2011
Kumpetisyon sa Sining Naghikayat sa mga Kabataan na Magpakahusay
Nobyembre 2011


Kumpetisyon sa Sining Naghikayat sa mga Kabataan na Magpakahusay

Inaanyayahan ng Church History Museum ang kabataang nasa edad 13 hanggang 18 na makibahagi sa una nitong International Art Competition for Youth.

Ang mga lalahok ay dapat lumikha ng gawang-sining na nagpapahayag ng kahulugan ng “bumangon at magliwanag” (tingnan sa D at 115:4–6).

Ang gawang-sining ay dapat nalikha na pagkatapos ng Enero 1, 2009 Ang kalahok ay dapat 13 anyos na sa Enero 1, 2012, at maaaring magsumite ng isang gawang-sining mula Enero 2, 2012, hanggang sa araw ng deadline—Biyernes, Hunyo 1, 2012. Ang pinakamalaking sukat ay 84 pulgada (213 cm) sa pinakamahabang dimensyon. Ang lahat ng malikhaing media at istilo ay malugod na tatanggapin sa kumpetisyon.

Makukuha ang impormasyon sa pagsusumite sa lds.org/youthartcomp.

Hihilingin sa mga mananalo na ipadala ang kanilang orihinal na gawang-sining sa museum para sa eksibit na gaganapin mula Nobyembre 16, 2012, hanggang Hunyo 17, 2013.

Print