Seminary
Mateo 22:34–40


Mateo 22:34–40

Ang Dalawang Dakilang Utos

Jesus is shown with a group of people speaking to a scribe about the two great commandments. Outtakes: include close ups of people in the crowd. (Scene filmed at ext. the temple court of the Women)

Sa paghahangad na subukin ang Tagapagligtas, tinanong ng isa sa mga Fariseo kung aling utos sa kautusan ang pinakadakila. Bilang tugon, itinuro ng Tagapagligtas na ang unang utos ay ibigin ang Panginoong Diyos nang buong puso, kaluluwa, at pag-iisip, at ang pangalawa ay ibigin ang ating kapwa na gaya ng ating sarili. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyong maunawaan kung paano ipamuhay ang dalawang dakilang utos na ito.

Pagtulong sa mga estudyante na madama ang katotohanan at kahalagahan ng doktrina at mga alituntunin. Mas malamang na maipapamuhay ng mga estudyante ang mga katotohanan sa mga banal na kasulatan kapag nadama nila ang kahalagahan ng mga ito at nadama nilang kailangan nilang isama ang mga ito sa kanilang buhay. Isang paraan upang matulungan ang mga estudyante na magawa ito ay hikayatin silang pagnilayan kung paano nauugnay ang mga katotohanan sa kanilang buhay, at magbahagi ng mga personal na karanasang nauugnay sa mga katotohanang ito.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok na handang magbahagi ng tungkol sa isang taong kilala nila na nagpakita na talagang mahal niya ang Diyos at ang kanyang kapwa.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang mga dakilang utos

Maaari mong gamitin ang sumusunod na sitwasyon upang simulan ang lesson o anyayahan ang mga estudyante na magbahagi ng mga halimbawa ng mga taong katulad ni Cristo na kilala nila at tulungan silang makita kung paano tayo matutulungan ng dalawang dakilang utos na maging katulad ng Tagapagligtas.

Kunwari ay nakikipag-usap ka sa isang kaibigan tungkol sa iyong mga paniniwala sa relihiyon. Habang pinag-uusapan ninyo ang kahalagahan ng mga kautusan ng Diyos, itinanong ng kaibigan mo kung anong mga partikular na kautusan ang itinuturo ng iyong simbahan.

Sa loob ng isang minuto, maglista ng kahit ilang kautusan at pamantayan ng Diyos na maiisip mo.

Pagkatapos mong ibahagi ang iyong listahan ng mga kautusan ng Diyos, itinanong ng kaibigan mo kung aling mga kautusan ang pinakamahalaga.

Rebyuhin ang iyong listahan at pag-isipan kung paano mo sasagutin ang kanyang tanong.

Habang nagtuturo si Jesus sa mga tao, marami sa mga Fariseo ang nagtanong sa kanya, upang subukang ipahiya siya sa harap ng mga tao. Basahin ang Mateo 22:36–40 , at alamin ang itinanong sa Tagapagligtas at kung paano Siya tumugon.

  • Ano ang naiisip o nadarama mo tungkol sa paraan ng pagtugon ng Tagapagligtas?

Ipinaliwanag ng Tagapagligtas na ang unang dakilang utos ay ibigin natin ang Diyos nang buong puso, kaluluwa, at pag-iisip. Ang pangalawang dakilang utos ay ibigin ang ating kapwa gaya ng ating sarili. Ang dalawang utos na ito ay mula sa Deuteronomio 6:5 at Levitico 19:18 . Ang “kautusan” na tinukoy sa Mateo 22:36 ay ang batas ni Moises.

Pag-isipan ang mga pangangailangan ng mga estudyante, at talakayin ang ilan sa o lahat ng sumusunod na tanong sa sumusunod na materyal. Isipin kung aling pamamaraan ang makatutulong sa mga estudyante na masagot ang mga tanong. Halimbawa, maaaring talakayin ang ilan bilang klase, sa maliliit na grupo, o nang mag-isa sa isang study journal.

  • Ano ang ibig sabihin ng ibigin mo ang Diyos nang buong puso, kaluluwa, at pag-iisip? (Kung gusto mong mas maunawaan ang mga salitang ito, maaari mong hanapin ang mga kahulugan ng mga ito gamit ang mga tulong sa pag-aaral tulad ng Gabay sa mga Banal na Kasulatan.)

  • Ano ang ilang halimbawa mula sa buhay ni Cristo na nagpakita sa pagmamahal Niya sa Diyos sa ganitong paraan?

  • Sa iyong palagay, ano ang ibig sabihin ng ibigin ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili?

  • Paano makatutulong ang pagsunod sa dalawang dakilang utos na ito upang maging katulad tayo ni Jesucristo?

Pansinin na sa Mateo 22:40 , itinuro ni Jesus na ginawa ang lahat ng kautusan ng Diyos upang matulungan ang mga tao na maipakita ang kanilang pagmamahal sa Diyos at sa kanilang kapwa.

  • Paano makatutulong sa atin ang pagsunod sa dalawang dakilang utos para masunod natin ang lahat ng iba pang kautusan?

