Mga Tulong sa Pag-aaral
PJS, Lucas 16


PJS, Lucas 16:16–23 (ihambing sa Lucas 16:16–18)

(Naglaan si Jesus ng kaugnay na kahulugan sa talinghaga ng mayamang tao at si Lazaro.)

16 At kanilang sinabi sa kanya, Mayroon kaming batas, at mga propeta; subalit hinggil sa taong ito hindi namin siya tatanggaping maging aming pinuno; sapagkat ginagawa niya ang kanyang sarili na maging hukom sa amin.

17 Sa gayon sinabi ni Jesus sa kanila, Ang batas at ang mga propeta ay nagpatotoo sa akin; oo, at lahat ng propeta na sumulat, maging hanggang kay Juan, ay naghayag ng hinggil sa mga araw na ito.

18 Mula noon, ang kaharian ng Diyos ay ipinangaral, at ang bawat tao na humahanap ng katotohanan ay nagpipilit pumasok dito.

19 At lubhang magaan pa sa langit at sa lupa ang maglaho, kaysa ang isang kudlit ng batas ay mahulog.

20 At bakit ninyo itinuturo ang batas, at tinatanggihan ang mga yaong nakasulat; at tinutuligsa siya na isinugo ng Ama na tuparin ang batas, nang kayong lahat ay matubos?

21 O mga hangal! sapagkat inyong sinabi sa inyong mga puso, Walang Diyos. At inyong inililigaw ang tamang daan; at ang kaharian ng langit ay nagdaranas ng karahasan dahil sa inyo; at inyong inuusig ang maaamo; at sa inyong karahasan hinahangad ninyong wasakin ang kaharian; at inyong kinukuha ang mga anak ng kaharian nang sapilitan. Sa aba ninyo, kayong mga nakikiapid!

22 At muli nila siyang nilait, nagalit dahil sa sinabing sila ay mga nakikiapid.

23 Subalit siya ay nagpatuloy, sinasabing, Ang sinumang ihihiwalay ang kanyang asawa, at mag-asawa sa iba, ay nagkakasala ng pakikiapid; at ang sinuman na mag-aasawa sa kanya na inihiwalay ng kanyang asawa, ay nagkakasala ng pakikiapid. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ihahalintulad ko kayo sa isang taong mayaman.