2023
115 Mga Pangalan at Titulo ni Jesucristo
Disyembre 2023


Digital Lamang

115 Mga Pangalan at Titulo ni Jesucristo

Ang awtor ay naninirahan sa Utah, USA.

Ang paghahanap at pag-aaral ng mga pangalan ni Jesucristo ay tutulong sa atin na mas mapalapit sa Kanya at mapansin ang mga paraan na maaari Niyang pagpalain ang ating buhay.

Jesucristo

Nananawagan sa atin ang mang-aawit na “iukol ninyo sa Panginoon ang kaluwalhatian na nararapat sa kanyang pangalan” (Mga Awit 29:2).

Inanyayahan na rin tayo ni Pangulong Russell M. Nelson na “pag-aralan ang lahat ng tungkol kay Jesucristo sa mapanalangin at masigasig na paghahangad na maunawaan kung ano ang personal na kahulugan sa inyo ng bawat isa sa Kanyang iba’t ibang titulo at pangalan. Halimbawa, Siya ang inyong tunay na Tagapamagitan sa Ama.”1 Sa personal na karanasan, mapapatotohanan ko na lalago ang ating kaugnayan kay Jesucristo kapag natuklasan natin ang Kanyang mga pangalan at mapanalanging pinag-aralan ang kahulugan sa atin ng mga pangalan at titulong iyon.

Ang isang paraan para mas maunawaan natin ang maraming papel ni Jesucristo ay sa pamamagitan ng pagtukoy sa maraming pangalan at titulong hawak Niya, tulad ng nakalista sa mga banal na kasulatan. Bawat pangalan at titulo ay nagsasaad ng Kanyang kamahalan, kakayahan, kapangyarihan, at pamamahala. Ang Kanyang mga pangalan ay nagpapakita rin ng Kanyang pagmamahal, awa, at biyaya. Si Jesucristo ang pinagmumulan ng ating lakas, proteksyon, buhay, at kapanatagan.

Sinabi ni Elder Jonathan S. Schmitt ng Pitumpu na pagpapala sa atin ang malaman ang mga pangalan at titulo ni Cristo: “Ang pag-alam sa maraming pangalan Niya ay naghihikayat din sa atin na maging mas katulad Niya—na taglayin ang mga katangiang katulad ng kay Cristo na naghahatid ng kagalakan at layunin sa ating mga buhay.”2

Ang pagsisikap kong hanapin ang mga pangalan ni Jesucristo ay nagpalakas sa aking patotoo tungkol sa kapangyarihan ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Agad kong natanto na kung hindi ko aalalahaning hanapin ang marami Niyang mga pangalan at titulo, hindi ko makikita ang mga iyon. Mas nauunawaan ko na ngayon na kapag naghahanap tayo, matatagpuan natin ito. Inihahayag ng Diyos ang mga sagot sa pamamagitan ng mga banal na kasulatan kapag iniintindi natin ang Kanyang salita sa pamamagitan ng pagtatanong nang may pananampalataya.

Maraming mga pangalan at titulong ibinigay kay Jesucristo sa mga banal na kasulatan. Personal kong natuklasan ang mahigit 500 sa mga ito. Habang nagbabasa ako, nakategorya ko ang mga titulo at pangalang iyon ayon sa tagapagsalita, tulad ng sinabi ng isang miyembro ng Panguluhang Diyos, mga anghel, mga disipulo, atbp. Ngunit bawat isa sa atin ay makakahanap ng iba’t ibang paraan ng pag-aaral o pagtatala ng mga pangalang ito na magbibigay-inspirasyon sa atin at tutulungan tayong isaayos ang ating natututuhan. Bagama’t mga pangalan pa lang na matatagpuan sa mga banal na kasulatan ang nasa listahan ko, maaari ding lumikha ng katulad na listahan ng mga pangalang itinuro ng mga pinuno ng Simbahan sa mga huling araw.

Sa ibaba, ibinabahagi ko ang 115 mga pangalang binanggit ng mga miyembro ng Panguluhang Diyos. Sana’y mabigyang-inspirasyon ng listahang ito ang lawak ng mga titulong matatagpuan sa ating pagbabasa. Maaari ninyong mapansin na lumilitaw ang parehong mga pangalan o titulo nang mahigit isang beses. Sinadya kong gawin ito. Nang magpakita ang nabuhay na mag-uling Panginoon kay Maria sa libingan, sinabi Niya rito, “Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama; sa aking Diyos at inyong Diyos” (Juan 20:17). Ang paggamit ni Jesucristo ng “aking Ama” at “aking Diyos” nang hiwalay sa “inyong Ama” at “inyong Diyos” ay maaaring magpahiwatig ng Kanyang espesyal na kaugnayan sa Kanyang Ama at marahil ng personal at sagradong kaugnayang maaari nating buuin sa ating Ama sa Langit. Dahil dito, napili kong ilista ang mga titulong tulad ng “ang Panginoon ninyong Diyos” at “aking Manunubos” nang hiwalay sa “Panginoong Diyos” at “Manunubos.”

