Pang-aabuso
Paghadlang at Pagtugon sa Pang-aabuso: Outline ng Tagubilin para sa mga Meeting sa Stake at Ward Council


“Paghadlang at Pagtugon sa Pang-aabuso: Outline ng Tagubilin para sa mga Meeting sa Stake at Ward Council” Paano Tutulong (2018).

“Paghadlang at Pagtugon sa Pang-aabuso,” Paano Tutulong.

Paghadlang at Pagtugon sa Pang-aabuso

Nakabuod sa dokumentong ito ang kasalukuyang mga patakaran at tuntunin ng Simbahan tungkol sa pang-aabuso. Lahat ng lider sa priesthood at mga organisasyon ng Simbahan ay dapat maging pamilyar at sumunod sa mga ito para maprotekta ang mga anak ng Diyos.

Ano ang Pang-aabuso?

Ang pang-aabuso ay ang pagmamalupit o pagpapabaya sa iba (tulad sa isang bata o asawa, matanda, o may kapansanan) sa isang paraang nagsasanhi ng pisikal, emosyonal, o seksuwal na pinsala.

Ang pang-aabuso ay nagsasanhi ng pagkalito, pagdududa, pagkawala ng tiwala, at takot sa mga biktima at kadalasang nakapipinsala sa katawan. Karamihan, ngunit hindi lahat, sa mga paratang na pang-aabuso ay totoo, at dapat seryosohin at masusing pagtuunan ng pansin. Lumalala ang pang-aabuso sa paglipas ng panahon.

Mariing isinusumpa ng Panginoon ang mapang-abusong pag-uugali sa anumang paraan—kabilang na ang pagpapabaya at pisikal, seksuwal, o berbal na pang-aabuso. Karamihan sa pang-aabuso ay labag sa mga batas ng lipunan. (Tingnan sa liham ng Unang Panguluhan, “Responding to Abuse,” Hulyo 28, 2008.)

Pagtuturo ng Doktrina

Dapat tiyakin ng mga stake presidency at bishopric na ang sinasabi nila tungkol sa pang-aabuso ay batay sa doktrina ng Simbahan. Partikular na kailangan nilang ituro ang sumusunod:

Mahahalagang Mensahe

Paano Mahahadlangan ang Pang-aabuso?

Sa Tahanan

Dapat sundin ng mga lider ng Simbahan ang mga sumusunod para mahadlangan ang pang-aabuso sa tahanan:

  • Hikayatin ang mga mag-asawa at mga pamilya na ipamuhay ang ebanghelyo sa tahanan. Dapat nilang pairalin ang kabaitan, paggalang, at bukas na komunikasyon para komportableng mapag-usapan ng lahat ng miyembro ng pamilya ang maseselang bagay (tingnan sa “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,” SimbahanniJesucristo).

  • Hikayatin ang mga magulang na ituro sa mga anak ang mga impormasyon at kasanayan na angkop sa kanilang edad at kahustuhan ng isip para malaman nila ang gagawin kapag may nagtangkang umabuso sa kanila.

  • Ipaalam sa mga miyembro ang resources ng Simbahan.

Sa Simbahan

Dapat sundin ng mga lider ng Simbahan ang mga tuntuning ito para mahadlangan ang pang-aabuso sa Simbahan:

  • Ang isang tao ay hindi dapat bigyan ng calling o tungkulin sa Simbahan na may kinalaman sa mga bata o kabataan kung wala sa ward ang kanyang membership record o kung may anotasyon doon tungkol sa pang-aabuso (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 38.6.2, 12.5.1).

  • Kapag ang mga adult ay nagtuturo ng mga bata o kabataan sa Simbahan, dapat ay mayroong dalawang responsableng adult doon. Ang dalawang adult ay maaaring dalawang lalaki, dalawang babae o mag-asawa (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 12.5.1).

  • Kung hindi praktikal na mayroong dalawang adult man lang sa isang silid-aralan, dapat isipin ng mga lider na pagsamahin ang mga klase.

  • Kailangan ay mayroong dalawang adult man lang sa lahat ng aktibidad na itinataguyod ng Simbahan na dinadaluhan ng mga kabataan o bata.

  • Kapag nakikilahok ang isang brother sa ministering visit sa isang babaeng nag-iisa, dapat ay kasama niya ang kanyang kompanyon o asawa.

  • Kapag kakausapin ng isang miyembro ng stake presidency o bishopric o isa pang itinalagang lider ang isang bata, kabataan, o babae, dapat niyang hilingan ang isang magulang o isa pang adult na pumuwesto sa katabing silid, sa may pasukan, o sa pasilyo. Kung nais ng taong iniinterbyu, maaaring anyayahan ang isang adult na sumali sa interbyu. Dapat iwasan ng mga lider ang lahat ng sitwasyong maaaring mabigyan ng maling palagay (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 12.5.1).

  • Sa magdamagang mga aktibidad na itinataguyod ng Simbahan, hindi maaaring manatili ang isang bata o kabataan sa tolda o silid ng isang lider na adult maliban kung ito ay kanyang magulang o tagapag-alaga o may dalawang adult man lang sa tolda o silid na kapareho ng kasarian ng bata o kabataan (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 12.2.1.3).

