Mga Tulong sa Pag-aaral
PJS, Lucas 3


PJS, Lucas 3:4–11 (ihambing sa Lucas 3:4–6)

(Paparito si Cristo upang tuparin ang propesiya, alisin ang mga kasalanan, magdala ng kaligtasan, at maging ilaw, at paparito siya sa araw ng kapangyarihan at sa kaganapan ng panahon.)

4 Gaya ng nasusulat sa aklat ng propetang si Esaias; at ito ang mga salita, sinasabing, Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, at tuwirin ninyo ang kanyang mga landas.

5 Sapagkat masdan, at narito, paparito siya, gaya ng nasusulat sa aklat ng mga propeta, upang alisin ang kasalanan ng sanlibutan, at magdala ng kaligtasan sa mga bansang di-binyagan, upang sama-samang tipunin ang mga yaong nangawala, na mga kabilang sa kawan ng Israel;

6 Oo, maging ang mga ikinalat at binagabag; at gayon din upang ihanda ang daan, at maisagawa ang pangangaral ng ebanghelyo sa mga Gentil;

7 At maging isang ilaw sa lahat ng yaong nakaupo sa kadiliman, hanggang sa kadulu-duluhang bahagi ng mundo; upang maisakatuparan ang pagkabuhay na mag-uli mula sa mga patay; at umakyat sa itaas, upang manahan sa kanang kamay ng Ama,

8 Hanggang sa kaganapan ng panahon, at ang batas at ang patotoo ay tatatakan, at ang mga susi ng kaharian ay muling maibigay sa Ama;

9 Upang maggawad ng katarungan sa lahat; upang bumaba sa kahatulan ng lahat, at ipakita sa lahat ng makasalanan ang kanilang mga makasalanang gawa, na kanilang ginawa; at ang lahat ng ito ay sa araw na siya ay paparito;

10 Sapagkat ito ay araw ng kapangyarihan; oo, lahat ng libis ay tatambakan, at pababain ang bawat bundok at burol; ang liko ay matutuwid, at ang mga daang baku-bako ay mapapatag;

11 At makikita ng lahat ng laman ang pagliligtas ng Diyos.