“Ang Pangalan ng Kanyang Simbahan,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Okt. 2021.
Taludtod sa Taludtod
Ang Pangalan ng Kanyang Simbahan
May kahulugan sa likod ng pangalang ibinigay ni Jesucristo sa Kanyang Simbahan.
aking simbahan
Simbahan—isang grupo ng mga tao na naniniwala sa magkakatulad na bagay at sama-samang sumasamba. Ang Simbahang ito ay kay Jesucristo. Siya ang nagsimula nito. Siya ang namumuno rito. Ito ay sa Kanya.
tatawagin
Sinabi sa atin ni Jesucristo kung ano ang nais Niyang itawag ng mga tao sa Kanyang Simbahan. Kaya iyan ang dapat nating itawag dito—at iyan ang dapat nating hilingin sa iba na itawag dito. Ang pangalang ito ay nagmula kay Jesucristo.
mga huling araw
Mga huling araw—ang mga araw kung kailan tayo nabubuhay; ang panahon bago ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo. Ibinalik ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan sa lupa sa huling pagkakataong ito. Tutulong ito na ihanda ang mundo para sa Kanyang Ikalawang Pagparito.
Ang Simbahan ni Jesucristo
(Tingnan sa “aking simbahan.”) Ito ang unang bahagi ng pangalang ibinigay ng Tagapagligtas sa Kanyang Simbahan. Tinatawag Niya itong “Ang Simbahan” dahil inorganisa Niya ito. At inilagay Niya ang Kanyang pangalan dito.
Huling Araw
(Tingnan sa “mga huling araw.”) Ito ang kasunod na bahagi ng pangalan ng Simbahan. Ipinapakita lang nito na ito ang Simbahang ibinalik Niya sa mga araw na ito, hindi ang sinimulan Niya noong unang panahon.
Mga Banal
Mga Banal—isang salitang ibig sabihin ay “mga taong sagrado.” Ito ang huling bahagi ng pangalan ng Simbahan. Tumutukoy ito sa mga miyembro ng Simbahan. Maaari tayong gawing malinis at dalisay ni Jesucristo. At ibinibigay Niya sa atin ang Espiritu Santo upang palakasin tayo kapag sinusubukan nating gawin ang iniuutos Niya. Kung tayo ay may pananampalataya sa Kanya at patuloy na magsisikap, ginagawa Niya tayong banal. Ginagawa Niya tayong mga Banal.