Ipinaliwanag ni Pangulong Russell M. Nelson kung paano nauugnay ang ating pagmamahal sa Diyos sa ating pagmamahal sa ating kapwa.

Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

Kapag minamahal natin ang Diyos nang buong puso, ibinabaling Niya ang ating mga puso sa kapakanan ng iba sa isang maganda at banal na siklo.

(Russell M. Nelson, “Ang Ikalawang Dakilang Kautusan,” Ensign o Liahona, Nob. 2019, 97)

  • Bakit maaaring ibaling ng ating pagmamahal sa Diyos ang ating puso sa ating kapwa?

Gamitin ang tip sa pagtuturo at paghahanda ng estudyante para sa lesson na ito sa pamamagitan ng paghikayat sa mga estudyante na magbahagi ng mga halimbawa ng mga taong nagmamahal sa Diyos at sa kapwa. Ang paggawa nito ay makatutulong sa mga estudyante na madama ang katotohanan at kahalagahan ng mga utos na ito, at matukoy ang mga paraan kung paano nila maipapamuhay ang mga ito. Pakinggang mabuti ang kanilang mga sagot, at pasalamatan ang mga estudyante para sa pagbabahagi.

  • Sino ang kilala mo na mabuting halimbawa ng pagsunod sa dalawang dakilang utos?

  • Sa paanong mga paraan niya ipinapakita ang pagmamahal na ito? Paano mo matutularan ang kanyang halimbawa ng pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa sa mga simpleng paraan sa araw-araw?

2:50

Sa iyong study journal, isulat ang nalalaman mo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo na naghihikayat sa iyong sundin ang dalawang dakilang utos. Maaaring makatulong kung partikular mong pagninilayan ang mga karanasan kung saan nadama mo ang pagmamahal Nila sa iyo.

Ipabahagi nang panandalian sa mga handang estudyante ang ilan sa kanilang isinulat.

Ang pag-ibig sa Diyos ang dapat nating unang priyoridad

Bagama’t mahalagang sundin ang dalawang dakilang utos, nagbabala si Pangulong Dallin H. Oaks:

Official Portrait of President Dallin H. Oaks taken March 2018.

Ang pagsusumigasig nating sundin ang pangalawang utos na ito ay hindi dapat maging dahilan para malimutan ang una, ang mahalin ang Diyos nang ating buong puso, kaluluwa, at isipan. Ipinapakita natin ang pagmamahal na iyan sa pamamagitan ng “[pagsunod sa] [Kanyang] mga utos.” [ Juan 14:15 ].

(Dallin H. Oaks, “Dalawang Dakilang Utos,” Ensign o Liahona, Nob. 2019, 73–74)

  • Bakit mahalaga ang pagkakasunud-sunod ng mga utos na ito?

  • Anong mga problema ang maaaring dumating kung uunahin nating mahalin ang ating kapwa kaysa sa Diyos?

  • Anong mga sitwasyon o kalagayan ang maaari mong kaharapin kung saan kailangan mong tiyakin na priyoridad mo ang mahalin ang Diyos?

Kung kailangan ng mga estudyante ng halimbawa kung paano inuna ng isang tao ang pagmamahal sa Diyos, maaari mong panoorin ang “Mga Espirituwal na Buhawi” mula sa time code na 7:40 hanggang 9:13. Matatagpuan ang video na ito sa SimbahanniJesucristo.org.

15:54

Gumawa ng plano

Pagnilayan ang mga oportunidad na naranasan mo kamakailan kung saan sinunod mo ang dalawang dakilang utos. Sa scale na isa hanggang lima, i-rate ang iyong sarili kung gaano mo kahusay na sinusunod ang bawat isa sa mga utos na ito, na ang numerong isa ay “napakahusay” at ang lima ay “hindi mahusay.”

Gumawa ng plano sa iyong study journal upang mas lubos na masunod ang dalawang dakilang utos na ito.

  • Maglista ng mga partikular na gagawin mo upang mas mahusay na maipamuhay ang dalawang dakilang utos na ito. Pakinggang mabuti ang mga impresyon mula sa Espiritu Santo, at pumili ng isa na gagawin mo.

  • Isulat kung paano mo gagawin iyon. Maaari mong ipaalam ang iyong plano sa iyong mga magulang o sa isang pinagkakatiwalaang kaibigan at anyayahan silang tulungan ka. Isaisip na tutulungan ka ng Diyos kapag ginawa mo ang lahat ng iyong makakaya (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 123:17).

Hikayatin ang mga estudyante na gawin ang kanilang mga plano, at ipaalam sa kanila na sa isang lesson sa hinaharap tungkol sa pag-assess (“I-assess ang Iyong Pagkatuto 5”) maaari silang magkaroon ng pagkakataong balikan ang planong ito. Magpahayag ng tiwala sa kanila, at tiyakin sa kanila na tutulungan sila ng Panginoon sa kanilang mga pagsisikap.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Paano ko matututuhang mahalin ang sarili ko?

