Fruits and vegetables
Gospel Living

Pangangalaga sa Ating Katawan

07/07/20 | 1 min basahin

Layunin

Maaari nating alagaan ang mga katawang ibinigay sa atin ng Ama sa Langit sa pamamagitan ng pagkain ng masustansyang pagkain at pagtulog nang sapat.

Mungkahing Aktibidad

Tulungan ang mga bata na maunawaan kung paano naaapektuhan ng pinipili nating pagkain at pagtulog ang ating katawan. Magdala ng mga halimbawa o magpakita ng mga larawan ng isang malago at berdeng halaman, at ng isang lantang halaman. Pag-usapan kung paano nangangailangan ng pagkain ang mga halaman mula sa lupa, tubig, at sikat ng araw para lumago. Kung hindi nila makuha ang mga iyon, malalanta sila. Kailangan natin ng masarap na pagkain, tubig, at pahinga para lumusog din.

Ipaliwanag na ang pagkain ng masustansyang pagkain, pag-inom ng sapat na tubig, at pagtulog nang sapat ay tumutulong lahat sa atin na magkaroon ng lakas na kailangan natin para makapagtrabaho at makapaglaro sa maghapon.

  • Maglaro ng isang game kung saan nakapila ang mga bata sa isang panig ng silid. Kapag may sinabi kang isang bagay na tumutulong sa atin na alagaan ang ating katawan, patakbuhin ang mga bata papunta sa kabilang panig ng silid. Kapag may narinig na isang bagay ang mga bata na hindi makakatulong sa pag-aalaga sa ating katawan, patigilin sila. Sikaping mapatakbo ang lahat ng bata sa kabilang panig ng silid. Halimbawa:
    • Pagpupuyat (tigil)
    • Pagtulog sa oras (takbo)
    • Pag-inom ng soda kapag nauuhaw ka (tigil)
    • Pagkain ng gulay (takbo)

Mangyaring iangkop ang mga aktibidad kung kailangan upang matiyak na lahat ng tao ay makakalahok, makakabilang, at makakapag-ambag.

Mga Ideya sa Pag-aangkop

  • Subukan ang isang bagong masustansyang pagkain. Magdala ng prutas, gulay, o masustansyang meryenda na inaakala mong maaaring hindi pamilyar sa mga bata. Anyayahan silang tikman ang bagong pagkain. Kung maaari, isiping sama-samang gumawa ng isang masustansyang meryenda. Mangyaring maging sensitibo at magplano nang maaga para sa sinumang mga batang may allergy sa pagkain o iba pang mga pagkaing bawal sa kanila.
  • Mag-isip ng masusustansyang pagkain na binanggit sa Word of Wisdom. Isulat ang bawat pagkain sa magkakahiwalay na papel. Gupitin sa gilid ang bawat letra ng bawat salita para bumuo ng isang hugis, tulad ng parisukat, tatsulok, o bilog. Gumamit ng iba’t ibang hugis para sa bawat salita para malinaw na kasama ang mga letra sa iisang salita. Itago ang lahat ng letra sa paligid ng silid. Ipahanap sa mga bata ang mga letra, ayusin ang mga ito ayon sa tugmang mga hugis, at gawing buong salita ang tugmang mga letra. (Kung hindi mapaghihiwalay ang bawat letra sa inyong wika, ulitin ang salita sa tatlong magkakaibang piraso ng papel, gupitin ang bawat salita sa magkakaparehong hugis, pagkatapos ay ipahanap at ipatugma sa mga bata ang mga salitang magkakatulad.) Pag-usapan kung bakit makakabuti sa atin ang mga pagkaing ito. Maaari din ninyong pag-usapan kung paano pa rin makakakain ng matatamis at iba pang di-gaanong masusustansyang pagkain, nang katamtaman.
  • Dekorasyunan ang isang papel, tela, o felt sleeve para ilagay sa paligid ng reusable cup o bote ng tubig ng bawat bata na maaari nilang punuin araw-araw upang matiyak na makakainom sila ng sapat na tubig. Kung maaari, anyayahan ang mga bata na gumawa ng ekstra para ibigay sa isang kaibigan o kapamilya.

Talakayan

Hikayatin ang mga bata na pag-usapan kung paano makakatulong sa kanila at sa iba ang natututuhan nila para mas mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Maaaring idaos ang mga talakayan bago, sa oras, o pagkatapos ng aktibidad at dapat ay tumagal lamang ito nang ilang minuto. Maaari mong itanong ang tulad ng mga sumusunod:

  • Paano nagpapakita ng pasasalamat sa Ama sa Langit ang pag-aalaga natin sa ating katawan?
  • Ano ang ibig sabihin sa inyo ng ang ating katawan ay nilikha sa wangis ng ating mga Magulang sa Langit? Ano ang matututuhan natin sa pagkaalam na tayo ay katulad Nila?

Kumilos

Subukan ang aktibidad na ito sa iyong pamilya, klase, korum, o mga kaibigan.
Mga Komento
0