Mga Calling sa Ward o Branch
Paano ko masusuportahan ang pagbabago?


“Paano ko masusuportahan ang pagbabago?” Counseling Resources (2020).

“Paano ko masusuportahan ang pagbabago?” Counseling Resources.

Counseling Resources

Paano ko masusuportahan ang pagbabago?

Ang mga bishop ay may sagradong responsibilidad na maging mga hukom sa Israel, tulungan ang mga miyembro sa pagpapalakas ng kanilang kaugnayan sa Diyos, at kumilos bilang mga espirituwal na guro. Responsibilidad ng mga indibiduwal na patatagin ang kanilang ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng pagsisisi at pagpapatawad. Ang mga indibiduwal, hindi mga lider ng Simbahan, ang may responsibilidad na tuklasin kung ano ang maaaring mangailangan ng pagbabago sa kanilang di-kanais-nais na pag-uugali. (Tingnan sa bahaging “Identifying and Understanding Influences” sa “Addressing Pornography” ng ChurchofJesusChrist.org.) Maaaring mangailangan ito ng personal na paghahayag na natatanggap sa pamamagitan ng pag-aaral at panalangin. Responsibilidad din ng mga miyembro na maunawaan at matugunan ang pasakit na idinulot ng paggamit nila ng pornograpiya sa kanilang sarili at sa iba.

Sa pagtulong mo sa mga miyembro na sikaping magpatawad, magtuon sa pagtuturo ng at pagbibigay-diin sa:

  • Doktrina

  • Karapatang Pumili at Pananagutan

  • Patuloy na Pagpapakita ng Pananampalataya

  • Tiyaga

Doktrina

Ang doktrina ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo ay napakahalaga upang maunawaan kung paano magsisi at mapatawad. Ang pagtulong sa mga miyembro na maunawaan si Jesucristo at ang Kanyang ginagampanan sa kanilang buhay ay mahalaga para magbago. Magagabayan ka kung paano pinakamainam na maituturo ang mga ito at ang iba pang mga katotohanan. Ang mga konseptong ito ay mahalaga rin sa pagmi-minister sa mga asawa at sa iba pang nasaktan ng pag-uugaling ito. Isiping rebyuhin ang sumusunod na mga pahina sa Mga Paksa ng Ebanghelyo:

Karapatang Pumili at Pananagutan

Hikayatin ang indibiduwal na panagutan ang kanyang mga pasiya. Kailangang maunawaan ng indibiduwal kung kailan kailangang magtapat. Ang pagtatapat sa kanyang asawa, mga magulang (kung menor-de-edad na kasama ang kanyang mga magulang sa bahay), o bishop ay kadalasang nakakatulong na makapagpatuloy sa buhay. Maaaring kailanganin ng ilang pagtatangka bago maging handa ang isang indibiduwal na ganap na maging bukas at totoo sa pagsasabi ng dating pag-uugali. Maging matiyaga sa prosesong ito na nagpapakita ng pagiging sensitibo, pagmamahal, at kasiglahan sa pagbibigay ng inspirasyon at paghikayat sa mga indibiduwal na maging lubos na tapat. Huwag ipahiya o pilitin ang isang tao na magtapat kung hindi pa siya handa.

Dapat rebyuhin ng mga bishop at branch president ang Pangkalahatang Hanbuk, 32.8.2, para sa karagdagang tulong. Ipaunawa sa indibiduwal na siya ay anak ng Diyos at ang paggamit ng pornograpiya ay isang pag-uugaling hindi umaayon sa banal na pagkataong iyon.

Pagpapakita ng Pananampalataya

Ang regular na panalangin at pag-aaral ng mga banal na kasulatan ay mahalaga sa pagkakaroon ng pananampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Kailangan ang pananampalataya kay Jesucristo para madama ang malaking pagbabago ng puso. Ang mga panalangin na may tunay na layunin ay maaaring humikayat sa mga indibiduwal na humingi ng kapatawaran mula sa Diyos at mula sa kanilang mga nasaktan. Maaaring makatanggap din ang mga indibiduwal ng matinding kalakasan sa pag-aaral ng mga turo mula sa pangkalahatang kumperensya at mga artikulo sa mga magasin ng Simbahan na tumatalakay sa mga paksang ito.

Dapat maniwala ang indibiduwal na maaari siyang magbago. Maging positibo at pag-aralang muli ang mga alituntunin ng pananampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Hikayatin ang pagsamba sa araw ng Sabbath, paglilingkod sa iba, at iba pang mga pag-uugaling naaayon sa katangian ni Cristo.

Tiyaga

Dapat hangarin ng indibiduwal ang personal na paghahayag sa pagbuo ng mga plano sa pagtugon laban sa paggamit ng pornograpiya. Dapat isaalang-alang ng bawat indibiduwal ang kanyang kakaibang pangangailangan sa pagtukoy ng mga solusyon at kung ano ang gagawin. Bagama’t mahalagang mithiin ang pagtigil sa paggamit ng pornograpiya, hikayatin ang indibiduwal na magpokus sa paghahangad ng mga katangiang tulad ng kay Cristo at maging disipulo ni Jesucristo. Ang mga sumusunod na page sa Addressing Pornography website ay maaaring makatulong sa mga miyembro sa prosesong ito:

Patuloy na ipaalala sa mga miyembro na ang pagbabago ay isang proseso na nangangailangan ng panahon. Maaari mo ring ipaliwanag na ang pagkakaroon ng personal na responsibilidad, patuloy na pagsisikap, at kamalayan sa pasakit na dulot ng paggamit ng pornograpiya ay pawang bahagi ng hangaring muling pagtiwalaan ng kanyang asawa, mga magulang, o ng iba pang mga miyembro ng pamilya. Pangkaraniwan na ang makaranas ng mga hadlang sa pagbabago. Hikayatin ang indibiduwal na maging tapat sa pag-uulat ng mga hadlang na ito sa kanilang asawa o mga magulang, matuto mula rito, at mabilis na bumalik sa mabubuting gawi.