Mga Kabataan
Plano


Plano

Hand holding a smartphone

Kapag nagpaplano ako nang maaga, gumaganda ang pakiramdam ko at nakakapili ako nang mas mabuti.

Hilig ko ang maggitara, at medyo magaling ako rito. Tuwing may paparating akong pagtatanghal, alam ko na kailangan kong magpraktis at magplano nang maaga. Ganoon din sa teknolohiya: kapag nagpaplano ako nang maaga, gumaganda ang pakiramdam ko at nakakapili ako nang mas mabuti.

Nakaisip ako ng ilang simpleng patakaran na tumutulong sa akin na manatili sa aking plano:

  • Binibigyan ko ang sarili ko ng araw-araw na limitasyon sa screen time.

  • Ginagawa kong “i-follow” at nakikipag-ugnayan lamang sa malalapit na kapamilya at kaibigan.

  • May mga lugar sa tahanan na hindi maaaring gumamit ng gadget, tulad ng aking kwarto at banyo.

  • Nag-set up ako ng lugar kung saan maaaring mag-charge ang pamilya kaya’t ang device ng lahat ay nakasaksak at hindi maaabot sa gabi.

  • Gumagamit ako ng mga filter upang harangan ang mga hindi naaangkop o hindi ligtas na mga application at mga content.

Walang malinaw na tama o mali na desisyon para sa bawat pagpipili ko sa teknolohiya. Pero nakakatulong ang pagpaplano nang maaga. At nakakausap ko rin ang mga kaibigan at pamilya ko tungkol sa kanilang mga ideya.

Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Pagpili

Icons