“Kumonekta,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Okt. 2021.
Kumonekta
Alexander R.
18, Viken, Norway
Ang paborito kong libangan ay paglalayag, sa mga kumpetisyon o para lang maglibang. Madalas kaming maglayag ng kakambal kong lalaki. Napakasayang maglayag sa dagat na kami lang dalawa.
Tinutulungan ako ng Panginoon sa paglalayag kung minsan. Kapag naii-stress ako kapag naglalayag ako, hindi ako makapagpokus. Pero iniisip ko ang lahat ng mabubuting bagay na ibinigay sa akin ng Panginoon, at mas napapanatag ako.
Binigyan din ako ng Panginoon ng kapayapaan sa aking pamilya. Hindi miyembro ng Simbahan ang tatay ko, pero sinusuportahan niya kaming magkakapatid palagi. Para kaming mga missionary sa tatay namin dahil nagpapakita kami ng mabuting halimbawa. Nang magmisyon ang kapatid kong lalaki, talagang naging interesado ang tatay ko kung paano pinag-aralan ng kapatid ko ang ebanghelyo at tinulungan ang mga tao. Kapag nagmisyon ako, sana ay maging mas interesado siya sa ebanghelyo. Sana balang-araw ay gustuhin niyang mabinyagan.