Seminary
Juan 11:1–46, Bahagi 2


Juan 11:1–46, Bahagi 2

Pinabangon ni Jesus si Lazaro mula sa Kamatayan

Jesus mourning Lazarus.

Sa nakaraang lesson, tumukoy ka ng mga alituntunin mula sa salaysay tungkol sa pagpapabangon ng Tagapagligtas kay Lazaro mula sa kamatayan. Bibigyan ka ng lesson na ito ng pagkakataong magturo ng isang alituntunin na makatutulong sa iyo at sa iba na matanggap ang tulong ng Tagapagligtas sa mga hamon ng buhay.

Pagtulong sa mga estudyante na turuan ang isa’t isa. Ang pagbibigay ng mga pagkakataon sa mga estudyante na turuan ang isa’t isa ay makatutulong sa kanila na mas maunawaan at maipamuhay ang mga katotohanang natutuhan nila. Habang tinuturuan ng mga estudyante ang isa’t isa, manatiling aktibo sa pagtulong sa kanila sa pamamagitan ng paglipat-lipat sa bawat grupo at pagsubaybay sa aktibidad sa pag-aaral, at pagbibigay ng tulong kung kinakailangan. Ang paggawa nito ay makatutulong sa mga estudyante na manatiling nakatutok sa gawain at makatanggap ng kinakailangang tulong upang mas makinabang sila sa aktibidad.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang natutuhan nila mula sa salaysay tungkol kina Maria, Marta, Lazaro, at sa Tagapagligtas sa Juan 11:1–46 . Ipaalam sa kanila na magkakaroon sila ng pagkakataong magturo tungkol sa isang alituntunin na natutuhan nila mula sa salaysay na ito. Anyayahan silang pumasok nang may nakahandang mga ideya kung paano nila epektibong maituturo ang alituntuning iyon.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Epekto ng pagtuturo

Ang lesson na ito ang pangalawa sa dalawang lesson sa Juan 11:1–46 . Sa nakaraang lesson, tumukoy ang mga estudyante ng mga alituntunin. Maaari mong ituro ang lesson na iyon bilang paghahanda para sa lesson na ito.

Maaaring ibahagi ng mga estudyante ang kanilang mga sagot sa mga sumusunod na tanong nang magkakapartner o sa maliliit na grupo.

Pagnilayan ang isang pagkakataon na may naituro sa iyo tungkol kay Jesucristo o sa Kanyang ebanghelyo na nagkaroon ng malaking impluwensya sa iyo.

  • Paano ito itinuro sa iyo?

  • Bakit napakalaki ng impluwensya nito?

Si Jesucristo ang Dalubhasang Guro. Habang nagtuturo Siya nang may kapangyarihan at Espiritu, nadama ng mga nakikinig nang may pagpapakumbaba ang epekto ng Kanyang mga turo (tingnan sa Juan 3:2 ; Juan 6:35, 68-69).

  • Ano ang ilang halimbawa ng mga taong naiimpluwensyahan nang husto ng turo ng Tagapagligtas?

Pagnilayan ang halimbawa ng Tagapagligtas at ang sarili mong mga karanasan habang naghahanda at nagtuturo ka ng maikling lesson batay sa salaysay tungkol sa pagpapabangon ng Tagapagligtas kay Lazaro mula sa kamatayan sa Juan 11:1–46 . Ang isang elemento ng pagtuturo ng Tagapagligtas ay palagi Siyang nagtuturo ng totoong doktrina at mga alituntunin. Sa lesson na ito, magkakaroon ka ng pagkakataong tularan ang halimbawa ng Tagapagligtas habang nagtuturo ka ng totoong alituntunin. Habang pinagbubuti mo ang iyong kakayahang magturo sa paraan ng Tagapagligtas, maaari kang maging higit na katulad Niya.

Lazaro

Alalahanin ang lahat ng kaya mong maalala sa salaysay tungkol sa pagpapabangon ng Tagapagligtas kay Lazaro mula sa kamatayan. Kung kinakailangan, basahin ang sumusunod na buod.

Mag-anyaya ng isa o dalawang estudyante na magbubuod sa salaysay. Kung gusto mo, gumuhit sa pisara ng mga stick figure para kina Maria, Marta, at Lazaro. Gumamit din ng larawan ng Tagapagligtas (huwag gumamit ng stick figure para ilarawan ang Tagapagligtas). Sabihin sa isang estudyante na gamitin ang mga visual aid na ito habang ibinubuod niya ang salaysay. Kung kinakailangan, gamitin ang sumusunod na impormasyon para dagdagan o linawin ang sinasabi ng estudyante.

Nagpadala ng mensahe sina Maria at Marta kay Jesus na may sakit ang kanilang kapatid na si Lazaro. Sadyang ipinagpaliban ni Jesus ang paglalakbay Niya at dumating Siya apat na araw mula nang mamatay si Lazaro. Dahil sa pagmamahal at pagkahabag, muling binuhay ni Jesus si Lazaro. Binigyang-diin ng pangyayaring ito na si Jesus ang piniling Mesiyas at may kapangyarihan Siyang daigin ang kamatayan. Matapos marinig ang himalang ito, nagplano ang mga punong saserdote at mga Fariseo na patayin sina Jesus at Lazaro.

