Seminary
Mateo 21:12–16


Mateo 21:12–16

Nilinis ni Jesus ang Templo

Larawan
Jesus turning over a table of a money changer in the temple. Outtakes include images of Christ alone and with the crowd of merchants and buyers fleeing, people buying goods, and people looking.

Habang nasa Jerusalem Siya sa huling linggo ng Kanyang buhay, nilinis ni Jesus ang templo sa ikalawang pagkakataon at pinagaling Niya ang mga lumapit sa Kanya. Ang lesson na ito ay tutulong sa iyong makadama ng mas matinding hangarin na ituring ang templo bilang sagradong lugar kung saan madarama mo ang pagmamahal ng Tagapagligtas at mapapalakas ang iyong pananampalataya sa Kanya.

Pagtulong sa mga estudyante na magampanan ang kanilang responsibilidad. Habang inihahanda mo ang bawat lesson, manatiling nakatuon sa responsibilidad ng iyong mga estudyante sa sarili nilang pag-aaral. Sa halip na itanong lamang ang, “Ano ang gagawin ko sa klase ngayon?” o, “Ano ang ituturo ko sa aking mga estudyante?” maaari mo ring itanong sa iyong sarili ang “Ano ang magagawa ng mga estudyante upang mas mapalapit sa Tagapagligtas?” at “Ano ang gagawin ng mga estudyante sa lesson ngayon upang maanyayahan ang Espiritu Santo na magturo sa kanila?”

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang pinakahuling pagbisita nila sa templo. Kung hindi pa sila nakapunta sa templo, sabihin sa kanila na pag-isipan kung ano sa palagay nila ang pakiramdam kapag pumunta sila sa templo.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Nilinis ni Jesus ang templo

Sa debosyonal, maaari kang umawit ng isang kanta tungkol sa templo, tulad ng “Templo’y Ibig Makita” (Aklat ng mga Awit Pambata, 99). Maaari kang magpakita ng larawan ng templo sa iyong lugar at ipabahagi sa mga estudyante ang kanilang nadarama tungkol sa templo. Ang mga larawan ng templo ay matatagpuan satemples.churchofjesuschrist.org.

Nagpunta si Jesus sa Jerusalem upang ipagdiwang ang Paskua at bumisita sa templo. Kailangan ng mga sumasamba na nagpupunta sa Jerusalem na ipagpalit ang kanilang pera para sa salaping magagamit sa templo upang makabili ng mga hayop para sa mga sakripisyong gagawin ng mga saserdote para sa kanila. Bagama’t kinakailangan at may magandang layunin ang negosyong ito, kawalan ng respeto at pagpipitagan ang paggawa nito sa templo. Tumugon si Jesus sa napansin Niya sa templo sa dalawang magkaibang okasyon: ang isa ay noong malapit nang magsimula ang Kanyang ministeryo (tingnan sa Juan 2:13–16) at ang isa naman ay sa huling linggo ng Kanyang buhay (tingnan sa Mateo 21:12–13).

Basahin ang isa o ang lahat ng sumusunod na scripture passage, at alamin kung paano tumugon ang Tagapagligtas sa nakita Niya sa templo. .

Larawan
Cordoba Argentina Temple celestial room
  • Ano ang natutuhan mo sa pagbabasa ng dalawang salaysay na ito tungkol sa nadarama ng Tagapagligtas tungkol sa templo?

  • Sa iyong palagay, bakit ganoon ang naging pagtugon ng Tagapagligtas tungkol sa nangyayari sa templo?

  • Anong mga katotohanan ang natutuhan mo mula sa mga salita at ginawa ng Tagapagligtas sa templo?

Sabihin sa mga estudyante na magsulat sa pisara ng isang katotohanang natukoy nila. Maaaring natukoy nila ang katotohanang tulad ng sumusunod: Ang templo ay bahay ng Diyos at isang sagradong lugar.

Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson ang tungkol sa pagiging sagrado ng bahay ng Panginoon:

Larawan
Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

Ang templo ay bahay ng Panginoon. Ang batayan sa lahat ng ordenansa at tipan sa templo―ang sentro ng plano ng kaligtasan―ay ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Bawat aktibidad, bawat turo, lahat ng ginagawa natin sa Simbahan, ay nakaturo sa Panginoon at sa Kanyang banal na bahay. …

… Iniutos ng ating Manunubos na pangalagaan ang Kanyang mga templo mula sa kalapastanganan. Walang hindi maringal na bagay ang makapapasok sa Kanyang pinabanal na bahay. Subalit ang sinumang naghahandang mabuti ay malugod na tinatanggap.

(Russell M. Nelson, “Personal Preparation for Temple Blessings,” Ensign, Mayo 2001, 32–33)

  • Paano nakatutulong sa atin ang pahayag ni Pangulong Nelson para mas maunawaan ang saloobin ng Tagapagligtas sa templo?

  • Sa palagay mo, bakit iniuutos ng Panginoon na pumasok tayo nang karapat-dapat sa Kanyang templo?

Magbahagi ng isang personal na karanasan tungkol sa pagiging sagrado ng templo. Anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi ang sarili nilang mga karanasan. Ipaalala sa mga estudyante na huwag magbahagi ng mga karanasang masyadong sagrado o personal.

Isaalang-alang ang sumusunod na pahayag ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol, at pag-isipan kung ano ang ipagagawa sa iyo ng Panginoon. Maaari mong panoorin ang video na “Napakadakila at Mahahalagang Pangako,” na mapapanood sa SimbahanniJesucrsito.org, mula sa time code na 10:08 hanggang 11:17, o basahin ang sumusunod na pahayag.

Larawan
Elder David A. Bednar, Quorum of the Twelve Apostles official portrait. 2020.

Ang mga templo ang pinakabanal sa lahat ng lugar na pinagsasambahan. Ang templo ay literal na bahay ng Panginoon, isang sagradong lugar na sadyang itinalaga para sa pagsamba sa Diyos at sa pagtanggap at pag-alaala sa Kanyang napakadakila at mahahalagang pangako.

… Ang pinakapangunahing pokus ng pagsamba sa templo ay pakikibahagi sa mga ordenansa at pag-alam, pagtanggap, at pag-alaala, sa mga tipan. Naiiba tayong mag-isip, kumilos, at manamit sa templo kaysa sa iba pang lugar na madalas nating puntahan.

Ang pangunahing layunin ng templo ay ituon ang ating pansin sa mga pagpapala ng walang hanggan at hindi sa mga bagay sa mundo.

(David A. Bednar, “Napakadakila at Mahahalagang Pangako,” Ensign o Liahona, Nob. 2017, 92)

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang kanilang mga sagot sa sumusunod na tanong at itala rin sa kanilang journal ang ilan sa mga nalaman at nadama nila.

  • Ano sa palagay mo ang nais ng Panginoon na malaman, madama, o gawin mo dahil sa natutuhan mo sa lesson na ito tungkol sa pagiging sagrado ng templo?

Pinagaling ni Jesus ang mga bulag at pilay

Basahin ang Mateo 21:14 , at alamin ang ginawa ng Tagapagligtas sa templo pagkatapos Niyang linisin ito sa ikalawang pagkakataon.

Pansinin kung paano pisikal na pinagaling ng Tagapagligtas ang ilan sa Kanyang matatapat na tagasunod malapit sa templo.

  • Anong iba pang uri ng paggaling ang mararanasan natin sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Kanya at sa paggawa natin ng gawain sa templo?

Ipinaliwanag ni Elder Dale G. Renlund ng Korum ng Labindalawang Apostol ang pagpapagaling na matatanggap natin habang nakikibahagi tayo sa gawain sa templo at family history. Panoorin ang sumusunod na video, na matatagpuan sa SimbahanniJesucristo.org, mula sa time code na 3:49 hanggang 4:09, o basahin ang sumusunod na sipi.

Larawan
Official portrait of Elder Dale G. Renlund of the Quorum of the Twelve Apostles, January 2016.

Sa ating pakikilahok sa gawain sa family history at sa gawain sa templo ngayon, nagiging karapat-dapat din tayo sa mga pagpapalang “nagpapagaling” na ipinangako ng mga propeta at mga apostol. Kahanga-hanga rin ang mga pagpapalang ito dahil sa saklaw, katangian, at ibinunga ng mga ito sa mortalidad.

