Lucas 12–17; Juan 11
Buod
Itinuro ni Jesus ang mga talinghaga tungkol sa nawawalang tupa, nawawalang pilak, at alibughang anak. Pinagaling din Niya ang sampung ketongin at binuhay Niya si Lazaro mula sa kamatayan. Sa linggong ito isasama ang pagrerebyu ng doctrinal mastery upang matulungan ang mga estudyante na maipamuhay ang mga doctrinal mastery passage.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Lucas 15
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na makita at madama kung gaano sila kamahal at pinahahalagahan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo, at ang lahat ng iba pang tao.
-
Paghahanda ng estudyante: Hikayatin ang mga estudyante na pag-aralan ang isa o lahat ng talinghaga sa Lucas 15 bago ang klase. Sabihin sa kanila na pag-isipan kung ano ang itinuturo ng mga talinghaga tungkol sa pagmamahal ng Diyos.
-
Mga Materyal: Ilang pagkain at pera o drowing ng mga ito
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Kapag naidrowing na ng mga estudyante ang pastol at tupa o ang amang niyayakap ang kanyang anak, at nakapagsulat na sila ng mga salita at parirala sa paligid ng kanilang mga drowing, anyayahan ang isang estudyante na ipakita sa screen ang kanyang drowing at magbahagi ng isang bagay mula rito na talagang makabuluhan para sa kanya. Sabihin sa klase na ilagay ang kanilang view sa tagapagsalita upang makita nila kung sino ang nagsasalita. Makatutulong ito para makita nila ang drowing na ibinabahagi.
Lucas 17:11–19
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na makadama at makapagpahayag ng pasasalamat sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, at sa iba pa.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok na handang magbahagi ng isang karanasan nila kamakailan kung saan nakadama sila ng pasasalamat sa Ama sa Langit o kay Jesucristo. Bilang alternatibo, maaaring gumawa ang mga estudyante ng listahan na naglalarawan ng ginawa ng Ama sa Langit at ni Jesucristo para sa kanila.
-
Handout: Ang handout sa pagbabasa nang mabuti at pagsasalarawan
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Pagkatapos basahing mabuti ng mga estudyante ang Lucas 17:11–14 , maaaring makatulong na i-post sa chat feature ang mga tanong sa handout tungkol sa pagbabasa nang mabuti at pagsasalarawan. Kung susubukan ng mga estudyante na sagutin ang mga tanong na ito sa maliliit na grupo gamit ang breakout room feature, sabihin sa kanila na kopyahin at i-paste ang mga tanong sa ibang dokumento. Sa maraming videoconference app, walang access ang mga estudyante sa chat feature para sa klase habang nasa mga breakout room sila.
Juan 11:1–46, Bahagi 1
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na matukoy ang mga katotohanan tungkol kay Jesucristo, at ang mga alituntunin na maaaring gumabay sa kanila sa mga hamon ng buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang Juan 11 at alamin ang mga alituntunin na makatutulong sa kanila na matanggap ang tulong ng Tagapagligtas sa kanilang mga pagsubok. Maaari nila itong gawin nang mag-isa o nang kasama ang kanilang pamilya. Hikayatin silang pumasok na handang ibahagi ang natutuhan nila.
-
 
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari kang mag-anyaya ng isa o dalawang estudyante na nakaranas ng malalaking hamon na ibahagi ang tungkol sa mga hamong iyon sa simula ng klase kung naaangkop ito at kung komportable silang gawin ito. Habang sinasaliksik nila ang Juan 11:1–46 sa klase, anyayahan silang magbahagi ng mga alituntunin na sa palagay nila ay makatutulong sa mga ganoong hamon. Bilang alternatibo, maaaring anyayahan ng ilang estudyante ang kanilang mga kaibigan o kapamilya na samahan sila sa video upang magbahagi ng mga hamong naranasan nila.
Juan 11:1–46, Bahagi 2
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng pagkakataong magturo ng alituntunin na makatutulong sa kanila at sa iba na matanggap ang tulong ng Tagapagligtas sa mga hamon ng buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang natutuhan nila mula sa salaysay tungkol kina Maria, Marta, Lazaro, at sa Tagapagligtas sa Juan 11:1–46 . Ipaalam sa kanila na magkakaroon sila ng pagkakataong magturo tungkol sa isang alituntunin na natutuhan nila mula sa salaysay na ito. Anyayahan silang pumasok nang may nakahandang mga ideya kung paano nila epektibong maituturo ang alituntuning iyon.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong ilagay ang mga estudyante sa mga breakout room batay sa alituntuning gusto nilang ituro. Maaaring maghanda ng maikling lesson ang mga estudyante, at pagkatapos ay maaaring ituro ng mga grupo ang kanilang lesson sa klase.
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 7
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makapagbibigay sa mga estudyante ng mga pagkakataon na magsanay na maipamuhay ang ilan sa mga doktrinang napag-aralan nila ngayong taon.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isang doctrinal mastery passage na sa palagay nila ay mahirap ipamuhay at ng isa na sa palagay nila ay madaling ipamuhay. Anyayahan sila na maghandang ipaliwanag kung bakit ito ang pinili nila.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaaring ipagpalagay ng mga estudyante na sila ay mga online missionary at isadula ang pagtuturo sa isang pamilya (na kinakatawan ng titser o ng iba pang inanyayahan na makibahagi sa aktibidad na ito). Gamitin ang video feature at chat feature na parang isa itong aktuwal na online missionary appointment.