Seminary
Lucas 17:11–19


Lucas 17:11–19

“Pinagaling Ka ng Iyong Pananampalataya”

Two leperous men kneeling before Christ. The men are extending their arms and beseeching the Lord to heal them. Christ, with His arm raised, stands before them. A crowd of several men are approaching from behind Christ.

Habang naglalakbay mula Galilea patungong Jerusalem, pinagaling ni Jesus ang sampung ketongin. Isa lang sa mga napagaling ang bumalik upang magpasalamat kay Jesus. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na makadama at makapagpahayag ng pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, at sa iba.

Hikayatin ang mga estudyante na magbasa nang mabuti. Ang pagbabasa nang mabuti ay makatutulong sa mga estudyante na matukoy ang mahahalagang detalye at mailarawan sa kanilang isipan kung ano ang nangyayari. Makatutulong ito sa mga estudyante na magkaroon ng mahalagang pagkaunawa tungkol sa mga banal na kasulatan, mas matukoy ang mga alituntunin, at maiugnay ang mga banal na kasulatan sa kanilang sariling buhay.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang magbahagi ng isang karanasan kamakailan kung saan nakadama sila ng pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob sa Ama sa Langit o kay Jesucristo. Bilang alternatibo, maaaring gumawa ang mga estudyante ng listahan na naglalarawan ng ginawa ng Ama sa Langit at ni Jesucristo para sa kanila.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang iyong nadarama sa kasalukuyan tungkol sa pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob

Para sa sumusunod na aktibidad, maaari mong sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga karanasan tungkol sa pasasalamat bago kumpletuhin ang self-assessment. Maaaring makatulong na ipakita ang self-assessment upang mapag-aralan at mapagnilayan ng mga estudyante.

Gamit ang mga salitang “palagi,” “kung minsan,” o “hindi kailanman,” suriin ang iyong sarili sa mga sumusunod na pahayag:

  • Tumatanaw ako ng utang na loob at nagpapasalamat sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, at sa iba.

  • Tumatanaw ako ng utang na loob.

  • Ang pagpapasalamat ay may magandang epekto sa buhay ko.

Habang nagpapatuloy ka sa iyong pag-aaral, hingin ang patnubay ng Espiritu Santo upang matulungan kang malaman kung paano mapagpapala ng pagtanaw ng utang na loob ang iyong buhay.

Ketong

  • Ano ang nalalaman mo tungkol sa sakit na ketong?

Pakinggang mabuti ang mga sagot ng mga estudyante, at idagdag ang alinman sa sumusunod na impormasyon upang linawin o dagdagan ang sinasabi ng mga estudyante.

Ang ketong, na mas karaniwan noong araw kaysa ngayon, ay isang sakit sa balat na maaaring humantong sa pagkasira ng katawan at pagkamatay. Noong panahon ng Biblia, ang mga taong may ketong ay itinataboy sa lipunan at kailangan nilang sumigaw ng “Marumi!” upang mabalaan ang sinumang papalapit sa kanila (tingnan sa Bible Dictionary, “ Leper ,” “ Leprosy ”).

  • Ano kaya ang nadarama at karanasan sa araw-araw ng isang ketongin noong panahon ng Biblia?

  • Ano ang ilang dahilan kung bakit gayon din ang maaaring madama ng mga kabataan sa ating panahon?

Basahin ang Lucas 17:11–14 , at maingat na ilarawan sa isipan ang binabasa mo. Ang pagbabasa nang mabuti, pagbibigay-pansin sa mga detalye, at pagsasalarawan ng nababasa mo sa iyong isipan ay maaaring humantong sa mga mas makabuluhang karanasan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan.Pagkatapos mabasa ang mga talatang ito, subukang sagutin ang susunod na limang tanong tungkol sa mga detalye sa Lucas 17:11–14 sa abot ng iyong makakaya nang hindi sumasangguni sa mga banal na kasulatan.

Color Handouts Icon

Maaari mong ipakita ang mga sumusunod na tanong o ibigay ang sumusunod na handout. Sabihin sa mga estudyante na magpartner-partner o magsama-sama sa maliliit na grupo upang talakayin ang mga detalyeng naaalala nila.

Read carefully and visualize

Basahin nang mabuti, at bigyang-pansin ang detalye

  1. Gaano kalapit ang mga ketongin sa Tagapagligtas?

  2. Ano ang hiniling ng mga ketongin sa Tagapagligtas?

  3. Ano ang sinabi sa kanila ng Tagapagligtas?

  4. Ilan sa mga ketongin ang may pananampalatayang gawin ang iniutos ng Tagapagligtas?

  5. Ano ang ginagawa ng mga ketongin nang sila ay gumaling?

Ilarawan sa isipan ang nabasa mo

Kunwari ay isa ka sa mga ketongin na nalinis.

