Seminary
Mateo 21:1–11; Juan 12:27–36


Mateo 21:1–11; Juan 12:27–36

Ang Matagumpay na Pagpasok ng Tagapagligtas

Jesus Christ’s triumphal entry into Jerusalem. altered version

Ang Tagapagligtas ay matagumpay na nakapasok sa Jerusalem, kung saan pinuri at sinamba Siya ng mga tao sa pamamagitan ng mga pagsigaw ng “Hosana” (tingnan sa Mateo 21:9). Pagkatapos ay itinuro ni Jesus sa mga tao ang tungkol sa Kanyang misyon na iligtas sila. Ang lesson na ito ay may kasamang buod ng huling linggo ni Jesucristo sa mortalidad na ito, na makatutulong sa iyo na makadama ng higit na paggalang at pagpipitagan kay Jesucristo at sa Kanyang misyon na iligtas tayo.

Paggamit ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya. Maaaring nagkaroon na ng pagkakataon ang mga estudyante na pag-aralan at talakayin ang mga naka-assign na scripture passage sa lesson at nauugnay na resources sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin sa tahanan bago talakayin ang mga scripture passage sa seminary. Iakma ang lesson ayon sa mga nakaraang karanasan ng mga estudyante sa content nito. Maghanap ng mga pagkakataon upang magamit ang mga naging karanasan ng mga estudyante sa tahanan na makatutulong sa klase sa seminary.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghandang magkuwento tungkol sa isang pagkakataon kung saan kinailangan nila ang tulong ng iba upang malampasan ang isang mahirap na sitwasyon. Upang makakita ng isang halimbawa ng ganitong uri ng sitwasyon, maaari nilang panoorin ang “Kapag ang Katarungan, Pag-ibig, at Awa ay Nagtugma” mula sa time code na 0:00 hanggang 5:01. Ipinapakita sa video na ito ang mensahe sa pangkalahatang kumperensya noong Abril 2015 na ibinigay ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol at makukuha ito sa ChurchofJesusChrist.org.

2:3

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang pangangailangang mailigtas

Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang kanilang paghahanda para sa klase. Maaari silang magbahagi ng isang personal na kuwento tungkol sa isang pagkakataon kung saan kinailangan nila ang tulong ng iba, o maaari silang magkuwento tungkol sa isang taong kilala nila.

Mag-isip ng isang pagkakataon kung saan nasa isang mahirap na sitwasyon ka at nangailangan ka ng ibang tao upang matulungan o mailigtas ka.

  • Bakit ka nangailangan ng tulong o pagliligtas?

  • Ano ang maaaring nangyari kung hindi ka nakatanggap ng tulong?

  • Paano naimpluwensyahan ng karanasang ito ang nadarama mo sa taong tumulong o nagligtas sa iyo?

Kailangan nating lahat ang kapangyarihan ni Jesucristo na magligtas. Lahat tayo ay nakagagawa ng mga pagkakamaling hindi natin kayang itama, dumaranas ng mga kawalan na hindi natin kayang ibalik, at humaharap sa mga pasakit, pang-uusig, trahedya, pasanin, at kabiguan na hindi natin makakayanan nang mag-isa.Pagnilayan ang pangangailangan mo kay Jesucristo. Sa iyong study journal, isulat kung saan mo kailangan ang kapangyarihan ni Jesucristo na magligtas upang matulungan ka.

Sa lesson na ito, hangarin ang inspirasyon ng Espiritu Santo upang matutuhan pa kung bakit maililigtas tayo ng Tagapagligtas na si Jesucristo mula sa lahat ng pagkakamali, kawalan, pasakit, at sitwasyong hindi natin maaayos.

Matagumpay na pagpasok ni Jesucristo

Maaari kang magpakita ng isang larawan ng matagumpay na pagpasok ng Tagapagligtas.

Bago pumasok sa Jerusalem sa huling pagkakataon, hiniling ni Jesus sa Kanyang mga disipulo na dalhan Siya ng anak ng asno, na kilala rin bilang batang asno. Tinakpan ng mga disipulo ang asno at batang asno gamit ang kanilang mga balabal, at pinasakay nila ang Tagapagligtas sa batang asno (tingnan sa Mateo 21:1–7; Juan 12:14–15).

Basahin ang Mateo 21:8–11 at Juan 12:12–13, at alamin kung paano tumugon ang mga tao kay Jesucristo nang pumasok Siya sa Jerusalem. Habang nagbabasa ka, ipagpalagay mong naroon ka.

