“Ano ang Adan-ondi-Ahman? Ano ang kahalagahan nito?” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Okt. 2021.
Tuwirang Sagot
Ano ang Adan-ondi-Ahman? Ano ang kahalagahan nito?
Nalaman ni Joseph Smith ang tungkol sa Adan-ondi-Ahman sa pamamagitan ng paghahayag at inspirasyon. Ito ang pangalan ng isang lugar na malapit sa kung saan nanirahan si Adan, ang unang lalaki, kasama ang kanyang asawang si Eva, nang kahit sandali. Ito ay noong matapos silang paalisin ng Halamanan ng Eden. Tatlong taon bago siya namatay, tinipon ni Adan ang lahat ng kanyang mabubuting inapo roon at binasbasan sila.
Sa mga huling araw, si Adan, bilang isang nabuhay na mag-uling nilalang, ay muling darating sa lugar na tinatawag na Adan-ondi-Ahman, na matatagpuan sa hilagang Missouri, USA. Doon ay muli siyang makikitipon sa iba, kabilang na ang maraming iba pang nabuhay na mag-uling nilalang. Ibibigay ng mga propetang humawak ng mga susi ng priesthood ang kanilang mga susi kay Adan, na unang humawak ng gayong mga susi at ama ng mag-anak ng tao sa lupa. Pagkatapos ay ibibigay Niya ang mga susi kay Jesucristo. Ito ay magiging isang mahalagang kaganapan para tumulong sa paghahanda para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo sa buong mundo.