Lehi’s Dream, by Jerry Thompson
Gospel Living

Pag-unawa sa Panaginip ni Lehi

07/07/20 | 1 min basahin

Layunin

Tulungan ang mga bata na maging pamilyar sa panaginip ni Lehi at sa mga katotohanan ng ebanghelyo na itinuturo nito.

Mungkahing Aktibidad

Maghandang isadula ang panaginip ni Lehi (tingnan sa 1 Nephi 8; 11).

  • Bago magsimula, pag-aralang muli ang mga detalye ng panaginip para sa mga taong hindi pamilyar dito. Ipaliwanag kung ano ang kinakatawan ng bawat elemento:
    • Ang puno ay kumakatawan sa pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ni Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala.
    • Ang gabay na bakal ay kumakatawan sa salita ng Diyos.
    • Ang abu-abo ng kadiliman ay kumakatawan sa mga bagay sa mundo na gumagambala sa atin mula sa ebanghelyo.
    • Ang malaki at maluwang na gusali ay kumakatawan sa kapalaluan ng mundo at sa mga taong nagtatangkang ilayo tayo mula sa ebanghelyo.
  • Gumawa ng isang “gabay na bakal” (maaaring gawa ito sa tali, lubid, o mga sanga ng puno) patungo sa dulo na kumakatawan sa punungkahoy ng buhay.
  • Piringan ang bawat bata at sabihin sa kanila na ang kanilang mithiin ay mahanap ang daan patungo sa punungkahoy ng buhay.
  • Patayuin ang isang adult o nakatatandang kabataan sa kanilang tabi sa buong aktibidad na ito. Sa simula, ibubulong ng adult sa bata na tatayo sila sa tabi nila kung may mga tanong sila o kailangan nila ng tulong. Hindi sasabihin ng adult sa kanila kung ano ang gagawin kundi sasagot lamang kapag nagtanong ang bata.
  • Ihawak ang kamay ng bata sa gabay na bakal at sabihan silang huwag bumitaw.
  • Maglagay ng mga balakid sa daanan ng mga bata habang tinatahak nila ang landas, tulad ng isang maliit na bagay na kailangan nilang hakbangan. Pagdahan-dahanin sila sa paglakad. Mag-ingat para matiyak na hindi sila masaktan.
  • Maaari mong idaan ang gabay na bakal sa mas madilim na lugar o sa isang silid na nakapatay ang karamihan sa mga ilaw para kumatawan sa mga abu-abo ng kadiliman.
  • Palapitin ang adult o kabataan sa bata at subuking tuksuhin sila na umiba ng direksyon o bumitaw sila sa gabay na bakal. Tiyakin na sinumang batang bumitaw sa bakal ay may pagkakataong makabalik.
  • Magpatugtog o kumanta ng mga awitin sa Primary sa may punungkahoy ng buhay para marinig ng mga bata ang direksyong kailangan nilang sundan.
  • Kapag nakarating ang mga bata sa destinasyon, malugod silang salubungin, at purihin sila sa pagiging tapat.
  • Pagkatapos ng aktibidad, sabihin sa mga bata na ibahagi kung ano ang pakiramdam nila at natutuhan nila.

Mangyaring iangkop ang mga aktibidad kung kailangan upang matiyak na lahat ng tao ay makakalahok, makakabilang, at makakapag-ambag.

Mga Ideya sa Pag-aangkop

  • Maglaro ng pagtutugma na may mga simbolo sa panaginip ni Lehi at ng kahulugan ng mga ito. Sabihin sa mga bata na maghalinhinan sa pagsisikap na itugma ang isang item sa kahulugan nito. Halimbawa, “ang gabay na bakal” ay tutugma sa “salita ng Diyos,” “ang malaki at maluwang na gusali” ay tutugma sa “kapalaluan ng mundo,” at iba pa.
  • Tulungang maghanda ang mga bata ng isang home evening lesson tungkol sa panaginip ni Lehi. Ipadrowing at palagyan ng label sa kanila ang mga simbolo sa panaginip ni Lehi at pagpraktisin sila kung paano nila ito ituturo sa kanilang pamilya.

Talakayan

Hikayatin ang mga bata na pag-usapan kung paano makakatulong sa kanila at sa iba ang natututuhan nila para mas mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Maaaring idaos ang mga talakayan bago, sa oras, o pagkatapos ng aktibidad at dapat ay tumagal lamang ito nang ilang minuto. Maaari mong itanong ang tulad ng mga sumusunod:

  • Paano tumutulong ang panaginip ni Lehi para malaman ninyo kung ano ang mahalagang pagtuunan sa inyong buhay?
  • Ano ang mga paraan na makakahawak kayo sa gabay na bakal?
  • Ano ang ilang bagay na makakagambala sa inyo mula sa ebanghelyo ni Jesucristo, at paano ninyo maiiwasang magambala ng mga ito?
  • Paano ninyo nadarama ang pag-ibig ng Diyos sa inyong buhay?

Kumilos

Subukan ang aktibidad na ito sa iyong pamilya, klase, korum, o mga kaibigan.
Mga Komento
0