Mga Calling sa Ward o Branch
Pang-aabuso (Mga Pangangailangan ng Nagkasala)


“Pang-aabuso (Mga Pangangailangan ng Nagkasala),” Counseling Resources (2020).

“Pang-aabuso (Mga Pangangailangan ng Nagkasala),” Counseling Resources.

Pang-aabuso (Mga Pangangailangan ng Nagkasala)

3:26

Mga Help Line

Ang mga bishop, branch president, at stake president ay dapat tumawag kaagad sa ecclesiastical help line ng Simbahan tuwing may napag-aalaman silang pang-aabuso. Ang resource na ito ay nakaalalay sa pagtulong sa mga biktima at sa pagkumpleto sa mga kinakailangan sa pagrereport. Magpunta sa Help Line Numbers para sa help line number at iba pang impormasyon.

Hindi dapat balewalain ng sinumang lider ng Simbahan ang isang report ng pang-aabuso o payuhan ang isang indibiduwal na huwag isuplong ang isang krimen.

U.S. at Canada

Kung may napag-alamang pang-aabuso ang iba pang mga miyembro, dapat nilang kontakin kaagad ang mga awtoridad. Dapat din silang humingi ng payo sa kanilang bishop o stake president na tatawag sa abuse help line para magabayan sa pagtulong sa mga biktima at pagkumpleto sa mga kinakailangan sa pagrereport.

Mga Bansa sa Labas ng U.S. at Canada

Alamin kung paano at kailan mo dapat ireport ang pang-aabuso. Dapat tumawag kaagad ang mga stake president at bishop sa help line para magabayan kung mayroon nito sa kanilang bansa. Sa mga bansang walang help line, dapat kontakin ng bishop na nakaalam sa pang-aabuso ang kanyang stake president. Hihingi siya ng patnubay mula sa area legal counsel sa area office (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (2020), 38.6.2.1, ChurchofJesusChrist.org). Dapat sumunod ang iba pang mga miyembro sa anumang legal na mga obligasyon sa pagrereport at humingi ng payo sa kanilang bishop.

Hindi Dapat Palagpasin ang Pang-aabuso

Ang pang-aabuso ay ang pagmamalupit o pagpapabaya sa iba (tulad sa isang bata o asawa, matanda, o may kapansanan) sa paraang nagiging sanhi ng pisikal, emosyonal, o seksuwal na pinsala. Ang posisyon ng Simbahan ay hindi maaaring palagpasin ang anumang anyo ng pang-aabuso at ang taong nang-aabuso ay mananagot sa harap ng Diyos. Mahatulan man ng pang-aabuso ang isang tao o hindi, sasailalim ang mga nagkasala sa pagdisiplina ng Simbahan at maaaring mawala sa kanila ang kanilang pagkamiyembro sa Simbahan (tingnan sa Mateo 18:6; Marcos 9:42; Lucas 17:2).

Ang mga unang responsibilidad ng Simbahan sa mga kaso ng pang-aabuso ay 1) tulungan, sa mabuti at sensitibong paraan, ang mga naabuso at 2) protektahan ang mga maaaring maabuso sa hinaharap. Bagama’t ang ilang uri ng pang-aabuso ay maaaring magdulot ng pisikal na pananakit, lahat ng uri ng pang-aabuso ay nakakaapekto sa isip at espiritu. Ang pang-aabuso ay madalas makasira sa pananampalataya at maaaring maging sanhi ng pagkalito, pag-aalinlangan, kawalan ng tiwala, panunurot ng budhi, at takot sa biktima.

Ang mga taong nang-aabuso ay kadalasang may iba pang mabibigat na kasalanan o mga problema sa pag-iisip na hindi pa nalulutas o maaaring sila mismo ay naabuso. Ang ilang nagkasala ay nakadarama ng pagsisisi, ng hangarin na ipagtapat ang kanilang mga kasalanan, at kahandaang simulan ang proseso ng pagsisisi. Ang iba naman ay maaaring ikaila ang pagkakamaling nagawa, malitiin ang kanilang ginawa, o sisihin ang ibang tao. Ang pagsusuri sa pagsisisi at hangaring magbago ang unang hakbang sa pagtulong sa nagkasala.

Ang ilang nang-aabuso ay maaaring tuso, nagmamanipula, at nanloloko, kaya maaaring maiba ang kanilang bersyon ng mga kaganapan sa bersyon ng biktima. Sa lahat ng kaso, unahing isaalang-alang ang kaligtasan at proteksyon ng biktima. Dapat kumonsulta ang mga bishop at stake president sa help line habang bumubuo sila ng plano para sa kaligtasan.

