Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 1
Hanapin at Isaulo: Lucas 2:10–12 hanggang Lucas 24:36–39
Ang isa sa mga layunin ng doctrinal mastery ay tulungan kang isaulo ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa mga doctrinal mastery scripture passage. Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan kang mahanap at magsanay na maisaulo ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa unang 11 doctrinal mastery scripture passage sa Bagong Tipan.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan
-
Bakit makatutulong na malaman ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa mga doctrinal mastery scripture passage?
Maaaring natatandaan mo pa ang pahayag na ito ni Elder Richard G. Scott (1928–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol tungkol sa kahalagahan ng pagsasaulo ng mga banal na kasulatan:
Malaking tulong ang nagagawa ng pagsasaulo ng mga banal na kasulatan. Ang pagsasaulo ng isang talata ay pagbubuo ng [bagong] pagkakaibigan. Ito’y parang pagkakaroon ng bagong kakilala na makatutulong sa oras ng pangangailangan, makapagbibigay ng inspirasyon at kapanatagan, at pagmumulan ng panghihikayat para sa kinakailangang pagbabago.
(Richard G. Scott, “Ang Bisa ng Banal na Kasulatan,” Liahona, Nob. 2011, 6)
Upang matulungan kang matutuhan ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa unang 11 doctrinal mastery scripture passage, maaari mong kopyahin ang sumusunod na chart sa iyong study journal o i-download ang Doctrinal Mastery app sa isang mobile device at gamitin ang mga aktibidad sa app upang matulungan ka sa pagsasaulo.
Reperensyang Banal na Kasulatan |
Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan |
“Sapagkat ipinanganak sa inyo ngayon sa lunsod ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo, ang Panginoon.” | |
“Malibang ang isang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos.” | |
“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak.” | |
“Paliwanagin ninyo nang gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao.” | |
“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan, at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.” | |
Sinabi ni Jesus, “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian.” | |
“Kung ang sinuman ay nagnanais gumawa ng kalooban ng Diyos, ay makikilala niya … ang turo.” | |
“Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos. … Ibigin mo ang iyong kapwa.” | |
Iniutos ni Jesucristo, tumanggap ng sakramento “sa pag-aalaala sa akin.” | |
“At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Diyos na tunay, at si Jesucristo.” | |
“Sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.” |
Pumili ng kahit tatlong doctrinal mastery scripture passage, at gawin ang mga sumusunod:
-
Isulat ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala nito nang walang kopya.
-
Ibahagi kung bakit sa palagay mo ay mahalagang malaman ang mga talatang ito.
Sa susunod na ilang araw, sikaping isaulo ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala nito para sa kahit tatlo pang doctrinal mastery scripture passage. Maghanap ng mga paraan kung paano mapagpapala ang iyong buhay at ang buhay ng mga kakilala mo sa pamamagitan ng kaalaman mo sa mga talatang ito.