2020
Ang Hindi Napapansin na mga Pagpapala ng Ikapu
Disyembre 2020


Digital Lamang

Ang Hindi Napapansin na mga Pagpapala ng Ikapu

Ang mga pagpapalang natatanggap ko mula sa pagbabayad ng ikapu ay hindi tulad ng manna na bumabagsak mula sa langit, pero tiyak ko na dumarating ang mga pagpapala.

Pakiramdam ko sa tuwing may maririnig akong mga patotoo tungkol sa pagbabayad ng ikapu, lagi itong may kasamang mahimala at nakayayanig na mga karanasan.

Nagpapasalamat ako sa mga patotoong ito, pero hindi pa ako nagkaroon ng ganitong karanasan noon.

Ngunit gayon pa man, hindi ko pa naranasan na hinampas ng Espiritu ang ulo ko, hindi pa—ito ay palaging mas banayad.

Noon pa man ay nagbabayad na ako ng ikapu. Hindi ko talaga naisip kailanman na hindi magbayad nito, una dahil inaasahan ito ng aking mga magulang, at noong nasa kolehiyo na ako dama kong dapat kong gawin ito. At nang mag-asawa na ako at magkaanak, nagpatuloy ako dahil nananampalataya ako kay Jesucristo at may matibay na patotoo sa mga pagpapalang maaaring dumating dahil sa pagbabayad ng buong ikapu.

Kapag nagbabayad ako ng ikapu, nagiging maayos ang mga bagay. Lagi kaming may sapat na pagkain. Kalaunan ay nagiging mas mura ang mga bagay kaysa inakala ko, o nakakahanap ako ng may mga diskuwento o kupon. Sabihin nang, kailangan kong magtrabaho para rito—kailangan ng pagsisikap at pananampalataya. Nag-iipon kami at matipid kami at nagbabadyet. Ngunit pagkatapos ng lahat, sa pagtatapos ng maghapon, alam ko palagi na magiging maayos ang lahat dahil nagbayad ako ng ikapu at ginawa ko ang lahat ng makakaya ko at ipinauubaya na sa mga kamay ng Diyos ang iba pa.

Habang ginugunita ko ang mga karanasan ko at bakit gayon kalakas ang aking patotoo sa ikapu, may naisip akong isang bagay na nakakatuwa. Kahit paano para sa akin, ang mga pagpapala ng ikapu ay hindi katulad ng manna mula sa langit. Hindi ako basta nakakakuha lang ng mga tseke sa koreo o ng mga pagkaing bigay ng isang taong nabigyang-inspirasyon na magdala sa akin ng isang bagay. Ito ay parang tulad noong pinakain ni Jesus ang 5,000 tao (tingnan sa Mateo 14:14–21). Inialok ng isang binatilyo ang lahat ng pagkain niya. Nagpasalamat ang Tagapagligtas sa Diyos at pinakain ang lahat, sa pamamagitan lamang ng limang tinapay at dalawang isda. At himalang nabusog ang lahat, at may natira pang pagkain.

May ilang linggo na hindi ko tiyak kung ano ang kakainin ko dahil kailangan kong pakainin ang pamilya ko. Ngunit kahit paano ay palaging may sapat. Hindi basta lamang lumilitaw ang pagkain. Ngunit nasisiyahan ako sa kaunting pagkain at gayundin ang asawa ko. Hindi ako nakakatanggap ng sobrang pera, pero nagagawa kong pagkasyahin kung ano ang mayroon kami.

Kamangha-mangha na ang Ama sa Langit ay kumikilos sa amin at sa aming kailangan. Lahat ay magkakaiba. Magkakaiba ang mga pangangailangan ng bawat isa. Kaya’t magkakaiba ang ating mga pagpapala. Kagila-gilalas na alam Niya ang ating mga pangangailangan, kapwa pisikal at espirituwal. Pinagpala ako sa pagbabayad ng aking ikapu. Nais kong malaman ninyo iyan.