasahan sa iyo ng iba at ng inaasahan sa iyo ng Panginoon?

Maaari kang magbigay ng papel o mga notecard na pagsusulatan ng mga estudyante upang maipagpalit nila ang mga ito sa iba pang estudyante.

Sumulat ng isang sitwasyon kung saan maaaring mahirapan ang isang tao na mahalin ang Diyos at sundin ang Kanyang mga utos at magpakita rin ng pagmamahal sa kapwa. (Paalala: Huwag gumawa ng isang sitwasyon na makikilala ng iba na tumutukoy sa isang partikular na indibiduwal o kaklase.)

Kung kinakailangan, may mga halimbawa ng mga posibleng sitwasyon sa bahaging “Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral.”

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na makipagpalitan at makipagtalakayan ng mga sitwasyon sa iba pa nilang mga kaklase. Makatutulong ito para makaugnayan ng mga estudyante ang isa’t isa at magkaroon sila ng mas malawak na pananaw. Maaari mong kolektahin at random na ipasa-pasa ang mga sitwasyon (ang pananatiling anonymous ay maaaring makatulong sa mga estudyante na maging mas komportable sa pagiging matapat).

Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

Isipin ang tao sa iyong sitwasyon habang sinasagot mo ang mga sumusunod na tanong.

  • Anong mga palagay ang maaaring makaimpluwensya sa isang tao na piliing bigyang-kasiyahan ang iba sa halip na bigyang-kasiyahan ang Diyos?

  • Paano makatutulong ang pag-unawa sa plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit o iba pang turo ng ebanghelyo para malutas ang mga maling palagay na ito?

  • Anong mga katotohanan tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo ang maaaring makatulong sa taong iyon na makita ang iba mula sa Kanilang pananaw?

Hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos

  • Paano makatutulong ang mga katotohanan sa Mateo 22:36–39 para magabayan ang taong ito?

Basahin ang mga sumusunod na pahayag mula sa mga propeta sa mga huling araw upang makita kung anong mga kabatiran ang maaaring makatulong sa tao sa iyong sitwasyon.Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson:

Former Official Portrait of Elder Lynn G. Robbins. Photographed March 2017. Replaced October 2019 (with Telescope ID: 2298123)

Kung minsan, kami bilang mga lider ng Simbahan ay pinupulaan dahil mahigpit naming sinusunod ang mga batas ng Diyos, ipinagtatanggol ang doktrina ng Tagapagligtas, at pinaglalabanan ang pamimilit ng lipunan sa ating panahon. …

. …Ngunit hindi ba’t mas kawalang-malasakit ang hindi namin sabihin ang katotohanan—ang hindi ituro ang inihayag ng Diyos?

(Russell M. Nelson, “The Love and Laws of God” [Brigham Young University devotional, Set. 17 2019], 3, speeches.byu.edu)

Itinuro ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan:

Former Official Portrait of Elder Lynn G. Robbins. Photographed March 2017. Replaced October 2019 (with Telescope ID: 2298123)

Dapat nating pagsikapang sundin ang dalawang dakilang utos. Para magawa ito, kailangan nating mabalanse ang batas at pagmamahal—sumusunod sa mga kautusan at tumatahak sa landas ng tipan, habang minamahal ang ating kapwa. Kailangan sa pagtahak na ito sa tipan ang paghingi natin ng banal na inspirasyon para malaman kung ano ang susuportahan at ano ang sasalungatin at paano magmamahal at makikinig nang may paggalang at makapagturo habang ginagawa ito.

(Dallin H. Oaks, “Dalawang Dakilang Utos,” Ensign o Liahona, Nob. 2019, 75)

  • Paano makatutulong sa tao sa iyong sitwasyon na malaman ang mga katotohanang itinuro sa mga pahayag na ito?

Kumilos nang may pananampalataya

  • Ano ang magagawa ng tao sa iyong sitwasyon upang makatanggap ng tulong mula sa Ama sa Langit at malaman kung ano ang dapat niyang gawin?

  • Paano siya makakakilos sa paraang masusunod niya ang dalawang dakilang utos?

Kung nagpalitan ang mga estudyante ng mga sitwasyon, kolektahin ang mga sitwasyon at ibalik ang mga ito sa mga estudyanteng sumulat ng mga ito, o ilatag ang mga ito sa mesa at sabihin sa mga estudyante na kunin ang mga ito.

Pagrerebyu ng doctrinal mastery

Sa isang klase kalaunan, balikan ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala sa banal na kasulatan sa pamamagitan ng pag-anyaya sa mga estudyante na gumawa ng isang aktibidad na gaya ng sumusunod:

Isulat ang sumusunod na reperensya at parirala sa iyong study journal at pagkatapos ay punan ang mga patlang. 

Mateo 22:36–39 : “Ibigin _____ ang _______ mong ____. … Ibigin mo ang iyong ________.”

Kung kinakailangan, bigkasin ang reperensyang banal na kasulatan at ang mahalagang parirala sa banal na kasulatan. 

Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Mga posibleng sitwasyon

Maaari mong gamitin ang isa sa mga sumusunod na sitwasyon:

  • Nagdiborsiyo ang mga magulang ni Stanton, at kadalasang ginugugol niya ang Sabado’t Linggo kasama ang kanyang tatay. Ayaw ng tatay niya na magsimba si Stanton at sadyang nag-iiskedyul ang kanyang tatay ng mga bagay-bagay kasabay ng mga serbisyo sa simbahan. Gusto ni Stanton na makasama ang kanyang tatay, ngunit gusto rin niyang sundin ang Panginoon sa pamamagitan ng pagsisimba.

  • Palaging nakadarama si Sarah ng mga pahiwatig mula sa Espiritu Santo na anyayahan ang kaibigan niyang si Gabe na basahin ang Aklat ni Mormon, ngunit patuloy niyang binabalewala ang mga pahiwatig dahil alam niyang aktibo si Gabe at ang pamilya nito sa ibang relihiyon at ayaw niya itong magdamdam.