Service Projects
Gospel Living

Aktibidad: Pangangalaga sa Mundong Nilikha ng Diyos

08/13/20 | 1 min basahin

Layunin

Alamin ang iba’t ibang paraan na mapapangalagaan natin ang mundong nilikha ng Diyos.

Iminumungkahing Aktibidad

Magplano at magsagawa ng isang proyektong pangserbisyo na nauugnay sa pangangalaga ng kapaligiran. Siguruhing makakuha ng pahintulot at tagubilin mula sa mga tamang awtoridad bago magsimula. Maaari ninyong gawin ang mga sumusunod na ideya:

  • Magpulot ng kalat sa isang parke o iba pang pampublikong lugar.
  • Tumulong sa paglilinis ng mga sapa o iba pang mga daanan ng tubig.
  • Magtanim ng mga puno o bulaklak sa isang pampublikong lugar.
  • Magtipon ng mga lata, salamin, plastik na supot, o iba pang materyal na maaaring i-recycle at dalhin sa recycling plant.

Mangyaring iangkop ang mga aktibidad kung kailangan upang matiyak na makakasali, makakabilang, at makakatulong ang lahat.

Mga Ideya sa Pag-aangkop

  • Kung hindi kayo makagagawa ng proyektong pangserbisyo, makipagtulungan sa bishop para sa pagpupulot ng kalat, pagtatanim ng mga bulaklak, o pagbubunot ng mga damo sa paligid ng Simbahan.
  • Ituro sa mga bata ang tungkol sa recycling. Talakayin kung ano ang puwede at hindi puwedeng i-recycle. Ipakita sa mga bata kung paano sila magre-recycle sa pamamagitan ng muling paggamit ng mga lumang aytem sa bagong paraan. Halimbawa, maaari kang gumamit ng karton o lata ng gatas para makagawa ng bird feeder, o maaari kang gumawa ng wind chimes gamit ang lata.

Talakayan

Hikayatin ang mga bata na pag-usapan kung paano makatutulong sa kanila at sa iba ang natututuhan nila para maging mas malapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Maaaring gawin ang mga talakayan bago, sa oras, o pagkatapos ng aktibidad at dapat tumagal lamang nang ilang minuto. Maaari mong itanong ang tulad ng mga sumusunod:

  • Bakit mahalaga na pangalagaan ang daigdig na nilikha ng Diyos?
  • Paano nagpapakita ng ating pasasalamat sa Ama sa Langit at kay Jesucristo ang pangangalaga sa ating kapaligiran?
Mga Komento
0