Seminary
Mateo 21–23; Marcos 11; Lucas 19–20; Juan 12


Mateo 21–23; Marcos 11; Lucas 19–20; Juan 12

Buod

Matagumpay na nakapasok si Jesucristo sa Jerusalem upang simulan ang huling linggo ng Kanyang ministeryo sa mundo. Nilinis ng Tagapagligtas ang templo at pinagaling ang mga lumapit sa Kanya sa templo. Itinuro Niya ang dalawang dakilang utos at kinondena Niya ang pagpapaimbabaw ng mga eskriba at Fariseo.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Mateo 21:1–11; Juan 12:27–36

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na makadama ng higit na paggalang at pagpipitagan kay Jesucristo at sa Kanyang misyon na iligtas tayo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghandang magbahagi ng isang pagkakataon na kinailangan nila ang tulong ng isang tao upang makaalis sa isang mahirap na sitwasyon. Upang makakita ng isang halimbawa ng ganitong uri ng sitwasyon, maaari nilang panoorin ang “Kapag ang Katarungan, Pag-ibig, at Awa ay Nagtugma,” na matatagpuan sa SimbahanniJesucristo.org, mula sa time code na 0:00 hanggang 5:01.

  • Content na ipapakita: Infographic na kasama sa lesson; mga larawan ng mga huling pangyayari sa buhay ng Tagapagligtas

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong gamitin ang screen sharing feature upang maipakita ang infographic. Pagkatapos ay maaaring gamitin ng mga estudyante ang chat upang magbahagi ng mga tanong na gusto nilang masagot o upang ibahagi kung saan sila interesado na matuto pa.

Mateo 21:12–16

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na makadama ng mas matinding hangaring ituring na sagradong lugar ang templo at matanggap ang nakapagpapagaling na kapangyarihan ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng paggawa ng gawain sa templo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang pinakahuling pagbisita nila sa templo. Kung hindi pa sila nakapunta sa templo, sabihin sa kanila na pag-isipang mabuti kung ano kaya ang pakiramdam ng makapunta sa templo.

  • Content na ipapakita: Mga larawan ng templo, kabilang ang mga larawan ng iba’t ibang silid sa loob ng templo

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari kang gumawa ng isang presentasyon na may kasamang mga larawan ng iba’t ibang silid sa templo, mga pahayag nina Pangulong Nelson at Elder Renlund, at ilang tanong para sa talakayan sa klase.

Mateo 22:34–40

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan kung paano ipapamuhay ang dalawang dakilang utos.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang magbahagi ng tungkol sa isang taong kilala nila na nagpakitang talagang mahal niya ang Diyos at ang kanyang kapwa.

  • Video: Mga Espirituwal na Buhawi” (15:54; panoorin mula sa time code na 7:40 hanggang 9:13), na makukuha sa SimbahanniJesucristo.org

  • Mga personal na halimbawa at karanasan: Maghandang magbahagi ng mga personal na karanasan at iba pang halimbawa ng mga taong nagpapakita sa salita at sa gawa na mahal nila ang Diyos at ang kanilang kapwa.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang tao na nagpakitang mahal niya ang Diyos at ang kanyang kapwa. Anyayahan ang mga estudyante, kung maaari, na itanong sa taong ito kung paano siya nagpakita ng pagmamahal sa Diyos at sa kanyang kapwa. Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang magbahagi.

Doctrinal Mastery: Mateo 22:36–39

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa iyo na magsanay na gamitin ang doktrinang itinuro sa scripture passage na ito at ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang maunawaan kung paano parehong susundin ang kautusan na mahalin ang Diyos at mahalin ang iyong kapwa.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang mga doctrinal mastery reference at mahahalagang parirala sa banal na kasulatan sa kanilang tahanan sa pamamagitan ng paghiling sa isang tao na tanungin sila tungkol dito o sa pamamagitan ng paggamit ng Doctrinal Mastery app. Maaari mo ring sabihin sa mga estudyante na isagawa ang kanilang plano na sundin ang dalawang dakilang utos.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Sa bahaging pagsasanay sa pagsasabuhay ng lesson, i-enable ang paggamit ng whiteboard at screen sharing para sa mga estudyante. Hatiin ang mga estudyante sa mga grupo sa breakout room, at magtalaga ng isang lider. Maaaring i-share ng lider ang kanyang whiteboard sa kanyang mga kagrupo, at maaaring bumuo ng partikular na sitwasyon ang grupo at maaari silang magsulat sa whiteboard ng kanilang mga naisip sa buong lesson. Maaaring i-share ng bawat lider ng grupo ang isang screenshot ng pinakaresulta ng isinulat sa whiteboard ng kanilang grupo at magbigay ng maikling paliwanag tungkol sa isinulat ng kanilang grupo.

Mateo 23

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na maiwasan ang pagpapaimbabaw at maging mga mapagpakumbabang tagasunod ni Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng mga taong nagsisikap na sundin ang Tagapagligtas nang may katapatan at dalisay na layunin habang naglilingkod sila sa iba.

  • Content na ipapakita: Ang larawan ng isang lalaking Judio na may suot na pilakteria

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Gamitin ang whiteboard feature upang ilista ang mga alituntuning natukoy ng mga estudyante sa lesson. Bigyan ng oras ang mga estudyante upang makapagsulat ng mensahe tungkol sa isa sa mga alituntuning ito. Maaari kang magpatugtog ng background music habang nagsusulat sila. Pagkatapos nilang magsulat, magtawag ng mga estudyanteng gustong magbahagi sa klase ng ilan sa mga naisip nila.