Training para sa Kurikulum
Gabay para sa Pag-unlad ng Titser


“Gabay para sa Pag-unlad ng Titser,” Training para sa Kurikulum ng Seminary (2025)

Larawan
mga babaeng nagkakamayan

Apendiks

Gabay para sa Pag-unlad ng Titser

Ang gabay sa pag-unlad na ito ay nagbibigay ng mga mungkahi para sa mga coordinator at program administrator na matulungan ang mga titser sa seminary na makumpleto ang Training para sa Kurikulum ng Seminary at maghanda para sa karagdagang pag-unlad. Layunin nitong tulungan ang mga titser na matuto nang paunti-unti, na makatutulong sa kanila na huwag mag-alala.

Isiping gumawa ng plano para matulungan ang mga bagong titiser na makumpleto ang mga training at matulungan ang iba pang mga titser kung kinakailangan. Maaaring gawin ito sa mas malakihang buwanang inservice meeting o iakma sa mga pangangailangan ng bawat titser. Habang isinasaalang-alang mo ang pagkakasunud-sunod ng mga mungkahing ito, mahalaga na hindi makaramdam ang mga titser na napipilitan sila na mabilis na gawin ang bawat hakbang. Maghanap ng mga paraan para magkaroon ng angkop na pacing upang mapalakas ang kakayahan ng inyong mga titser.

Bago Sila Magsimulang Magturo

  • Anyayahan ang mga titser na basahin at sundin ang mga tagubilin sa “Gabay sa Mabilis na Pagsisimula.”

  • Tulungan sila na malaman kung paano kumuha ng attendance.

Hakbang 1

  • Anyayahan ang mga titser na gamitin ang kurikulum ng seminary sa pamamagitan ng masusing pagsunod sa mga lesson gaya ng nakabalangkas.

  • Mag-iskedyul ng oras para talakayin ang anumang tanong nila tungkol sa kurikulum at kumustahin sila.

Hakbang 2

  • Anyayahan sila na kumpletuhin ang “Training para sa Mga Lesson sa Paghahanda sa Buhay.”

  • Mag-iskedyul ng oras para talakayin ang anumang tanong na maaaring mayroon sila tungkol sa kung paano ituro ang mga lesson sa Paghahanda sa Buhay.

Hakbang 3

  • Sabihin sa kanila na kumpletuhin ang “Training para sa Doctrinal Mastery.”

  • Mag-iskedyul ng oras para talakayin ang anumang tanong na maaaring mayroon sila tungkol sa kung paano matutulungan ang mga estudyante na magkaroon ng doctrinal mastery.

Hakbang 4

  • Sabihin sa kanila na kumpletuhin ang “Training para sa mga Assessment.”

  • Mag-iskedyul ng oras para talakayin ang anumang tanong na mayroon sila tungkol sa mga lesson sa I-assess ang Iyong Pagkatuto o kung paano matutulungan ang mga estudyante na makatanggap ng course credit para sa assessment.

Hakbang 5

  • Anyayahan silang kumpletuhin ang “Training para sa Paggamit at Pag-akma ng Kurikulum ng Seminary.” Ngayong naipabatid na sa mga titser ang iba’t ibang lesson sa kurikulum at naranasan na nila na gamitin ang mga ito, ang mga titser ay maaaring mas may kakayahan nang iakma nang wasto ang kurikulum.

  • Mag-iskedyul ng oras para matalakay ang anumang tanong na maaaring mayroon sila tungkol sa kung paano gamitin at pagkatapos ay iakma nang wasto ang kurikulum ng seminary.

Hakbang 6

  • Maghanda ng plano para sa karagdagang pag-unlad ng titser habang iyong sinusukat, tinutukoy, sinasanay, at ina-assess ang kanilang mga kakayahan.

Print