  • Ano kaya ang pakiramdam na gumaling sa ketong? Ano kaya ang naramdaman mo?

  • Sa iyong palagay, bakit nangyari ang paggaling sa salaysay na ito “habang sila’y umaalis”? ( talata 14).

  • Ano sa palagay mo ang gagawin mo kapag napagtanto mo na pinagaling ka ng Tagapagligtas?

Basahin nang mabuti ang Lucas 17:15–19 , at patuloy na ilarawan ang nabasa mo sa iyong isipan at maghanap ng mahahalagang detalye.

  • Anong mga detalye mula sa mga talatang ito ang tila pinakamahalaga sa iyo?

  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa pasasalamat at sa mga pagpapalang maidudulot nito?

  • Ano ang matututuhan natin tungkol kay Jesucristo mula sa Kanyang tugon sa isang taong bumalik?

Nais ng Ama sa Langit na pagpalain tayo at ginagawa Niya ito sa maraming paraan. Isinugo rin Niya ang Tagapagligtas na si Jesucristo at pinagpapala ang Kanyang mga anak sa pamamagitan ng Tagapagligtas. Ang isang katotohanan na matututuhan natin mula sa salaysay na ito ay kapag nagpapasalamat tayo para sa mga pagpapalang natatanggap natin mula sa Ama sa Langit at kay Jesucristo, tayo ay mapagagaling.

Maaaring makatulong na malaman na kapag gumaling sa ketong ang mga ketongin, sa ilalim ng batas ni Moises, kailangan nilang magpakita sa saserdote nang sa gayon ay maipahayag na silang malinis at makabalik na sa kanilang tahanan at sa lipunan (tingnan sa Levitico 14). Hindi natin alam ang mga dahilan kung bakit hindi na bumalik ang bawat isa sa siyam na lalaki upang magpasalamat. Sila ay nagpakita ng pananampalataya sa Tagapagligtas, naging masunurin, at napagaling, ngunit sinabi ng Tagapagligtas sa taong bumalik at nagpasalamat, na isang Samaritano, na “pinagaling” siya ng kanyang pananampalataya ( Lucas 17:19).

  • Ano kaya ang pagkakaiba ng mapagaling sa ketong at pinagaling?

  • Ano ang natutuhan mo mula sa salaysay na ito na maaaring makaapekto sa iyong ugnayan sa Tagapagligtas?

  • Paano nakaapekto sa iyong pag-aaral ang pagbabasa nang mabuti, pagpansin sa mga detalye, at paglalarawan ng mga talatang ito sa iyong isipan?

Basahin ang mga sumusunod na pahayag ng propeta, at pag-isipan kung paano naaangkop sa isang ketongin na iyon at sa sarili mong buhay ang mga turong ito tungkol sa pagpapasalamat.Itinuro ni Pangulong Thomas S. Monson:

Official portrait of President Thomas S. Monson, 2008.

Ang taos-pusong pasasalamat ay hindi lamang nakakatulong para makilala natin ang ating mga pagpapala, kundi nagbubukas din ng pintuan ng langit at nagpapadama sa atin ng pag-ibig ng Diyos.

(Thomas S. Monson, “Ang Banal na Kaloob na Pasasalamat,” Ensign o Liahona, Nob. 2010, 87)

Binigyang-diin ni Pangulong Russell M. Nelson ang kahalagahan ng pasasalamat sa Panginoon. Panoorin ang video ni Pangulong Russell M. Nelson tungkol sa “Ang Nagpapagaling na Kapangyarihan ng Pasasalamat” mula sa time code na 3:42 hanggang 4:28 o basahin ang teksto sa ibaba.

11:38

President Russell M. Nelson on the Healing Power of Gratitude​

In his 96 years, President Russell M. Nelson of The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints has seen many trials. But he says there's a simple remedy to help us find joy in hard times—gratitude.

Official portrait of President Thomas S. Monson, 2008.

Sa siyam at kalahating dekada ng buhay ko, natanto ko na ang pagbilang sa ating mga biyaya ay higit na mas mabuti kaysa sa pag-alaala sa ating mga problema. Anuman ang situwasyon natin, ang pagpapakita ng pasasalamat para sa ating mga pribilehiyo ay mabilis at pangmatagalang esprirituwal na preskripsiyon.

Tinatanggal ba ng pasasalamat ang ating kapighatian, kalungkutan, hapis, at pagdurusa? Hindi, ngunit pinagiginhawa nito ang ating mga damdamin. Nagbibigay ito ng mas malawak na pananaw sa pinaka-layunin at kagalakan ng buhay.

(“Ang Nagpapagaling na Kapangyarihan ng Pasasalamat,” https://www.churchofjesuschrist.org/givethanks/?lang=tgl)

Upang makatulong na matukoy at mapagbuti pa ang mga paraan ng pagpapakita mo ng pasasalamat sa Ama sa Langit at kay Jesucristo, kopyahin sa iyong study journal ang sumusunod na chart.