Sa artikulong ito, maaari ko sanang ilista ang 500 mga pangalang natagpuan ko, pero sa halip ay inaanyayahan ko kayo na sundin ninyo mismo ang panghihikayat ni Pangulong Nelson na hanapin at pag-aralan ang mga titulo at pangalan ni Jesucristo.

  1. “Tagapamagitan sa Ama” (Doktrina at mga Tipan 32:3)

  2. “Makapangyarihan sa lahat” (Moises 1:25; Apocalipsis 1:8)

  3. “Diyos na Makapangyarihan sa lahat” (Moises 2:1; Genesis 17:1)

  4. “Amen” (Apocalipsis 3:14)

  5. “Alpha at Omega” (Apocalipsis 1:8; Doktrina at mga Tipan 19:1)

  6. “Simula at ang Wakas” (Doktrina at mga Tipan 19:1; Moises 2:1)

  7. “[Simula] at ang [katapusan]” (Apocalipsis 1:8)

  8. “Pasimula ng paglalang ng Diyos” (Apocalipsis 3:14)

  9. “Sanga” (Zacarias 3:8)

  10. “Tinapay ng buhay” (Juan 6:35)

  11. “Lalaking ikakasal” (Marcos 2:19)

  12. “Maningning na tala sa umaga” (Apocalipsis 22:16)

  13. “Si Cristo ang Panginoon” (Doktrina at mga Tipan 19:1)

  14. “Walang Wakas at Walang Hanggan” (Moises 7:35)

  15. “Saksing tapat at totoo” (Apocalipsis 3:14)

  16. “Ama ng mga liwanag” (Doktrina at mga Tipan 67:9)

  17. “Ama sa Israel” (Jeremias 31:9)

  18. “Una at [ang] huli” (Apocalipsis 2:8)

  19. “Panganay” (Doktrina at mga Tipan 78:21)

  20. “Bukal ng mga tubig na buhay” (Jeremias 2:13)

  21. “Diyos” (Moises 7:35)

  22. “Diyos ni Abraham” (Exodo 3:6)

  23. “Diyos nina Abraham, Isaac, at Jacob” (Exodo 3:16)

  24. “Diyos ng lahat ng laman” (Jeremias 32:27)

  25. “Diyos ng Bethel” (Genesis 31:13)

  26. “Diyos ni David na iyong ama” (Isaias 38:5)

  27. “Diyos ng Israel” (Isaias 29:23; 3 Nephi 11:14 )

  28. “Diyos ni Isaac” (Exodo 3:6)

  29. “Diyos ni Jacob” (Exodo 3:6)

  30. “Diyos ng buong sangkatauhan” (3 Nephi 11:14)

  31. “Diyos ng iyong ama” (Exodo 3:6)

  32. “Mabuting pastol” (Juan 10:11; Doktrina at mga Tipan 50:44)

  33. “Dakilang ako nga” (Doktrina at mga Tipan 29:1; 38:1)

  34. “Dakilang Hari” (Malakias 1:14)

  35. “Tagapagmana” (Lucas 20:14)

  36. “[Siya] na nananahanan sa kaitaasan” (Doktrina at mga Tipan 1:1)

  37. “Kanyang Bugtong na Anak” (Moises 6:57)

  38. “Kanyang tanging Anak” (Juan 3:16)

  39. “Banal ng Israel” (Isaias 48:17)

  40. “Banal ni Jacob” (Isaias 29:23)

  41. “Ako nga” (Exodo 3:14)

  42. “Jehova” (Exodo 6:3)

  43. “Jesucristo” (Moises 6:57; Juan 17:3)

  44. “Jesucristo, ang Anak ng Diyos” (Doktrina at mga Tipan 36:8)

  45. “Jesucristo, ang Anak ng buhay na Diyos” (Doktrina at mga Tipan 42:1)

  46. “Jesucristo na iyong Manunubos” (Doktrina at mga Tipan 34:1)

  47. “Jesus na taga Nazaret” (Mga Gawa 22:8)

  48. “Hari ng buong mundo” (Alma 5:50)

  49. “Hari ng langit” (Alma 5:50)

  50. “Hari ng Sion” (Moises 7:53)

  51. “Kabuhayan” (Juan 11:25)

  52. “Buhay at ilaw ng sanlibutan” (Doktrina at mga Tipan 10:70)

  53. “Ilaw sa sanlibutan” (Juan 12:46)

  54. “Ilaw at ang buhay ng sanlibutan” (3 Nephi 11:11; Doktrina at mga Tipan 39:2)