Maraming tao ang sumigaw ng “Hosana,” na salitang Hebreo na “nangangahulugang ‘mangyari pong iligtas kami’ at ginagamit sa pagpupuri at pagsusumamo” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Hosana,” scriptures.ChurchofJesusChrist.org).

Ipinaliwanag ni Elder Bruce R. McConkie (1915–85) ng Korum ng Labindalawang Apostol ang kahulugan ng reaksyon ng mga tao sa pagpasok ng Tagapagligtas sa Jerusalem:

Head and shoulders portrait of Elder Bruce R. McConkie.

Tanging mga hari at mananakop lamang ang nakatanggap ng napakapambihirang tanda ng paggalang na tulad nito. … Sa gitna ng mga sigaw ng pagpupuri at pagsamo para sa kaligtasan at paglaya, nakita natin ang mga disipulo na nilalatagan ng mga palapa ng palma ang daraanan ng ating Panginoon bilang tanda ng pagwawagi at tagumpay. Ang buong tagpong ito ay badya ng mangyayaring pagtitipon kung saan “napakaraming tao,” na hindi mabilang ng sinuman, … ay tatayo “sa harapan ng trono at sa harapan ng Kordero, na nakasuot ng mapuputing damit, at may mga sanga ng palma sa kanilang mga kamay,” na sumisigaw sa malakas na tinig, “Ang pagliligtas ay sa aming Diyos na nakaupo sa trono, at sa Kordero.” ( Apoc. 7:9–10 .)

(Doctrinal New Testament Commentary [1965], 1:578)

  • Ano kaya ang nasabi, nagawa, at nadama mo kung naroon ka sa matagumpay na pagpasok ng Tagapagligtas sa Jerusalem? Bakit?

  • Kailan mo nadama na gusto mong sumigaw ng “Hosana” (magbigay ng tapat na papuri at pasasalamat) para kay Jesucristo?

  • Bakit ka kaya sisigaw ng “Hosana” para sa Tagapagligtas ngayon? Sa hinaharap?

Kung naaangkop, talakayin sa mga estudyante kung kailan sila maaaring nakibahagi sa isang Sigaw na Hosana. Halimbawa, maaaring nakibahagi sila noong ilaan ang isang templo.

Nang pumasok si Jesus sa Jerusalem nang nakasakay sa isang batang asno, kinilala ito ng maraming tao bilang pahayag sa publiko na hindi lang Siya ang ipinangakong Mesiyas kundi pati na rin ang ipinangakong Hari ng Israel. Nakita ito ng marami bilang katuparan ng mga propesiya sa banal na kasulatan tulad ng nakatala sa Zacarias 9:9 .

Maraming nag-akala na ang Mesiyas ay magiging isang dakilang pinuno ng militar na magliligtas sa kanila mula sa pang-aapi ng mga Romano. Hindi nila naunawaan ang misyon na pagliligtas ng Tagapagligtas.

  • Para saan isinugo ng Ama sa Langit si Jesucristo upang mailigtas tayo?

Ang layunin at misyon ng Tagapagligtas

Matapos ang matagumpay na pagpasok ng Tagapagligtas, “ilang Griyego” na pumunta sa Jerusalem upang ipagdiwang ang Paskua ang humiling na makausap Siya (tingnan sa Juan 12:20–21). Nang nalaman ni Jesus ang kanilang kahilingan, nagturo Siya tungkol sa Kanyang nalalapit na pagdurusa, kamatayan, at Pagkabuhay na Mag-uli. Ipinaliwanag Niya na ang mga huling pangyayaring ito sa Jerusalem, kabilang ang Kanyang nalalapit na Pagpapako sa Krus, ang buong layunin ng Kanyang pagparito sa mundo (tingnan sa Juan 12:23–33).

Basahin ang Juan 12:27–28, 32–33, at alamin ang sinabi ni Jesus na Kanyang layunin at misyon. (Tandaan na ang tinig na nagsasalita mula sa langit ay tinig ng Ama sa Langit na nagpapahayag ng tiwala na tatapusin ni Jesucristo ang Kanyang Pagbabayad-sala.)

  • Ano ang itinuro ni Jesus tungkol sa Kanyang layunin at misyon?

  • Paano madaragdagan ng tiwala ng Ama sa Langit kay Jesucristo ang iyong tiwala sa kakayahan at kahandaan ng Tagapagligtas na iligtas ka?

