“Pagprotekta sa mga Miyembro at Pagreport ng Pang-aabuso,” Paano Tutulong (2018).
Pagprotekta sa mga Miyembro at Pagreport ng Pang-aabuso,” Paano Tutulong.
Pagprotekta sa mga Miyembro at Pagreport ng Pang-aabuso
Ang pang-aabuso ay pagpapabaya o pagmamalupit sa iba (tulad ng bata o asawa, matatanda, may kapansanan, o sinuman) sa isang paraan na nagsasanhi ng pisikal, emosyonal, o seksuwal na pinsala. Ang unang responsibilidad ng Simbahan sa mga kaso ng pang-aabuso ay tulungan ang mga naabuso at protektahan ang mga maaaring maabuso sa hinaharap. Ang mga lider at miyembro ay dapat mapagmalasakit, mahabagin, at sensitibo kapag nakikitungo sa mga biktima at kanilang mga pamilya.
Sa isang liham na may petsang Marso 26, 2018, hinikayat ng Unang Panguluhan ng Simbahan ang mga lider ng Simbahan na kumalinga nang may pagmamahal para tulungan ang mga nagdurusa mula sa pang-abuso:
“Ang pangkalahatang isyung ito ay malaking alalahanin pa rin natin ngayon. Ipinagdarasal namin ang lahat ng mga taong apektado ng ganitong mabigat na problema.
“Upang makatulong na matiyak ang kaligtasan at proteksyon ng mga bata, kabataan, at matatanda, hinihiling namin na maging pamilyar ang lahat ng lider ng priesthood at auxiliary sa kasalukuyang mga patakaran at alituntunin tungkol sa pag-iwas, paghadlang, at pagtugon sa pang-aabuso” (First Presidency letter, Mar. 26, 2018).
Dapat gampanan ng mga lider at miyembro ng Simbahan ang lahat ng legal na obligasyon para maireport sa mga aworidad ang pang-aabuso. Hindi dapat ipagwalang-bahala ng sinumang lider ng Simbahan ang inireport na pang-aabuso o payuhan ang miyembro na huwag nang ireport ang kriminal na paglabag. Dapat tawagan kaagad ng mga bishop, branch president, at stake president ang ecclesiastical help line ng Simbahan sa tuwing may nalalaman silang pang-aabuso para matulungan ang mga biktima at maibigay ang mga kinakailangang report. Magpunta sa counselingresources.lds.org para sa numero ng help line at iba pang impormasyon.
Ang mga lider at miyembro ng Simbahan ay dapat ding tulungan ang mga biktima, kanilang pamilya, mga nagkasala, at kanilang pamilya na makatanggap ng payo mula sa mga propesyonal o iba pang resources sa komunidad, kung mayroon. Kapag nakikitungo sa mga nagkasala, dapat silang tulungan ng mga lider ng priesthood na magsisi, tumanggap ng lahat ng epekto ng kanilang ginawa, at tigilan na ang mapang-abusong pag-uugali (tingnan sa Isaias 1:18; Mosias 26:29–32; Doktrina at mga Tipan 64:7).
Para sa mga lider ng Simbahan, mangyaring ipanood muli ang mga sumusunod na video sa isang ward o stake council:
Resources mula sa Komunidad at Simbahan
(Ilan sa mga sanggunian na nakalista sa ibaba ay hindi ginawa, pinapanatili, o kontrolado ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Bagaman ang mga materyal na ito ay ginawa bilang karagdagang sanggunian, hindi iniendorso ng Simbahan ang anumang nilalaman na hindi akma sa mga doktrina at mga turo nito.)
Para sa karagdagang impormasyon kung paano tutulungan ang mga apektado ng pang-aabuso, mangyaring sumangguni sa mga sumusunod na materyal:
-
-
Abuse: Help for the Victim (magagamit ng mga miyembro ng ward at stake council)
-
Abuse: Help for the Offender (magagamit ng miyembro ng ward at stake council)
-
Abuse Help Line (churchofjesuschrist.org)
-
-
Responding to Abuse: Instruction Outline for Stake and Ward Council Meetings
-
What Happens When You Report Someone to Social Services, WeHaveKids.com
-
Frequently Asked Questions, (aacap.org)
-
National Child Abuse Coalition: Prevent and Address Child Abuse