“Training para sa Paggawa ng Pacing Guide,” Training para sa Kurikulum ng Seminary (2025)
Apendiks
Training para sa Paggawa ng Pacing Guide
Pambungad
Sa seminary, pinag-aaralan ng mga estudyante ang ebanghelyo ni Jesucristo sa pamamagitan ng mga lesson sa Kurso ng mga Banal na Kasulatan at mga lesson sa Paghahanda sa Buhay. Ang sumusunod na chart ay nagtatala ng iba’t ibang kategorya na nauugnay sa mga ganitong uri ng lesson.
Mga kategorya ng lesson sa Kurso ng mga Banal na Kasulatan |
Mga kategorya ng lesson sa Paghahanda sa Buhay |
---|---|
Mga kategorya ng lesson sa Kurso ng mga Banal na Kasulatan
| Mga kategorya ng lesson sa Paghahanda sa Buhay
|
Kapag gumagawa ng pacing guide, maaaring mahirap malaman kung kailan at gaano kadalas mag-iskedyul ng iba’t ibang uri ng lesson na ito sa buong taon. Ang training na ito ay naglalayong magbigay ng gabay sa mga tagapangasiwa ng programa, coordinator, at mga titser sa paggawa ng isang pacing guide na titiyak na naituturo ang mga kategoryang ito ng lesson sa wastong balanse.
Mga Alituntunin na Dapat Sundin Kapag Gumagawa ng Pacing Guide
Ang sumusunod na apat na alituntunin ay maaaring makatulong upang maunawaan at masunod kapag gumagawa ng isang pacing guide.
Alituntunin 1: Sundin ang lingguhang iskedyul ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin kapag nag-iiskedyul ng mga lesson sa Kurso ng mga Banal na Kasulatan
Ang nilalaman sa mga lesson ng Kurso ng mga Banal na Kasulatan ay naglalayong umayon sa pinag-aaralan ng mga estudyante nang mag-isa at nang kasama ang kanilang pamilya sa tahanan. Samakatuwid, dapat ituro ng mga titser ang mga lesson sa Kurso ng mga Banal na Kasulatan na ginaganap sa parehong linggo na naka-iskedyul ang mga ito sa manwal ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin. Kung minsan, maaaring ituro ang mga lesson sa Kurso ng mga Banal na Kasulatan sa seminary kapag hindi ito naaayon sa pacing ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin, ngunit dapat maging bihira ang mga pagkakataoing ito, at dapat iwasan ng mga titser ang pagtuturo ng mga lesson na masyadong atrasado o nauuna sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin.
Alituntunin 2: Mag-iskedyul ng mga angkop na lesson sa Kurso ng mga Banal na Kasulatan at Paghahanda sa Buhay bawat linggo.
Ang mga lesson sa Kurso ng mga Banal na Kasulatan (kabilang na ang mga lesson sa Pagsasanay sa Doctrinal Mastery at I-assess ang Iyong Pagkatuto) at mga lesson sa Paghahanda sa Buhay ay mahalaga sa karanasan sa seminary. Sikaping magbigay ng balanseng pamamaraan sa pag-iskedyul mo ng mga lesson na ito bawat linggo. Halimbawa, karaniwan sa mga programang nagkaklase nang limang beses bawat linggo, madalas na itinuturo ang tatlong lesson sa Kurso ng mga Banal na Kasulatan at dalawang lesson sa Paghahanda sa Buhay.
Maaaring may ilang linggo kung saan angkop na ayusin ang iminumungkahing balanseng ito. Halimbawa, sa kurso ng Aklat ni Mormon, maaaring maglaan ang mga titser ng mas maraming oras nila sa mga lesson sa Kurso ng mga Banal na Kasulatan sa linggong nagtuturo sila tungkol sa pagpapakita ng Tagapagligtas na nakatala sa 3 Nephi. Maaaring may iba pang mga linggo kung saan maaaring maglaan ng mas maraming oras ang mga titser sa mga lesson sa Paghahanda sa Buhay. Upang matulungan ang mga titser at mga program administrator na gumawa ng mga desisyong ito, kung minsan ang kurikulum ay naglalaman ng dalawa o apat na lesson sa Kurso ng mga Banal na Kasulatan sa loob ng isang linggo sa halip na ang karaniwang tatlo. Ang mga linggong tulad nito ay makatutulong sa iyo na malaman kung kailan maaaring bigyang-diin ang mga lesson sa Kurso ng mga Banal na Kasulatan o Paghahanda sa Buhay. Kapag wala pang tatlong lesson sa Kurso ng mga Banal na Kasulatan, maaari mong isama ang iba pang mga lesson sa Paghahanda sa Buhay sa linggong iyon. Kung mayroong mahigit sa tatlong mga lesson sa Kurso ng mga Banal na Kasulatan, maaari kang maglaan ng mas kaunting oras sa linggong iyon sa mga lesson sa Paghahanda sa Buhay.