Ang isang paraan upang maibuod ang itinuro ng Tagapagligtas sa Juan 12:27–28, 32–33 ay isinakatuparan ni Jesucristo ang Kanyang Pagbabayad-sala upang mailapit Niya tayong lahat sa Kanya.

Pinatotohanan ng Tagapagligtas ang katotohanan ding ito sa 3 Nephi 27:13–15 . Basahin ang scripture passage na ito, at alamin kung ano ang idinaragdag ng mga talatang ito sa pagkaunawa mo sa katotohanang ito. Maaari mong i-cross reference o i-link angscripture passage na ito sa Juan 12:32 .

Buod ng mga pangyayari sa huling linggo ng Tagapagligtas

Ang ilang pangyayari sa huling linggo ng buhay ng Tagapagligtas sa lupa ay mahalaga sa Kanyang misyon at layuning iligtas tayo sa pamamagitan ng paglapit sa atin sa Kanya.

Ang sumusunod na infographic ay makatutulong sa iyo na mas maunawaan ang mga pangyayaring ito.

New Testament Seminary Teacher Manaul - 2023

Color Handouts Icon

Bigyan ang mga estudyante ng kopya ng infographic, o ipakita ito ngayon.

Depende sa mga pangangailangan ng mga estudyante, maaaring makatulong na gamitin ang ilan sa mga ideyang matatagpuan sa bahaging “Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral” ng lesson na ito bilang karagdagan o kapalit ng infographic.

Tingnan ang infographic. Basahin ang ilan sa mga scripture passage upang maging mas pamilyar sa mga pangyayaring inilarawan. Isipin kung paano nakatulong ang mga pangyayaring ito sa misyon na pagliligtas ni Jesucristo, at pagnilayan kung paano ka Niya matutulungan at maililigtas dahil sa itinuro at ginawa Niya sa linggong ito.

Sa iyong study journal, isulat ang mga tanong na mayroon ka tungkol sa mga pangyayaring ito at isulat kung aling mga pangyayari ang gusto mong malaman pa at bakit.

  • Ano ang mga tanong na mayroon ka tungkol sa alinman sa mga pangyayaring ito?

  • Alin ang gusto mo pang matutuhan? Bakit?

  • Sa iyong palagay, paano makatutulong sa iyo ang pag-aaral pa tungkol sa mga pangyayaring ito upang mas maunawaan mo ang kakayahan at pagnanais ni Jesucristo na mailigtas tayo?

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga sagot sa mga naunang tanong. Isulat ang mga komentong ibabahagi nila, at maghanap ng mga paraan upang magamit ang mga komentong ito upang magabayan ang klase sa mga lesson sa hinaharap.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Ano ang ibig sabihin ng matagumpay na pagpasok para sa mga Judio, at ano ang ibig sabihin nito para sa atin?

Ang matagumpay na pagpasok ng Tagapagligtas sa Jerusalem, sa panahon ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Paskua, ay tuwirang nagsakatuparan sa propesiyang nakatala sa Zacarias 9:9–10 at ipinahayag nito sa publiko na si Jesus ang ipinangakong Mesiyas at ang Hari ng Israel. Noong sinaunang panahon, ang asno ay simbolo ng pagiging maharlika ng Judio. Noong panahon ng monarkiya sa sinaunang Israel, kasunod ng pagluluklok sa trono kay Haring Saul, nagdaraos ang mga Judio ng taunang ritwal na pagluluklok sa trono na nagtatampok sa isang haring nakasakay sa isang asno papasok sa Jerusalem. Pumapasok ang nakasakay sa Jerusalem mula sa silangan ng lungsod at pumupunta siya sa templo. Ipinakita sa mga ritwal na ito ang panahon ng pagdating ng Mesiyas sa Kanyang mga tao sa ganito ring paraan. Kaya, noong panahong dinagsa ang Jerusalem ng maraming Judio na nagdiriwang ng Paskua, pumasok si Jesus sa Jerusalem sa paraang nagpapakita na Siya ang Mesiyas, ang Hari ng Israel. Ipinakita rin ng pagsakay sa isang asno na dumating si Jesus bilang isang payapa at “mapagpakumbaba” na Tagapagligtas, hindi bilang isang manlulupig na nakasakay sa kabayong pandigma (tingnan sa Zacarias 9:9–10).

