“Paano Ko Matutulungan ang Isang Taong Naabuso?” Paano Tutulong (2018).
“Paano Ko Matutulungan ang Isang Taong Naabuso?” Paano Tutulong.
Paano Ko Matutulungan ang Isang Taong Naabuso?
Ang pang-aabuso ay nagdudulot ng matinding sakit ng damdamin, hindi tamang pag-iisip, at kapabayaan sa kalusugan. Sa kanilang paggaling, kakailanganin ng mga biktima ang kapangyarihan ni Jesucristo at maaaring pati ang tulong ng mga propesyonal. Makakatulong din sa paggaling nila kung susuportahan mo sila na tulad ng gagawin ni Cristo.
Sa paghikayat mo sa mga biktima na bumaling sa Tagapagligtas at humingi ng tulong mula sa mga propesyonal, narito ang limang paraan para masuportahan mo sila:
-
Maging maalam. Alamin kung ano ang pang-aabuso at paano nito naaapektuhan ang mga biktima.
-
Unawain kung ano ang maaaring maramdaman ng isang taong naabuso. Kadalasan, nakakapag-isip ng masama ang mga biktima ng pang-aabuso at nakadarama ng kakulangan at kahihiyan.
-
Pag-isipan ang mga sasabihin mo. Ang sakit at pagdurusang nararanasan ng mga biktima ay kadalasang pinatitindi ng mga komento ng iba na hindi nakakaunawa kung ano ang pang-aabuso at mga epekto nito. Kung sisisihin ang biktima o sasabihan na “tanggapin mo na lang” o “kalimutan mo na iyan o magpatawad ka na lang” lalong maglilihim at mahihiya ang biktima sa halip na mapagaling at mapayapa.
-
Makinig at magpakita ng pagmamahal. Kapag nagtiwala na sa iyo ang biktima at nagkuwento ng mga naranasan nila, pakinggan sila nang may pagmamahal at simpatiya. Pigilan ang sarili na magsermon o manghusga.
-
Unawain at pahalagahan ang nadarama niya. Tulad ng pisikal na pinsala, hindi rin ganap na gagaling ang mga biktima kung babalewalain ang pang-aabuso sa kanila. Kapag inunawa at pinahalagahan mo ang nararamdaman ng biktima—tulad ng lungkot, sakit, o takot—makakatulong ka sa paggaling ng biktima.
Resources mula sa Komunidad at Simbahan
(Ilan sa mga sanggunian na nakalista sa ibaba ay hindi ginawa, pinapanatili, o kontrolado ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Bagaman ang mga materyal na ito ay ginawa bilang karagdagang sanggunian, hindi iniendorso ng Simbahan ang anumang nilalaman na hindi akma sa mga doktrina at mga turo nito.)
-
“Hope and Healing: Supporting Victims of Sexual Abuse,” Nanon Talley, Liahona, 2017
-
“Isang Tulay tungo sa Pag-asa at Paggaling,” Nanon Talley, Liahona, Abr. 2017
-
“Abuse: Help for the Victim” (magagamit ng mga miyembro ng ward at stake council), providentliving.lds.org
-
“Supporting Survivors,” NoMore.org