Gayunpaman, gawin ang lahat ng iyong makakaya upang ituro ang bawat isa sa mga lesson sa Paghahanda sa Buhay sa buong taon ng pag-aaral. Ang mga lesson sa Paghahanda sa Buhay ay matatagpuan pagkatapos ng mga lesson sa Kurso ng mga Banal na Kasulatan sa manwal.
Ang sumusunod na mga patnubay ay makatutulong sa iyong gumawa ng mga desisyon kung kailan maaaring mag-iskedyul ng iba’t ibang kategorya ng mga lesson sa Paghahanda sa Buhay.
-
Mag-iskedyul ng isang katulad na bilang ng mga lesson sa Paghahanda sa Buhay para sa bawat kalahati ng kurso. Makatutulong ito sa mga titser na magkaroon ng balanse sa pagitan ng mga lesson sa Kurso ng mga Banal na Kasulatan at Paghahanda sa Buhay sa buong taon.
-
Tiyakin na ang mga titser na iyong pinangangasiwaan ay nagtuturo ng parehong mga lesson sa Paghahanda sa Buhay sa parehong kalahati ng kurso. Makatutulong ito na maiwasan ang pagdodoble ng mga lesson sa Paghahanda sa Buhay na matatanggap ng mga estudyante kung magpapalit ng mga titser matapos makumpleto ang isang kalahati ng kurso.
-
Sundin ang mga tagubilin na ibinigay ng mga lokal na area, rehiyon, o programa. Ang mga lokal na area, rehiyon, o programa ay maaaring magbigay ng patnubay kung kailan ituturo ang ilan o lahat ng mga lesson sa Paghahanda sa Buhay.
-
Sumangguni sa mga mungkahi sa pacing na nasa mga bahaging Buod para sa bawat kategorya ng Paghahanda sa Buhay. Ang bawat kategorya ng mga lesson sa Paghahanda sa Buhay ay may kasamang mga mungkahi sa pacing sa bahaging “Buod” nito. Ang mga mungkahing ito ay makatutulong sa iyo na gumawa ng mga desisyon tungkol sa kung kailan maaaring pinakamainam ituro ang ilan sa mga lesson sa Paghahanda sa Buhay. Halimbawa, sa buod ng “Paghahanda para sa Edukasyon at Trabaho”, ang mungkahi ay ituro ang lesson na pinamagatang “Ang Kahalagahan ng Edukasyon” sa pagsisimula ng taon ng klase. Ang mga bahaging “Buod” ay maaari ding magbigay ng patnubay tungkol sa ilang lesson sa Paghahanda sa Buhay na mas epektibo kapag itinuturo nang magkakasunod o magkakalapit.
-
Tukuyin ang mga oras sa buong taon kung saan ang mga estudyante ay maaaring makinabang nang husto sa ilang lesson sa Paghahanda sa Buhay. Maaaring may mga pagkakataon sa loob ng buong taon na mas mainam na ituro ang ilang mga lesson sa Paghahanda sa Buhay. Halimbawa, maaaring mas mainam na ituro ang mga lesson sa Paghahanda ng Missionary sa pagtatapos ng taon ng klase kung may mga estudyante sa seminary class na malapit nang umalis para magmisyon. O ang ilan sa mga lesson sa Pisikal at Emosyonal na Kalusugan ay maaaring ituro sa isang bahagi ng taon kung saan ang mga estudyante ay maaaring nakadarama ng mas mataas na antas ng stress.
-
Tukuyin ang mga lesson sa Kurso ng mga Banal na Kasulatan na may kaugnayan sa isa sa mga kategorya ng mga lesson sa Paghahanda sa Buhay. Ang mga lesson sa Kurso ng mga Banal na Kasulatan ay kadalasang naglalaman ng mga materyal na maaaring pagkunan ng mga lesson sa Paghahanda sa Buhay. Halimbawa, maaari kang mag-iskedyul ng mga lesson sa Paghahanda para sa Templo malapit sa mga scripture block na nakatuon sa templo, tulad ng Doktrina at mga Tipan 95; 109–10; 124; 127–28; Exodo 35–40; o 1 Mga Hari 6–9.
Alituntunin 3: Dapat magkaroon ng palagiang pagkakataon ang mga estudyante na magnilay, magbahagi, at magpakita ng kanilang natututuhan.