  • Kung magkakasama ang adult na lider at ang mga bata o kabataan sa iba pang mga pasilidad na gagamitin sa magdamag, tulad ng cabin, kailangan ay may dalawang adult man lang sa pasilidad at dapat na kapareho nila ng kasarian ang mga bata o kabataan (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 12.2.1.3).

Pagtugon sa Pang-aabuso

Tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 38.6.2.1).

Kailangang sundin ng mga lider at miyembro ang mga tuntunin na ito kapag nagrereport ng pang-aabuso:

  • Kapag nangyari ang pang-aabuso, ang una at kaagad na responsibilidad ng mga lider ng Simbahan ay tulungan ang mga naabuso at protektahan ang mga maaaring mabiktima ng pang-aabuso sa hinaharap. Hindi dapat hikayatin ang mga miyembro na manatili sa isang tahanan o sitwasyon na may pang-aabuso o hindi ligtas.

  • Ang mga lider at miyembro ay dapat maging mapagmalasakit, mahabagin, at sensitibo kapag nakikitungo sa mga biktima at nambiktima at sa kanilang pamilya.

  • Hindi kailanman dapat balewalain ng mga lider ng Simbahan ang isang report ng pang-aabuso o payuhan ang miyembro na huwag i-ulat sa pulisya ang krimen.

  • Dapat tuparin ng mga lider at miyembro ng Simbahan ang lahat ng legal na obligasyon na i-ulat ang pang-aabuso sa mga awtoridad ng pamahalaan.

  • Kailangang tulungan ng mga priesthood leader ang lahat ng nang-abuso na magsisi at tumigil na sa kanilang mapang-abusong pag-uugali (tingnan sa Isaias 1:18; Doktrina at mga Tipan 64:7).

  • Ang payo mula sa mga propesyonal ay maaaring makatulong sa mga biktima at nambiktima at sa kanilang pamilya. Ito ay halos palaging ipinapayo sa mga kaso ng malalang pang-aabuso.

Pagtuturo sa mga Stake at Ward Council

Kailangang ipaalam ng mga stake presidency at bishopric ang impormasyong ito sa mga meeting sa stake at ward council. Pagkatapos ay dapat talakayin ng mga miyembro ng stake at ward council ang materyal na ito sa kani-kanilang presidency at leadership meeting at sa iba pa, kung kinakailangan.

  • Dapat ituro ng mga miyembro ng stake at ward council ang mahahalagang mensahe sa outline na ito at anyayahan ang mga adult priesthood at organization leader ng Simbahan na magtalakayan. Bilang bahagi ng talakayan, maaari silang magsimula sa panonood ng video na “Protektahan ang Bata: Pagtugon sa Pang-aabuso sa Bata,” na matatagpuan sa ilalim ng “Paano Tutulong” sa page na Pang-aabuso ng Gospel Library. Dahil sensitibo ang impormasyong ito, kailangan nilang hingin ang patnubay ng Espiritu habang nagtuturo sila.

  • Madalas na sa mga pinagkakatiwalaang guro o tagapayo inirereport ang pang-aabuso. Dapat tulungan ng mga miyembro ng stake at ward council ang mga lider, guro, at miyembro na gumawa ng mga tamang hakbang sa paghadlang at pagtugon sa pang-aabuso, kabilang na ang pag-uulat ng pang-aabuso sa mga awtoridad ng pamahalaan.

Patakaran at mga Usaping Legal na may Kinalaman sa Pang-aabuso

Ang sumusunod na mga tuntunin ay makatutulong sa mga lider ng Simbahan kung paano sundin ang mga patakaran at tugunan ang mga usaping legal na may kinalaman sa pang-aabuso:

  • Tumawag kaagad sa help line sa 1-800-453-3860, ext. 2-1911, kapag tumutugon sa mga sitwasyong may kinalaman sa anumang uri ng pang-aabuso.

  • Para sa mga patnubay sa pangangasiwa sa mga sitwasyong may kinalaman sa pang-aabuso, dapat sumangguni ang mga stake president at bishop sa Pangkalahatang Hanbuk, 38.6.2.1.

  • Para sa mga patnubay sa pangangasiwa sa pagtatapat, pagtutuwid ng mali, pagsisiyasat, pakikipag-usap sa mga naagrabyadong biktima, at pagiging kumpidensyal ng mga sitwasyong may kinalaman sa pang-aabuso, dapat sumangguni ang mga stake president at bishop sa Pangkalahatang Hanbuk, 38.6.2.2.

  • Para sa mga patnubay sa pangangasiwa sa pagdidisiplina ng Simbahan sa mga sitwasyong may kinalaman sa pang-aabuso, dapat sumangguni ang mga stake president at bishop sa Pangkalahatang Hanbuk, 38.6.2.

  • Hindi dapat sumaksi ang mga lider ng Simbahan sa mga kasong kriminal na may kinalaman sa pang-aabuso nang hindi muna kumokonsulta sa Office of General Counsel sa headquarters ng Simbahan (1-800-453-3860, ext. 2-6301). Para sa partikular na mga patnubay, tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 38.6.2.1.

Iba pang Resources