Training para sa Kurikulum
Gabay sa Mabilis na Pagsisimula: Paghahanda sa Pagtuturo


“Gabay sa Mabilis na Pagsisimula: Paggamit ng Manwal ng Titser ng Seminary,” Training para sa Kurikulum ng Seminary (2025)

mga babaeng nag-uusap

Gabay sa Mabilis na Pagsisimula

Paghahandang Magturo

Bago Ka Magsimulang Magturo

  1. Pag-aralan ang pambungad ng Manwal ng Titser ng Seminary. Maging pamilyar sa ilan sa mga tool na kasama sa manwal, tulad ng Ang Layunin ng Seminaries and Institutes of Religion (S&I).

  2. Kumuha ng pacing guide mula sa iyong S&I coordinator o program administrator para sa iskedyul ng seminary sa inyong lugar.

  3. Gamitin ang pacing guide na ito para matukoy ang susunod na lesson na ituturo mo.

Buod ng Manwal ng Titser ng Seminary

Ang manwal na ito ay nakaayos sa dalawang pangunahing seksyon:

  1. Mga lesson sa Kurso ng mga Banal na Kasulatan, na tumutugma sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin na materyal sa pag-aaral para sa bawat linggo.

  2. Mga lesson sa Paghahanda sa Buhay, na nilayon upang tulungan ang mga estudyante na maghanda para sa mahihirap na sitwasyong kinakaharap nila ngayon o kakaharapin nila kalaunan.

Ang bawat linggo ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin at bawat kategorya ng Paghahanda sa Buhay ay naglalaman ng isang pahina ng buod. Kasama sa mga pahina ng buod ang:

  1. Mga layunin ng lesson.

  2. Mga ideya sa paghahanda ng estudyante.

  3. Mga materyal mula sa lesson na maaaring may paunang paalala para makapaghanda, tulad ng mga ideya sa object lesson, mga mungkahing handout, larawan, at video.

Pangunahing Agenda para sa Klase sa Seminary

Ang karaniwang klase sa seminary ay maaaring sumunod sa isang agenda na tulad ng sumusunod:

  1. Pag-welcome sa mga estudyante (2–3 minuto)

  2. Debosyonal (8–10 minuto)

    1. Himno

    2. Pambungad na panalangin

    3. Spiritual thought o espirituwal na kaisipan ng isang estudyante mula sa mga banal na kasulatan o mga makabagong propeta

  3. Lesson

  4. Pangwakas na panalangin

Karagdagang Training

Magkakaroon ka ng mga pagkakataon sa hinaharap para sa karagdagang training. Sa ngayon, simulan ang pagkilala sa iyong mga estudyante at pagiging pamilyar mo sa kurikulum.