“Newel K. Whitney,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Okt. 2021.
Mga Tao mula sa Kasaysayan ng Simbahan
Newel K. Whitney
-
1795–1850
-
Matagumpay na negosyante sa Kirtland, Ohio, USA.
-
Naging pangalawang bishop ng Simbahan, 1831.
-
Bilang bishop sa Simbahan, trabaho ni Newel na tulungan ang mga maralita at nangangailangan. Binigyan siya ng basbas ni Joseph Smith noong 1835 na nagsabi sa kanya na maging bukas-palad sa kanila. Kung siya ay bukas-palad sa mga maralita, sinabi ni Joseph, ang Panginoon ay magiging bukas-palad sa kanya. Si Newel K. Whitney ay naglingkod bilang bishop hanggang sa siya ay pumanaw noong 1850.