Ang mga lider ng Simbahan ay hindi inaasahan ni hinihikayat na suriin o bigyan ng lunas ang mga indibiduwal na nahihirapan sa mga problema sa pag-iisip na nauugnay sa pang-aabuso. Karamihan sa mga nagkasala ay dapat isiping humingi ng tulong mula sa mga propesyonal. Ang Family Services (kung saan man mayroon) ay nakapaglalaan ng konsultasyon at nakapagbibigay ng impormasyon sa mga lider tungkol sa resources sa kanilang mga komunidad.

Dapat sumangguni ang mga bishop sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (2020) para sa direksyon tungkol sa mga calling sa Simbahan, mga temple recommend, at iba pang mga nauugnay na tanong kapag naimbestigahan na ang pang-aabuso at nagkaroon na ng konklusyon tungkol sa kalubhaan nito. Kapag pinag-iisipan ang mga restriksyon sa pagkamiyembro para sa mga kabataang nagkasala, kumonsulta sa Pangkalahatang Hanbuk, 32.7.7.

Hangaring Makaunawa

Mapanalanging isiping magtanong ng kagaya nito para mas maunawaan mo ang problema ng tao at ang kanyang kahandaan at motibasyong magsisi.

  • Matutulungan mo ba akong unawain ang sitwasyon?

  • Gaano kahalaga para sa iyo ang magsisi?

  • Paano mo nagamit ang mga alituntunin ng ebanghelyo para madaig ang mga tendensya at ugaling mang-abuso?

  • Ano ang handa kang gawin para magbago?

  • Paano kita matutulungan sa iyong proseso ng pagsisisi?

  • May iba pa ba akong dapat malaman tungkol sa pang-aabusong ito?

Tulungan ang Indibiduwal

Habang pinapayuhan mo ang tao, isiping gamitin ang ilan sa sumusunod na mga mungkahi:

Talakayin sa tao ang mga bunga ng mapang-abusong ugali sa sarili at sa pamilya, pati na ang doktrina at mga patakaran ng Simbahan na nauugnay sa pang-aabuso. (Rebyuhin ang resources sa Mga Patakaran at Turo ng Simbahan para sa iba pang impormasyon.)

Tulungan ang tao na makasumpong ng pag-asa at paggaling sa pamamagitan ni Jesucristo at ng Kanyang Pagbabayad-sala.

Sa mga kasong tulad ng pisikal o verbal na pang-aabuso, tulungan ang tao na matukoy ang mga mabuti at di-mapang-abusong paraan sa pagtugon sa mahihirap na sitwasyon o damdamin, tulad ng mga sumusunod:

  • Pagpapalipas ng oras para pahupain ang emosyon at magkaroon ng makatwirang tugon sa pamamagitan, halimbawa, ng paglalakad-lakad, paghinga nang malalim, pagbilang ng hanggang 100, o pagiging abala sa isang proyekto.

  • Mahinahong pagbabahagi ng mga problema nang walang pamimintas.

  • Pag-uukol ng oras para isaalang-alang ang mga iniisip at damdamin ng iba.

Suportahan ang Pamilya

Ang pang-aabuso ay nakakaapekto sa mga miyembro ng pamilya at maging sa indibiduwal. Alamin ang epekto sa asawa o pamilya ng indibiduwal at tugunan ang mga problemang iyon. Bagama’t kailangang tulungan ang nagkasala sa kanyang proseso ng pagsisisi, pakiramdam ng mga biktima kung minsan ay binabalewala sila kapag lumalabas na ang pangunahing tuon ng mga lider ay nasa pagtulong sa nagkasala. Regular na makipag-ugnayan sa biktima para matiyak na natutugunan din ang kanyang mga pangangailangan.

Gamitin ang resources ng komunidad o propesyonal na tulong para sa mga miyembro ng pamilya na maaaring mangailangan ng payo o suporta.

Tulungan ang mga miyembro ng pamilya na maunawaan kung paano sila personal na matutulungan ng Tagapagligtas na gumaling (tingnan sa Alma 7:11 at Mateo 11:28–30).

Magbigay ng patuloy na suporta sa ibang mga miyembro ng pamilya na maaaring naapektuhan.

Gamitin ang Resources ng Ward at Stake

Hingin ang pahintulot ng indibiduwal bago talakayin ang sitwasyon sa iba. Dapat kumonsulta ang mga bishop sa abuse help line kapag nagkaroon ng mga tanong tungkol sa pagiging kumpidensyal at sa tungkuling magprotekta.

Tulungan ang tao na maghanap at tumanggap ng propesyonal na tulong, kung kinakailangan.

  • Gamitin ang lokal na resources na nagbibigay ng mga serbisyong naaayon sa mga alituntunin ng ebanghelyo.

  • Kontakin ang lokal na Family Services o ang area office para sa iba pang resources o mga opsyon sa paghingi ng payo.

Isiping makipagtulungan sa bishop para mag-ukol ng oras sa ward council o iba pang miting para sanayin ang mga lider sa pagpigil at pagtugon sa pang-aabuso.