Mga pagpapalang natanggap ko mula sa Ama sa Langit at kay Jesucristo:

Mga paraan kung paano ko ipinapakita ang aking pasasalamat para sa mga pagpapalang ito:

Pinagpapala ka ng Ama sa Langit at ni Jesucristo sa makabuluhan at personal na paraan. Pagnilayan nang mabuti ang mga pagpapalang ito, at isulat ang mga ito sa unang column. Makatutulong na tahimik na manalangin at hilingin sa Ama sa Langit na tulungan kang mapagtanto ang maraming paraan na pinagpapala ka Niya. Pagkatapos ay magsulat ng ilang paraan sa pangalawang column kung paano mo maipapakita ang iyong pasasalamat para sa mga pagpapalang ito. Ang mga sumusunod na talata ay maaaring makatulong sa iyo na makaisip ng mga ideya: Mosias 2:20–22 ; Mateo 25:40 ; Filipos 1:1–3 ; 1 Cronica 16:29 .

  • Paano personal na nakaapekto sa iyo ang pag-uukol ng oras na mapagnilayan ang mga pagpapalang ito?

  • Sa pagsusuri sa iyong listahan ng mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat, alin sa mga ito ang gusto mong pagbutihin pa o simulang gawin? Bakit? Paano ka maaaring magsimula?

Tulungan ang mga estudyante na maibahagi ang kanilang mga karanasan sa pagkatuto at pag-aaral ngayon. Maaari mo silang hayaang turuan ang isa’t isa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang mga listahan ng mga pagpapala, mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat, at kanilang mga mithiin para sa pagpapabuti at pagsasabuhay. Magpatotoo, o anyayahan ang isang estudyante na magpatotoo, tungkol sa kapangyarihan ng pagpapasalamat.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Lucas 17:14 . Mahalaga ba na isang Samaritano ang bumalik na ketongin?

Ang mga Samaritano ay ang mga nakatira sa Samaria na “ang relihiyon ay pinaghalong mga paniniwala at kaugalian ng Judio at pagano” (tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “ Samaritano, Mga ”). Madalas silang hamakin ng karamihan sa mga Judio. Isipin kung bakit binanggit ni Lucas na isang Samaritano ang mapagpasalamat na ketongin. Ano ang naidagdag ng detalyeng ito sa pagkaunawa mo sa salaysay na ito? Ano ang itinuturo nito sa iyo tungkol sa Tagapagligtas?

Paano naiiba ang pagtanaw ng utang na loob sa pasasalamat?

Si Pangulong David O. McKay ay nagturo ng tungkol sa pagtanaw ng utang na loob at pasasalamat:

Crop of portrait of President David O. McKay wearing a dark blue suit and seated in a chair with his hands are clasped.

Ang pagtanaw ng utang na loob ay mas malalim kaysa sa pasasalamat. Ang pasasalamat ang simula ng pagtanaw ng utang na loob. Ang pagtanaw ng utang na loob ang kaganapan ng pasasalamat. Ang pasasalamat ay maaaring binubuo lamang ng mga salita. Ang pagtanaw ng utang na loob ay ipinapakita sa mga gawa.

(David O. McKay, “The Meaning of Thanksgiving,” Improvement Era, Nob. 1964, 914)

Paano makaaapekto ang pagtanaw ng utang na loob sa buhay ko?

Inilalarawan sa mga sumusunod na video ang epekto ng pagtanaw ng utang na loob.

2:32

Principles of Peace: Gratitude #PrinceofPeace

We can show gratitude by being thankful for all that Jesus Christ has made possible in our lives. Jon’s upbringing could have made him focus on what his life lacked. However, he chose instead to dwell on all the wonderful things he had.

2:3

Think to Thank

Thinking to thank God brings us all these things, draws us closer to those we love, and makes us more like the Savior.

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Paghambingin at pagkumparahin

Upang matulungan ang mga estudyante na matutuhan pa ang tungkol kay Jesucristo, sabihin sa kanila na suriin ang mga pagkakatulad at pagkakaiba sa mga pagpapagaling sa Lucas 5:12–15 at Lucas 17:11–19 . Ano ang itinatampok at itinuturo ng iba’t ibang salaysay na ito tungkol kay Jesucristo?

Pagpapakita ng pagtanaw ng utang na loob

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na sumulat ng liham sa Ama sa Langit na nagpapahayag ng kanilang pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob para sa mga pagpapalang ibinigay Niya sa kanila, lalo na sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Jesucristo. Ano ang lubos na makatutulong na isama sa liham na ito? Ano ang maaaring maging epekto ng pagsusulat ng liham na ito? Sino pa ang maaaring nais ng Panginoon na lapitan mo at pasalamatan mo?