  55. “Ilaw ng sanlibutan” (Juan 8:12)

  56. “Ilaw sa kanila magpakailanman” (2 Nephi 10:14)

  57. “Ilaw na hindi maikukubli sa kadiliman” (Doktrina at mga Tipan 14:9)

  58. “Ilaw na nagliliwanag sa kadiliman” (Doktrina at mga Tipan 10:58)

  59. “Ilaw na inyong itataas” (3 Nephi 18:24)

  60. “Panginoon” (Ezekiel 24:27; Doktrina at mga Tipan 53:2)

  61. “Panginoon ng Sabbath” (Mateo 12:8)

  62. “[Panginoong] Diyos ni Abraham na iyong ama” (Genesis 28:13)

  63. “[Panginoong] Diyos ng mga Hebreo” (Exodo 3:18)

  64. “[Panginoong] Diyos ng kanilang mga ninuno” (Exodo 4:5)

  65. “[Panginoong] Diyos ng inyong mga ninuno” (Exodo 3:15)

  66. “Panginoon ng langit at lupa” (Mateo 11:25)

  67. “Panginoon ng mga Hukbo” (Helaman 13:17)

  68. “Panginoon ng pag-aani” (Lucas 10:2)

  69. “Panginoon ng Sabaoth” (Doktrina at mga Tipan 98:2)

  70. “Panginoon ng ubasan” (Lucas 20:15)

  71. “Panginoon naming Diyos” (Exodo 3:18)

  72. “Panginoon na gumawa” (Jeremias 33:2)

  73. “Panginoon mong Diyos” (Isaias 43:3; Lucas 4:8; 2 Nephi 8:15)

  74. “Panginoon ninyong Diyos” (Exodo 6:7; Doktrina at mga Tipan 38:1)

  75. “Taong Tagapayo” (Moises 7:35)

  76. “Taong Banal” (Moises 7:35)

  77. “Guro at Panginoon” (Juan 13:13)

  78. “Sugo ng tipan” (3 Nephi 24:1)

  79. “Mesiyas” (2 Nephi 25:19; Moises 7:53)

  80. “Aking Bugtong na Anak” (Moises 2:1)

  81. “Makapangyarihan ng Israel” (Doktrina at mga Tipan 36:1)

  82. “Minamahal kong anak” (Lucas 20:13)

  83. “Aking Sinisinta” (2 Nephi 31:15)

  84. “Tanging Anak ng Diyos” (Juan 3:18)

  85. “Ating dakila at tunay na Diyos” (Helaman 13:18)

  86. “Manunubos ng sanlibutan” (Doktrina at mga Tipan 19:1)

  87. “Pagkabuhay [na mag-uli]” (Juan 11:25)

  88. “Makatarungang Hukom” (Moises 6:57)

  89. “Bato ng Langit” (Moises 7:53)

  90. “Ugat at ang supling ni David” (Apocalipsis 22:16)

  91. “Tagapagligtas ng sanlibutan” (Doktrina at mga Tipan 42:1)

  92. “Anak na si Ahman” (Doktrina at mga Tipan 78:20)

  93. “Anak ng Diyos” (Alma 5:50; Doktrina at mga Tipan 6:21)

  94. “Anak ng Tao” (Moises 6:57; Mateo 9:6, 12:8)

  95. “Anak ng Kabutihan” (3 Nephi 25:2)

  96. “Anak ng buhay na Diyos” (Doktrina at mga Tipan 14:9; 42:1)

  97. “Anak ng kataas-taasang Diyos” (1 Nephi 11:6)

  98. “Bato” (Lucas 20:17)

  99. “Bato ng Israel” (Doktrina at mga Tipan 50:44)

  100. “Araw ng katuwiran” (Malakias 4:2)

  101. “Ang una” (Isaias 48:12)

  102. “Ang huli” (Isaias 48:12)

  103. “Ang iyong gantimpalang … napakadakila” (Genesis 15:1)

  104. “Inyong Manunubos” (Isaias 48:17)

  105. “Iyong Tagapagligtas” (Isaias 43:3)

  106. “Iyong kalasag” (Genesis 15:1)

  107. “Puno ng ubas” (Juan 15:5)

  108. “Daan, at ang katotohanan, at ang buhay” (Juan 14:6)

  109. “Inyong tagapamagitan sa Ama” (Doktrina at mga Tipan 29:5)

  110. “Inyong Banal” (Isaias 43:15)

  111. “Inyong hari” (Doktrina at mga Tipan 38:21)

  112. “Iyong Panginoon at iyong Diyos” (Doktrina at mga Tipan 10:70)

  113. “[Inyong] Panginoon at Guro” (Juan 13:14)

  114. “Inyong Guro” (Mateo 23:8)

  115. “Inyong Manunubos” (Isaias 43:14; Doktrina at mga Tipan 78:20)