Sa kanyang mensaheng “Ito ang Ating Panahon!”, tinalakay ni Elder S. Gifford Nielsen ng Pitumpu ang tungkol sa kahalagahan ng pagkatutong mahalin ang ating sarili (Liahona, Mayo 2021, 64–67). Maaari mong panoorin ang video, na matatagpuan sa SimbahanniJesucristo.org, mula sa time code na 7:36 hanggang 9:32.

11:14

Paano naaayon sa isa’t isa ang dalawang dakilang utos? (tingnan din sa 1 Juan 4:7–11, 20–21)

Itinuro ni Elder Peterr M. Johnson ng Pitumpu:

Official portrait of Peter M. Johnson. Sustained April 6, 2019 as a General Authority Seventy.

Tandaan na ang dakila at pangunang utos ay ibigin ang Diyos nang buong puso, kakayahan, pag-iisip, at lakas. [tingnan sa Mateo 22:37–38 ]. Ang lahat ng ginagawa natin ay dapat dahil sa pagmamahal natin sa Kanya at sa Kanyang Anak. Habang pinapayabong natin ang ating pagmamahal para sa Kanila sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanilang mga kautusan, madaragdagan ang ating kakayahang mahalin ang ating sarili at ang iba. Magsisimula tayong maglingkod sa ating pamilya, mga kaibigan, at mga kapit-bahay dahil makikita natin sila kung paano sila nakikita ng Tagapagligtas—bilang mga anak ng Diyos [tingnan sa Juan 3:16 ; 1 Juan 4:19 ; Mosias 2:17 ].

(Peter M. Johnson, “Kapangyarihang Madaig ang Kaaway,” Ensign o Liahona, Nob. 2019, 111)

Paano makakaapekto sa buhay ko ang pagsunod sa mga utos na mahalin ang Diyos at ang kapwa?

Ipinaliwanag ni Pangulong M. Russell Ballard, Gumaganap na Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Official portrait of President M. Russell Ballard of the Quorum of the Twelve Apostles, 2004.

Ang pagsunod sa dalawang utos na iyon ay nagbibigay-daan para maranasan ang higit na kapayapaan at kagalakan. Kapag minamahal at pinaglilingkuran natin ang Panginoon at minamahal at pinaglilingkuran ang ating kapwa, talagang madarama natin ang higit na kaligayahan na dumarating lamang sa pamamagitan nito.

(M. Russell Ballard, “Ang Tunay, Dalisay, at Simpleng Ebanghelyo ni Jesucristo,” Ensign o Liahona, Mayo 2019, 29)

3:21

Paano tayo naiimpluwensyahan ng pagmamahal ng Diyos na sundin ang dalawang dakilang utos?

Pinatotohanan ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Official Portrait of Elder Jeffrey R. Holland. Photographed January 2018.

Ang una at dakilang utos sa kawalang-hanggan ay ang mahalin ang Diyos nang buo nating puso, kakayahan, pag-iisip at lakas—iyan ang una at dakilang utos. Subalit ang una at dakilang katotohanan sa kawalang-hanggan ay mahal tayo ng Diyos nang buo Niyang puso, kakayahan, pag-iisip at lakas. Ang pagmamahal na iyon ay saligang bato ng kawalang-hanggan, at ito ay dapat na maging saligang bato ng ating buhay araw-araw. Katunayan sa katiyakan lamang na iyon na nag-aalab sa ating kaluluwa tayo magkakaroon ng kumpiyansang patuloy na manalig, patuloy na magsikap na magpakabuti pa, patuloy na humingi ng kapatawaran ng ating mga kasalanan, at ipakita ang gayon ding kabutihan sa ating kapwa.

(Jeffrey R. Holland, “Bukas ay Gagawa ng mga Kababalaghan ang Panginoon sa Inyo,” Ensign o Liahona, Mayo 2016, 127)

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Unahin ang pagsunod sa unang dakilang utos: alternatibong pagtutuunan ng lesson

Sabihin sa mga estudyante na tumukoy ng mga makamundong tradisyon, batas, o kaugalian na maaaring makaimpluwensya sa atin na unahing mahalin ang ating kapwa kaysa ang mahalin ang Diyos. Maaaring kabilang sa mga halimbawa ang pagpapakasal ng magkaparehong kasarian, iba pang paglabag sa batas ng kalinisang-puri, at paglabag sa Word of Wisdom.

Pag-isipang gamitin ang sumusunod na resources upang maging gabay sa talakayan ng klase batay sa kahalagahan ng pagtitiyak na una nating sinusunod ang unang utos at hindi natin hinahayaang malihis ng mga impluwensya ng mundo ang ating pagmamahal sa Diyos. Magtuon sa Tagapagligtas at sa paraan kung paano Niya ipinakita sa atin sa pamamagitan ng Kanyang halimbawa kung paano unahing mahalin ang Diyos habang minamahal pa rin natin ang ating kapwa.

  • Dallin H. Oaks, “Dalawang Dakilang Utos,” Ensign o Liahona, Nob. 2019, 73-76

  • Lynn G. Robbins, “Saan Kayo Nakatuon?,” Ensign o Liahona, Nob. 2014, 9–11

.

1:51