(Dale G. Renlund, “Family History at Gawain sa Temple: Pagbubuklod at Pagpapagaling,” Ensign o Liahona, Mayo 2018, 47)

Maaari kang magbahagi ng personal na karanasan na may kaugnayan sa natamong pagpapagaling sa templo.

  • Sa iyong palagay, paano makatutulong sa atin ang pagsamba sa templo para gumaling mula sa ating mga espirituwal at emosyonal na sugat?

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Mateo 21:13. Bakit sinabi ni Jesus na ginawa ng mga tao na “yungib ng mga magnanakaw” ang templo?

Ipinapahiwatig ng pariralang “yungib ng mga magnanakaw” na ang mga mamamalit ng salapi at negosyante ay mas interesadong kumita kaysa sumamba sa Diyos at tulungan ang iba na sumamba.

Galit ba si Jesus nang linisin Niya ang templo?

Itinuro ni Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008) ang tungkol sa paglilinis ng Tagapagligtas sa templo.

Larawan
Frontal half-length portrait of President Gordon B. Hinckley. President Hinckley’s hands are resting on the back of a chair. The image is the official Church portrait of President Hinckley as of 1995. This was President Hinckley’s last official portrait. President Hinckley died 27 January 2008.

Ang galit ay maaaring mabigyang-katwiran sa ilang sitwasyon. Sinasabi sa atin ng mga banal na kasulatan na itinaboy ni Jesus ang mga mamamalit ng salapi mula sa templo, at sinabing, “Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan; datapuwa’t ginagawa [ninyong] yungib ng mga [magnanakaw]” ( Mateo 21:13). Ngunit maging ito ay sinambit bilang isang pangaral kaysa pagbulalas ng di-mapigil na galit.

(Gordon B. Hinckley, “Huwag Madaling Magalit,” Ensign o Liahona, Nob. 2007, 66)

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Virtual na paglilibot sa templo

Ipanood angvideo na itopara sa isang virtual na paglilibot sa Rome Italy Temple upang matuto pa tungkol sa mga templo at kung ano ang ginagawa natin sa mga ito. Maaaring maging alternatibo ang aktibidad na ito upang simulan ang lesson.

Paggaling sa pamamagitan ng gawain sa templo at family history

Maaari kang magbahagi ng mga sipi mula sa artikulong “Mga Himala ng Pagpapagaling sa pamamagitan ng mga Ordenansa sa Templo” (Liahona, Set. 2020, 43–47), ni Sister Reyna I. Aburto ng Relief Society General Presidency.

Paglilinis ng sarili nating mga templo

Inihambing ni Apostol Pablo ang ating mga pisikal na katawan sa “templo ng Espiritu Santo” (tingnan sa 1 Corinto 6:19). Maaaring isipin ng mga estudyante kung paano nila malilinis ang sarili nilang mga templo, na tumutukoy sa kanilang mga katawan, nang may pagpipitagan at nang agaran tulad sa ginawa ni Jesus nang linisin Niya ang templo sa Jerusalem. Maaaring rebyuhin ng mga estudyante ang buklet na Para sa Lakas ng mga Kabataan at isipin kung ano ang maaaring kailanganin nilang iwaksi sa kanilang mga buhay upang maging mas banal at matamasa ang palagiang patnubay ng Espiritu Santo. Maaari ding hikayatin ang mga estudyante na magtakda ng espirituwal na mithiin bilang bahagi ng programang Mga Bata at Kabataan na tutulong sa kanila na “luwalhatiin [ng] [kanilang] katawan ang Diyos” ( 1 Corinto 6:20).

Temples.ChurchofJesusChrist.org

Sabihin sa mga estudyante na bisitahin ang website na ito upang makahanap ng mga sagot sa kanilang mga tanong tungkol sa templo. Maaaring gamitin ang aktibidad na ito sa pagtatapos ng lesson. Maaari ding hikayatin ang mga estudyante na bisitahin ang website nang mag-isa. Tiyaking isulat sa pisara ang link.

Print