Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 7


Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 7

Open scriptures that have been highlighted, on table with ribbon bookmark and yellow pencil. (horiz)

Isa sa mga layunin ng doctrinal mastery ay tulungan kang matutuhan kung paano ipamuhay ang doktrinang itinuro sa mga banal na kasulatan sa mga sitwasyong maaaring maranasan mo o ng mga nasa paligid mo. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng mga pagkakataon na masanay na maipamuhay ang ilan sa mga doktrinang napag-aralan mo sa taong ito.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isang doctrinal mastery passage na sa palagay nila ay mahirap ipamuhay at ng isa na sa palagay nila ay madaling ipamuhay. Sabihin sa kanila na maghandang ipaliwanag kung bakit nila pinili ang bawat doctrinal mastery passage.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Maaaring kailanganing ituro ang isang doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson habang may klase sa seminary.

Magsimula sa pamamagitan ng pag-anyaya sa mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga ideya mula sa kanilang paghahanda. Maaari nila itong gawin bilang isang klase o nang magkakapartner o sa maliliit na grupo.

Pagtulong sa kapwa

Upang matulungan ang mga estudyante na maipamuhay ang mga katotohanang itinuro sa isa sa mga doctrinal mastery passage, maaari mong gamitin ang sumusunod na sitwasyon o anyayahan ang mga estudyante na mag-isip ng sarili nilang sitwasyon.

Kunwari ay nagmi-minister ka sa isang pamilya sa inyong ward at ang kanilang ama ay kamakailan lang nawalan ng trabaho. Lubhang pinanghinaan ng loob ang amang ito at tumigil na siya sa pagsisimba, pagdarasal, at pagbabasa ng mga banal na kasulatan. May tatlong anak sa pamilyang ito: isang 17 taong gulang na dalagita, isang 15 taong gulang na binatilyo, at isang 10 taong gulang na batang babae. Ang 10 taong gulang at ang kanyang ina ay paminsan-minsang nagsisimba. Madalas dumalo dati ang dalawang tinedyer, pero nang wala pa ring makuhang trabaho ang kanilang ama, tumigil na sila sa pagsisimba.

Habang nirerebyu mo ang sumusunod na listahan ng mga doctrinal mastery passage, pag-isipan ang mga emosyon at hamon na maaaring nararanasan ng bawat tao sa pamilyang ito. Pag-isipan kung aling mga katotohanan mula sa mga banal na kasulatang ito ang pinakamakatutulong sa bawat isa sa kanila at bakit.

Ipakita ang sumusunod na chart upang matingnan ito ng mga estudyante sa buong lesson. Kung makatutulong, magdagdag ng iba pang doctrinal mastery passage na maaaring maging kapaki-pakinabang sa ibinigay na sitwasyon.

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Mateo 11:28–30

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan, at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.”

Mateo 16:15–19

Sinabi ni Jesus, “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian.”

Mateo 22:36–39

“Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos. … Ibigin mo ang iyong kapwa.”

Lucas 22:19–20

Iniutos ni Jesucristo, tumanggap ng sakramento “sa pag-aalaala sa akin.”

Juan 7:17

“Kung ang sinuman ay nagnanais gumawa ng kalooban ng Diyos ay makikilala niya … ang turo.”

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na isadula ang pag-uusap ng ministering sister o brother at ng isang miyembro ng pamilya. Ang estudyanteng gumaganap bilang miyembro ng pamilya ay maaaring magpahayag ng mga alalahanin tungkol sa sitwasyon, at ang estudyanteng gumaganap bilang ministering sister o brother ay maaari namang magbigay ng mga mungkahi batay sa mga doctrinal mastery passage.

  • Ano ang ilan sa mga emosyon at hamon na maaaring nararanasan ng mga indibiduwal sa pamilyang ito?

  • Bakit makatutulong na pag-isipan ang mga emosyon at hamon na ito bago magpasiya kung aling mga katotohanan sa banal na kasulatan ang maaaring pinakamakatulong?

Pumili ng isang anak at isang magulang mula sa pamilyang inilalarawan sa sitwasyon. Pumili ng isang doctrinal mastery passage at katotohanan na sa palagay mo ay lubos na makatutulong sa bawat isa sa kanila.

  • Sino ang mga pinili mo? Anong doctrinal mastery passage at katotohanan ang ibabahagi mo sa kanila? Bakit?

Isipin ang bawat isa sa mga taong pinili mo.

  • Kung tatanungin ka, anong mga partikular na bagay ang aanyayahan mong gawin ng bawat isa sa kanila upang maipamuhay nila ang mga katotohanang itinuro sa mga doctrinal mastery passage na ito?

Habang nagbabahagi ang mga estudyante ng mga sagot sa naunang tanong, maaari mo itong sundan ng mga tanong na tulad ng mga sumusunod: Kailan mo naranasan o kailan naranasan ng iba pang kakilala mo na ipamuhay ang katotohanang iyan sa ganitong paraan? Kailan mo iyon ginawa o kailan iyon ginawa ng iba, at ano ang kinalabasan nito? Ano ang natutuhan mo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo mula sa mga karanasang iyon?

  • Paano makatutulong sa kanila ang paggawa ng mga bagay na ito upang makatanggap sila ng kapangyarihan at lakas mula sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

Karagdagang pagsasabuhay

Pumili ng isa sa mga doctrinal mastery passage na hindi mo ginamit sa nakaraang aktibidad. Mag-isip ng isang sitwasyon kung saan maaaring makatulong ang scripture passage na ito sa isang tao na makahanap ng mga sagot sa isang tanong o makayanan ang isang hamon. Isulat ang mga naisip mo sa iyong study journal.

Hikayatin ang mga estudyante na magbahagi ng mga ideya tungkol sa iba pang mga sitwasyon kung saan maaaring makinabang ang isang tao sa pagpapamuhay ng mga katotohanang itinuro sa mga doctrinal mastery passage na ito. Maaari mong patotohanan ang kapangyarihan ng Tagapagligtas na tulungan silang ipamuhay ang mga katotohanang iyon.