Ang manwal ay naglalaman ng mga lesson sa I-assess ang Iyong Pagkatuto at mga lesson sa Pagsasanay sa Doctrinal Mastery na makikita paminsan-minsan sa kabuuan ng mga lesson sa Kurso ng mga Banal na Kasulatan. Ang mga ito ay mahalagang bahagi ng karanasan ng mga estudyante sa seminary. Ang mga lesson sa I-assess ang Iyong Pagkatuto ay nagbibigay sa mga estudyante ng mga pagkakataong ipaliwanag ang mahalagang doktrina at pagnilayan kung paano sila lumalago sa espirituwal. Ang pakikilahok sa mga lesson na ito ay kinakailangan din para tumanggap ng seminary credit ang mga estudyante. Ang mga lesson para sa Pagsasanay sa Doctrinal Mastery ay nagbibigay ng mga pagkakataon para sa mga estudyante na pagsikapang makamit ang mga resulta ng doctrinal mastery.
Sa paggawa mo ng iyong pacing guide, huwag laktawan ang mga lesson sa I-assess ang Iyong Pagkatuto o Pagsasanay sa Doctrinal Mastery na naka-iskedyul kapag may mga klase pa sa seminary. Gayunpaman, hindi mo kailangang ilipat ang mga lesson na I-assess ang Iyong Pagkatuto o Pagsasanay sa Doctrinal Mastery na nataon sa mga araw na walang pasok sa paaralan ang mga estudyante, tulad ng bakasyon sa tag-init o taglamig.
Alituntunin 4: Mag-iskedyul ng mga lesson sa Kurso ng mga Banal na Kasulatan na kalaunan ay iyong ia-assess.
Sa ilang linggo, maaaring mas marami pang lesson sa Kurso ng mga Banal na Kasulatan na maituturo kaysa sa mga araw na magagawang ituro ang mga ito. Samakatuwid, ang mga desisyon ay madalas na kailangang gawin tungkol sa kung aling mga lesson sa Kurso ng mga Banal na Kasulatan ang dapat magawan ng iskedyul. Kapag gumagawa ng mga desisyong ito, unahin ang mga lesson sa Kurso ng mga Banal na Kasulatan na (1) may kaugnayan sa tatalakayin sa mga lesson sa I-assess ang Iyong Pagkatuto at (2) naglalaman ng mga doctrinal mastery passage. Sa paggawa nito mas malamang na maiskedyul ang pinaka-nauugnay at makabuluhan sa doktrina na mga lesson sa Kurso ng mga Banal na Kasulatan.
Makatutulong na malaman mo ang sumusunod kung paano tukuyin ang mga lesson sa Kurso ng mga Banal na Kasulatan na may kaugnayan sa mga lesson sa I-assess ang Iyong Pagkatuto at Pagsasanay sa Doctrinal Mastery:
-
Pagtukoy sa mga lesson sa Kurso ng mga Banal na Kasulatan na may kaugnayan sa mga lesson sa I-assess ang Iyong Pagkatuto. Ang mga aktibidad mula sa iba’t ibang lesson sa Kurso ng mga Banal na Kasulatan ay madalas na tinutukoy sa mga lesson sa I-assess ang Iyong Pagkatuto. Ang pagbabasa ng mga lesson sa I-assess ang Iyong Pagkatuto na naiskedyul mo ay makatutulong para malaman mo ang mga lesson sa Kurso ng mga Banal na Kasulatan na maaari mong unahin sa iyong pacing guide.
-
Pagtukoy sa mga lesson sa Kurso ng mga Banal na Kasulatan na may mga doctrinal mastery passage. Ang bawat taon ng kurikulum ng seminary ay naglalaman ng 24 na doctrinal mastery passage. Matatagpuan ang listahan ng mga passage sa Doctrinal Mastery Core Document (2023). Kung may pasok sa paaralan sa panahong may dapat iturong mga lesson sa Kurso ng mga Banal na Kasulatan na naglalaman ng doctrinal mastery passage, dapat ituro ang mga lesson na iyon. Gayunpaman, hindi kinakailangang magturo ng mga lesson sa Kurso ng mga Banal na Kasulatan na may mga doctrinal mastery passage kapag ang mga lesson na iyon ay nataon sa mga araw na walang pasok sa paaralan ang mga estudyante, tulad ng bakasyon sa tag-init o taglamig.
Halimbawa ng Sunud-sunod na Hakbang sa Paggawa ng Pacing Guide
May magagamit kang iba’t ibang paraan sa paggawa ng pacing guide gamit ang mga alituntunin na nakalista sa itaas. Halimbawa, maaari mong kumpletuhin ang iyong pacing guide sa pagkakasunud-sunod na ito:
-
Mag-iskedyul ng mga lesson sa Kurso ng mga Banal na Kasulatan, kabilang ang:
-
I-assess ang Iyong Pagkatuto.
-
Mga lesson sa Pagsasanay sa Doctrinal Mastery.
-
Mga lesson sa Kurso ng mga Banal na Kasulatan na naghahanda sa mga estudyante para sa alinman sa mga lesson na nakalista sa itaas.
-
-
Mag-iskedyul ng mga lesson sa Paghahanda sa Buhay.
-
Gumawa ng mga pagbabago kung kinakailangan.