Ang iyong lesson

Maghanda ng lesson gamit ang isang alituntunin na matututuhan natin mula sa Juan 11. Pumili ng isang alituntunin mula sa mga sumusunod na opsiyon na pinakanakakainteres sa iyo o sa palagay mo ay pinakanauugnay sa mga tinedyer.

Ipakita ang mga sumusunod na opsiyon sa lesson na mapagpipilian ng mga estudyante. Isaalang-alang ang mga estudyante na maaaring makaranas ng pagkabalisa at mahirapang magturo ng lesson. Maaaring magsumite na lang ang mga estudyanteng ito ng outline ng lesson sa halip na sabihan silang magturo.

Maaari ding makatulong na tukuyin ang mga estudyante na maaaring mangailangan ng tulong sa pagbabasa, paghahanda, o pagsasalita, at magtalaga sa kanila ng kapartner na maghahanda at magtuturo kasama nila.

Opsiyon 1 sa lesson: Makapagsasagawa ang Tagapagligtas ng mga himala sa ating mga buhay kapag kumilos tayo nang may pananampalataya sa Kanya sa panahon ng ating mga pagsubok ( Juan 11:20–27,38–45).

Opsiyon 2 sa lesson: Dumarating ang mga himala ng Diyos sa ating mga buhay ayon sa Kanyang kalooban at takdang panahon ( Juan 11:1–7,11–17, 39–45).

Opsiyon 3 sa lesson: Matutularan natin ang halimbawa ni Jesucristo sa pamamagitan ng pagpapakita ng habag sa iba ( Juan 11:32–36,43–44).

Opsiyon 4 sa lesson: Makikita natin ang pagmamahal at kapangyarihan ng Diyos habang pinalalakas at pinapanatag Niya tayo sa ating mga paghihirap ( Juan 11:1–7,11–15,38–46).

Opsiyon 5 sa lesson: May kapangyarihan si Jesucristo sa buhay at kamatayan ( Juan 11:20–27,39–46).

Opsiyon 6 sa lesson: Pumili ng sarili mong alituntunin mula sa salaysay na ito ( Juan 11:1–46).

Isipin kung gaano karaming oras ang kakailanganin ng mga estudyante upang ihanda at ituro ang kanilang mga lesson. I-adjust ang oras batay sa mga pangangailangan ng mga estudyante.

Color Handouts Icon

Ibigay sa mga estudyante ang sumusunod na handout upang matulungan silang ihanda ang kanilang mga lesson.

Preparing a Lesson for John 11

Sagutin ang mga sumusunod na prompt upang matulungan kang gumawa ng outline para sa iyong lesson. Maaari kang maglaan ng 15 hanggang 20 minuto upang ihanda ang iyong lesson at 5 hanggang 10 minuto upang ituro ito.

  1. Paano mo ipababatid ang alituntuning pinili mo sa paraang makatutulong sa mga tinuturuan mo na maunawaan kung bakit ito mahalaga?

  2. Aling mga talata ang babasahin mo kasama ng mga tinuturuan mo upang pinakamahusay na mailarawan ang alituntuning ito? (Kung may alam kang karagdagang salaysay sa banal na kasulatan, scripture passage, o pahayag ng isang lider ng Simbahan na makatutulong sa mga tinuturuan mo na maunawaan ang alituntunin, maaari mo rin itong isulat dito.)

  3. Ano ang itinuturo sa iyo ng alituntuning ito tungkol sa Tagapagligtas? Maaari mong sabihin sa mga tinuturuan mo na ibahagi ang natutuhan nila tungkol kay Jesucristo mula sa alituntuning ito.

  4. Ano ang maaari mong ibahagi tungkol sa kung paano nakatulong sa iyo ang alituntuning ito? Anong mga pagpapala ang natamo sa pamumuhay nang ayon dito? Maaari mong anyayahan ang mga tinuturuan mo na magbahagi rin ng mga karanasan nila.

  5. Isulat ang mga saloobin mo tungkol sa alituntuning itinuturo mo at isang maikling paliwanag kung paano nito pinalalakas ang iyong patotoo kay Jesucristo. Ibahagi ang iyong patotoo kung nadarama mong dapat mo itong gawin.

Ang mga karagdagang paraan upang ituro ang lesson na ito at ang mga karagdagang sanggunian o resources na magagamit ng mga estudyante sa paghahanda ng kanilang mga lesson ay matatagpuan sa mga bahaging “Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon” at “Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral” ng lesson na ito.

Sabihin sa mga estudyante na ituro sa isa’t isa ang kanilang mga lesson o panandaliang ibahagi ang kanilang mga outline nang magkakapartner o sa maliliit na grupo. Maaari din nilang ibahagi ang kanilang mga lesson sa tahanan sa kanilang pamilya.

  • Ano ang natutuhan mo sa karanasang ito?

  • Paano makatutulong sa iyo at sa iba ang paghahanda ng mga lesson at pagtuturo sa iba na mas lumapit sa at maging higit na katulad ng Tagapagligtas?

