2021
Ang Inyong Bandila ng Kalayaan
Oktubre 2021


“Ang Inyong Bandila ng Kalayaan,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Okt. 2021.

Ang Inyong Bandila ng Kalayaan

Ang mga inspiradong salita sa bagong Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood ay maaaring maging lakas sa inyo sa isang mundong puno ng hamon.

binatilyo

Sa panahon ng digmaan at pagtatalo, itinaas ng sinaunang propetang si Kapitan Moroni ang bandila ng kalayaan at tinawag ang kanyang kapwa mga Nephita upang ipagtanggol ang kanilang relihiyon, kalayaan, kapayapaan, at pamilya (tingnan sa Alma 46:12). Ang bandila ng kalayaan ay nagpaalala sa mga tao ng kanilang tungkulin sa Diyos at sa mga bagay na marapat ipaglaban.

Tulad noong panahon ni Moroni, maraming tao ngayon ang tumatalikod sa mga turo ni Jesucristo. Para matulungan ang mga kabataang lalaki na manindigan na katulad ni Moroni, lumikha ang mga lider ng Simbahan ng tema, isang makabagong bandila ng kalayaan, upang tulungan kayong mga kabataang lalaki na harapin ang mga hamon ngayon.

Sa pag-aaral at pagsasabuhay ninyo ng mga salita sa Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood, makapaninindigan at magiging kaisa kayo ng iba pang mga kabataang lalaki sa buong mundo sa pagtatanggol sa katotohanan. Basahin kung paano binigyang-inspirasyon ng Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood ang iba na maging mas mabubuting anak na lalaki ng Diyos habang sinisikap nilang ihanda ang mundo para sa pagbabalik ng Tagapagligtas sa lupa.

binatilyo

“Ang bagong Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood ay tumutulong sa akin na alalahanin kung sino ako at kung ano ang kailangan kong maging para makapiling si Cristo. Ipinapaalala nito sa akin na ako ay minamahal na anak ng Ama sa Langit at na kailangan kong maglingkod nang buong sigasig at sikaping mapagpala ang aking sarili at ang mga nasa paligid ko. Inaasahan Niya ang lahat ng makakaya ko, at ibibigay ko ito. Inaasahan Niyang makatutulong akong ihanda ang mundo para sa pagbabalik ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng ebanghelyo sa lahat ng dako.”

Anderson E., 14, Brazil

“Nagtakda ako ng mithiin na simulang isaulo ang tema para hindi lamang ito isang bagay na binabasa ko sa araw ng Linggo. Gusto kong maging isang bagay ito na nasa puso ko para maging bahagi ito ng buhay ko.”

Andrew F., Utah, USA

“Gustung-gusto ko ang tema. Ang pagsasabi ng mga bagay na tulad ng ‘naghahanda akong magmisyon’ at ‘pagiging mabuting asawa’ ay naghihikayat sa lahat, maging sa mga hindi gumagawa nito, na maging mabubuting missionary at mabubuting asawa. Tinutulungan ako nito sa araw-araw kong pagsisikap na maging mas mabuti at mas tapat na tao sa ebanghelyo ni Jesucristo.”

Ricardo P., 15, Brazil

binatilyo

“Gustung-gusto ko ang pagbibigay-diin ng Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood sa tahanan at sa kahalagahan ng paglilingkod sa tahanan. Nakatutulong ito na ipaalala sa akin na ang isa sa pinakamahahalagang lugar ng paglilingkod ay ang aking tahanan at ang aking pamilya.”

Mitchell B., 16, Australia

“‘Ako ay minamahal na anak na lalaki ng Diyos, at may gawain Siyang ipinagagawa sa akin.’ Kadalasan ay binabalewala natin ang gayong mga pahayag, subalit nang magsumamo ako sa gitna ng kadiliman, nadama ko ang mainit na kamay ng Diyos sa aking balikat at ang Kanyang pagmamahal sa aking puso. Noong naligaw at nawala ako, iniabot ng Diyos ang Kanyang kamay at inanyayahan akong bumalik. Ako ay Kanyang anak, at nais Niya ang pinakamabuti para sa akin. May gawain Siyang kailangang ipagawa sa akin.”

Eli S., 18, New Jersey, USA

“Ang bagong tema ay tumutulong sa akin na pag-isipan ang mga bagay na magagawa ko sa gawain ng Panginoon. Itinuturo nito sa akin na ang maliliit na bagay ay kinakailangan at mahalaga rin.”

Mateus S., 14, Brazil

binatilyo