Alamin Kung Paano Gamitin ang Teknolohiya nang Ligtas
Sa tuwing gumagamit ako ng teknolohiya, pumipili ako.
Mag-like. Mag-follow. Mag-subscribe. Mag-swipe.
Sa tuwing gumagamit ako ng teknolohiya, pumipili ako. Magagamit ko ito para tulungan akong umunlad, matuto ng mga bagong kasanayan, at makipag-ugnayan sa ibang tao – o magkaroon ako ng masasamang gawi.
Iyon ang dahilan kung bakit ibinabahagi ko kung ano ang tumutulong sa akin na responsableng magamit ang teknolohiya: Layunin, Plano, at Huminto. Ang pag-alala sa tatlong salitang ito ay tumutulong sa akin na magkaroon ng ligtas at sumusuportang pakikipag-ugnayan. Ibinabahagi ko ang mga ito dahil alam kong makakatulong din ito sa inyo.
Alalahanin:
-
May layunin ang teknolohiya.
-
May plano ako sa paggamit ng teknolohiya.
-
Pwede akong huminto at magpahinga.