Huminto
OK lang na tumigil ako at magpahinga.
Minsan pakiramdam kong kailangan kong gamitin ang teknolohiya upang makaramdam ng kasiyahan o pagiging konektado sa ibang tao. O kaya naman ay nag-ii-scroll ako dahil nalulungkot ako o nababagot. Minsan ay nakakatagpo ako ng mga bagay na marahas, nakakatakot, o sekswal, at hindi ako sigurado kung paano tutugon.
Natutuhan kong OK lang na tumigil ako at magpahinga. Gagabayan at babalaan ako ng Espiritu, at tutulungan ako nitong isipin ang aking pagkilos at nadarama. Pagkatapos ay maaari akong magpasya kung gusto kong pumili ng ibang bagay.
Nakatulong sa akin ang:
-
Tukuyin ito: Kapag nakakita ako ng content na hindi naaangkop o nagpaparamdam sa akin ng sama ng loob, pag-iisa, o pagkabalisa, maaari kong sabihing, “Hindi ito tama.”
-
Piliin ang mas mainam na pagpili: Maaari kong patayin ang device o i-silent ang mga notification. Maaari akong lumabas o lumipat sa ibang silid, na walang bitbit na device.
-
Makipag-usap sa isang tao: Maaari akong makipag-usap sa isang kaibigan o kapamilya tungkol sa aking nadarama. Minsan kailangan kong kumonekta sa isang tao nang harapan, hindi sa pamamagitan ng isang screen.
Layunin. Plano. Huminto. Malaki ang kaibahang magagawa ng tatlong simpleng salita.
Ano ang plano mo sa paggamit ng teknolohiya? Maaari mong gamitin ang pahinang ito upang gumawa ng mga tala o magsulat ng ilang mga paalala.