Sa Ikalawang Pagparito, babalik si Jesus sa daigdig sa dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian. Bilang simbolo ng Kanyang kaluwalhatian, darating Siya nang nakasakay sa isang “puting kabayo” sa halip na sa asno na sinakyan Niya papasok sa Jerusalem (tingnan sa Apocalipsis 19:11–16). Siya rin ay maghahari bilang “Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon” ( Apocalipsis 17:14 ; tingnan din sa Apocalipsis 19:16).

Ano ang matututuhan natin mula sa paggamit ng mga sanga ng palma sa matagumpay na pagpasok?

Itinuro ni Elder Gerrit W. Gong ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Official Portrait of Gerrit W. Gong. Photographed in 2018.

Ayon sa tradisyon, ang mga palaspas ay isang sagradong simbolo para maipakita ang kagalakan sa ating Panginoon, tulad sa Matagumpay na Pagpasok ni Cristo sa Jerusalem, kung saan ang “malaking karamihan … ay nagsikuha ng mga palapa ng mga puno ng palma, at nagsilabas na sumalubong sa kaniya.” [ Juan 12:12–13 ; tingnan din sa Mateo 21:8–9 ; Marcos 11:8–10 ]. … Sa aklat ng Apocalipsis, ang mga pumupuri sa Diyos at Cordero ay “nakasuot ng mapuputing damit, at may mga sanga ng palma sa kanilang mga kamay” [ Apocalipsis 7:9 ]. Kasama ng mga “balabal ng kabutihan” at “mga putong ng kaluwalhatian,” kabilang ang mga palaspas sa panalangin sa paglalaan ng Kirtland Temple [tingnan sa Doktrina at mga Tipan 109:76 ]. …

(Gerrit W. Gong, “Hosana at Aleluia—Ang Buhay na Jesucristo: Ang Sentro ng Pagpapanumbalik at Pasko ng Pagkabuhay,” Ensign o Liahona, Mayo 2020, 53)

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

4:35
4:48

Virtual na paglilibot sa Jerusalem

Gumawa ang Brigham Young University ng app na nagtutulot sa mga tao na magsagawa ng mga virtual na paglilibot sa lunsod ng Jerusalem at makita ang mga lugar dito ayon sa hitsura ng mga ito sa panahon ng Tagapagligtas. Maaari mong hayaan ang mga estudyante na i-download ang app at gamitin ito kapalit ng infographic sa lesson na ito. Ang app na ito ay maaari ding gamitin sa iba pang lesson upang matulungan ang mga estudyante na mailarawan sa isipan nila ang mga pangyayari sa sinaunang Jerusalem at mas maunawaan ang mga ito. Ang mga tagubilin para sa pag-download ng app ay matatagpuan sa https://virtualscriptures.org/virtual-new-testament/.

Aktibidad sa mga larawan

Ipakita ang mga sumusunod na larawan nang hindi magkakasunud-sunod, at sabihin sa mga estudyante na gamitin ang mga banal na kasulatan at ang infographic upang matulungan silang ayusin ang mga larawan sa tamang pagkakasunud-sunod ng mga ito. Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na sagutin ang huling tatlong tanong sa lesson.

Jesus is riding a colt into Jerusalem through a great multitude of people holding tree branches. Outtakes include Jesus barely seen in a throng of people, images of the crowd, some small children, and Jesus walking through the crowd.
Jesus turning over a table of a money changer in the temple. Outtakes include images of Christ alone and with the crowd of merchants and buyers fleeing, people buying goods, and people looking.
Jesus giving the sop to Judas Iscariot. Outtakes include just Jesus, all the disciples seated, Jesus passing the cup of wine, Jesus holding the bread, a servant woman bring a jar, Judas Iscariot eating the sop, Jesus taking a piece of bread wrapped in cloth, and Jesus raising a glass of wine.
Christ kneeling in Gethsemane. Outtakes include the back of the savior shown kneeling in the tall grass, close-up of his face looking afraid, in a distance with blood on his face and hands near a river, an angel comforting him, profile portrait, and a glowing angel coming toward Christ who is huddled on the ground.
Jesus is on the cross between two malefactors, there is a crowd below that are watching. Outtakes include a sponge on a stick lifted up to Jesus by a Roman soldier, different views of the three me on the crosses, soldiers gambling and parting his clothes, Jesus walking wearing crown of thorns and covered in blood, and Caiaphas.
Mary Magdalene encountering the resurrected Christ.