Seminary
Mateo 6–7


Mateo 6–7

Buod

Ipinagpatuloy ni Jesus ang Kanyang Sermon sa Bundok, at itinuro Niya na dapat tayong gumawa ng mabubuting gawain upang malugod ang ating Ama sa Langit at hindi upang mapansin ng iba. Itinuro rin Niya sa Kanyang mga disipulo na “[hangarin munang itayo] ang kaharian ng Diyos” (Mateo 6:33) at humatol nang matwid. Kabilang sa materyal para sa linggong ito ang isang aktibidad sa doctrinal mastery na makatutulong sa mga estudyante na mahanap at maisaulo ang unang 11 doctrinal mastery passage ng Bagong Tipan, gayundin ang isang lesson na makatutulong sa kanila na masuri ang kanilang pagkatuto at pag-unlad.

Mateo 6:1–18

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng pagkakataong suriin ang kanilang mga layunin o motibo sa paggawa ng mabubuting gawain at magpasya kung paano nila gustong magpakabuti pa.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang mga motibo nila para sa mga gagawin nila sa loob ng 24 na oras bago magklase.

  • Content na ipapakita: Chart tungkol sa mabubuting gawain

  • Video: Sa Pagiging Tapat” (17:51; panoorin mula sa time code na 15:34 hanggang 16:29)

Mateo 6:19–34

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng pagkakataong pagnilayan at ibahagi ang kahalagahan ng pag-una sa Diyos sa kanilang buhay.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung paano nila maibabahagi sa iba ang kahalagahan at mga pagpapala ng pag-una sa Diyos sa kanilang buhay.

  • Content na ipapakita: Mga reperensyang banal na kasulatan at paliwanag

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: I-set ang iyong videoconference screen sa gallery view, o sa view kung saan sabay-sabay na ipinapakita ang maraming estudyante. Pagkatapos maibahagi ng isang estudyante ang kanyang inihandang outline para sa isang video, maaari mong sabihin sa kanya na tumuro sa itaas, sa ibaba, sa kanan, o sa kaliwa. Ang sinumang estudyante na nasa itaas, ibaba, sa kanan, o sa kaliwa ng iyong screen ang susunod na magbabahagi. (Maaaring makatulong na malaman na ang paraan kung paano ipinapakita ang mga estudyante sa iyong screen ay hindi palaging tugma sa nakikita ng mga estudyante.)

Mateo 7:1–5

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng pagkakataong matuto tungkol sa paghatol nang matwid.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang alam nila tungkol sa mga paghatol na dapat nilang gawin, at ang mga paghatol na dapat nilang iwasang gawin. Hikayatin sila na isipin ang mga tanong na mayroon sila tungkol sa paghatol.

  • Bagay: Puwing at troso (o larawan ng bawat isa)

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Kapag malapit nang matapos ang lesson, ipakita ang apat na sitwasyon na maaaring pagpilian ng mga estudyante para sa talakayan. Sabihin sa isa o mahigit pang estudyante na gamitin ang kanilang drawing tool upang bilugan ang kahit isang sitwasyon na gusto nilang talakayin bilang isang klase, o gumawa ng isang poll kung saan maipahihiwatig ng mga estudyante ang gusto nilang talakayin.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 1

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na mahanap at magsanay na maisaulo ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala sa banal na kasulatan para sa unang 11 doctrinal mastery scripture passage sa Bagong Tipan.

  • Content na ipapakita: Isang chart na naglalaman ng unang 11 doctrinal mastery scripture passage

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari kang gumamit ng mga breakout room para makilala ng mga estudyante ang isa’t isa habang naghahanap sila ng mga banal na kasulatan at nagsasaulo ng mahahalagang parirala sa banal na kasulatan.

I-assess ang Iyong Pagkatuto 2

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan kang suriin ang mga mithiing itinakda mo, ang natututuhan mo, at ang personal na pag-unlad na naranasan mo sa pag-aaral mo ng Bagong Tipan sa taong ito.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang kanilang mga pagsisikap na mapaglabanan at madaig ang tukso sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo.

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Kung pipiliin mong gawin ang aktibidad tungkol sa pagtatayo ng isang istruktura, kailangan ang mga materyal tulad ng mga blocks, baso, o aklat at isang matibay na surface tulad ng mesa

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong atasan nang maaga ang isang estudyante na magtayo muna ng isang simpleng istruktura mula sa mga blocks o baso, sa isang matibay na surface at pagkatapos ay sa isang malambot na surface, tulad ng unan, habang ang ibang estudyante sa klase ay nanonood sa videoconference.