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Mga karagdagang sanggunian o resources

Makatutulong sa iyo ang mga sumusunod na video at mensahe na ihanda at ituro ang iyong lesson. Maaari mong gamitin ang mga sanggunian o resources na ito sa isa o mahigit pa sa mga sumusunod na paraan:

  • upang mas maunawaan ang alituntuning itinuturo mo

  • upang matukoy ang mga katotohanan, kuwento, o kaalaman na maibabahagi mo sa sarili mong mga salita habang nagtuturo ka

  • upang maghanap ng mga pahayag o video clip na maaari mong ipakita para sa mga tinuturuan mo

Matatagpuan ang lahat ng nakalistang video sa ChurchofJesusChrist.org.

Opsiyon 1 sa lesson: Makapagsasagawa ang Tagapagligtas ng mga himala sa ating mga buhay kapag kumilos tayo nang may pananampalataya sa Kanya sa panahon ng ating mga pagsubok

Neil L. Andersen, “Ang Pananampalataya ay Hindi Matatamo Kung Wala Munang Pagpiling Gagawin” (pangkalahatang kumperensya, Okt. 2015) (panoorin mula sa time code na 1:40 hanggang 4:32).

15:1
5:33

Opsiyon 2 sa lesson: Dumarating ang mga himala ng Diyos sa ating mga buhay ayon sa Kanyang kalooban at takdang panahon

Jeffrey R. Holland, “Paghihintay sa Panginoon,” Ensign o Liahona, Nob. 2020, 115–17.

4:55

Opsiyon 3 sa lesson: Matutularan natin ang halimbawa ni Jesucristo sa pamamagitan ng pagpapakita ng habag sa iba

Dieter F. Uchtdorf, “Kayo ang Aking mga Kamay,” Ensign o Liahona, Mayo 2010, 68–75.

11:47

Opsiyon 4 sa lesson: Makikita natin ang pagmamahal at kapangyarihan ng Diyos

habang pinalalakas at pinapanatag Niya tayo sa ating mga paghihirap

John C. Pingree Jr., “Ako ay May Gawain para sa Iyo” (pangkalahatang kumperensya, Okt. 2017) (panoorin mula sa time code na 5:49 hanggang 6:48).

2:3
2:3

Opsiyon 5 sa lesson: May kapangyarihan si Jesucristo sa buhay at kamatayan

D. Todd Christofferson, “Ang Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo,” Ensign o Liahona, Mayo 2014, 111–14.

Paul V. Johnson, “At Hindi na Magkakaroon ng Kamatayan” (pangkalahatang kumperensya, Abr. 2016) (panoorin mula sa time code na 0:17 hanggang 4:56).

2:3

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Buklet para sa pagharap sa mga hamon

Maaaring gamitin ng mga estudyante ang mga alituntuning matatagpuan sa Juan 11:1–46 at ang mga materyal sa lesson na ito (at anupamang alam nila) para sa aktibidad na ito. Maaaring gumawa ang bawat estudyante ng isa o mahigit pa sa mga sumusunod na aktibidad.

  • Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita sa isa sa mga alituntuning itinuro sa lesson na ito.

  • Magsalaysay ng personal na kuwento kung saan ipinamuhay mo o ng isang kakilala mo ang isa sa mga alituntuning itinuro sa lesson na ito at nakita ang mga ipinangakong pagpapala.

  • Gumawa ng listahan ng mga scripture passage o salaysay sa banal na kasulatan, pahayag ng mga lider ng Simbahan, at mga reperensya sa mga mensahe o video na makatutulong sa isang taong dumaranas ng hamon sa buhay.

Pagkatapos ng sapat na oras, kolektahin ang mga ginawa ng mga estudyante at pagsama-samahin ang mga ito sa isang espesyal na buklet na idinisenyo upang matulungan ang mga tao na humarap sa mga hamon. Maaaring gawan ng mga kopya ang buklet na ito upang maitabi at magamit ng mga estudyante sa hinaharap kapag nangailangan sila o ang isang mahal nila sa buhay ng tulong sa isang hamong kinakaharap nila. Bigyan ang mga estudyante ng mga kinakailangang resources upang makumpleto ang aktibidad na ito, tulad ng papel at mga art supply.

Alternatibong aktibidad

Maaaring pumili ang mga estudyante ng isang taong inilarawan sa salaysay na nakatala sa Juan 11:1–46 (Maria, Marta, Lazaro, o isa sa mga nakamasid) at maaari silang magsulat tungkol sa salaysay mula sa pananaw ng taong iyon. Sabihin sa mga estudyante na isama ang mga sumusunod sa kanilang mga salaysay:

  • ang mga nadarama at saloobin ng taong iyon sa karanasang ito

  • ang maaaring natutuhan ng tao sa salaysay mula sa Tagapagligtas at tungkol sa Tagapagligtas sa karanasang ito

Maaaring ibahagi ng mga estudyante ang mga salaysay na ito sa isa’t isa at pagkatapos ay ihalintulad ang kuwento sa sarili nilang buhay at gumawa ng plano na kumilos nang may pananampalataya kay Jesucristo.