Layunin
Tulungan ang mga bata na madama ang pagmamahal ng Ama sa Langit para sa kanila sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila tungkol sa isa sa kanyang mga nilikha: ang mga bituin.
Mungkahing Aktibidad
Anyayahan ang isang tao na nakaaalam tungkol sa mga bituin na magsalita tungkol sa mga bituin, kung ano sila, kung ano ang iba’t ibang uri ng mga bituin, at kung paano bumubuo ang mga bituin ng mga konstelasyon. Kung maaari, bumisita sa isang planetarium o observatory.
Isaalang-alang na maglaro ng isa o dalawa sa mga sumusunod:
- Bumuo ng isang konstelasyon:
- Pumili ng isang konstelasyon na alam mo. Tulungan ang mga bata na pisikal na bumuo ng pattern ng konstelasyong iyon sa pamamagitan ng pagtuturo sa bawat bata na tumayo sa lugar ng mga bituin.
- Maaaring i-trace ang hugis ng konstelasyon sa sahig gamit ang pisi para makita ng mga bata ang hugis na ginawa nila.
- Mga bulalakaw o meteor:
- Sabihin sa mga bata na kumalat sa maluwang na espasyo.
- Ang mga bata ay magkukunwaring isang bulalakaw o meteor. Magsabi ng isang katangian o paglalarawan ng mga bulalakaw o meteor sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga naglalarawan sa mga bata. Ang mga bata na may katulad na paglalarawan ng mga bulalakaw ay uupo, samantalang ang mga tumugma ang paglalarawan sa mga meteor ay tatakbong paikot sa silid at pagkatapos ay babalik sa kanilang puwesto. Halimbawa, sasabihin ng taya ang:
- “Lahat ng nakasuot ng puti magiging mga bulalakaw.” (Lahat ng bata na nakasuot ng puti ay uupo.)
- “Kung mayroon kayong dalawang kapatid, kayo ay magiging mga meteor.” (Ang mga batang iyon ay tatakbo nang paikot sa silid at babalik sa kanilang puwesto.)
- Patuloy na tumukoy ng iba pang mga paglalarawan hanggang sa ang lahat ng mga bata ay nakaranas minsan o higit pa na maging bulalakaw o meteor.
Mangyaring iangkop ang mga aktibidad kung kinakailangan upang matiyak na ang lahat ay makakalahok, mapapabilang, at makapag-aambag.
Mga Ideya sa Pag-aangkop
- Magdala ng isang simpleng mapa ng mga konstelasyon. Tulungan ang mga bata na pumili ng kanilang paboritong konstelasyon at pagkatapos ay gumawa ng mga ito gamit ang mga bagay na tulad ng pisi at mga bituin na yari sa papel, tracing paper, mga ginupit-gupit na straw, magnet, o iba pang mga materyal sa paggawa ng craft. Anyayahan ang mga bata na hanapin ang kanilang konstelasyon sa kalangitan sa gabing iyon.
- Gawin ang sumusunod na eksperimento para ipakita kung bakit tila kumikislap ang mga bituin.
- Mga kagamitan: isang pirasong metal foil, malaking bubog na mangkok na puno ng tubig, flashlight o iba pang portable na pampaliwanag, bolpen.
- Itupi ang foil sa gitna. Gamit ang bolpen, gumawa ng maraming butas sa foil.
- ihubog ang foil sa labas ng isang hati ng mangkok.
- Patayin ang ilaw. Ilawan ang foil na papunta sa mangkok ng tubig.
- Haluin ng kaunti ang tubig. Ito ay dapat magmukhang tulad ng “mga bituin” (mga butas sa foil) na kumikislap, kahit na hindi talaga gumagalaw ang mga butas. Ang tubig, na kumakatawan sa atmospera ng Mundo o Earth, ay gumagalaw, at iyan ang dahilan kung bakit tila kumikislap ang mga bituin.
- Anyayahan ang mga bata na ibahagi ang natutuhan nila kapag umuwi na sila sa bahay. Maaari nilang anyayahan kalaunan ang kanilang pamilya na ulitin ang aktibidad sa araw na ito.
Talakayan
Hikayatin ang mga bata na magsalita tungkol sa kung paano makakatulong sa kanila at sa iba ang mga natututuhan nila para mas mapalapit sila sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Ang mga talakayan ay maaaring mangyari bago, habang ginagawa, o kapag natapos na ang aktibidad at dapat tumagal nang ilang minuto lamang. Maaari mong itanong ang tulad ng sumusunod:
- Paano nakakatulong sa inyo ang pag-aaral ng mga bituin para malaman pa ang tungkol sa Ama sa Langit?
- Ang Mga Awit 147:4 ay nagsasabi sa atin na alam ng Ama sa Langit ang pangalan ng bawat bituin. Kung ganoon kalaki ang Kanyang pagmamalasakit sa mga bituin, sa palagay ninyo, gaano kalaki ang pagmamalasakit Niya sa inyo na Kanyang mga anak?